Chapter 50

182 17 12
                                    

Pinagpapawisan na ang mga kili-kili ko habang parang natataeng nginitian ang mga tao dito na naptingin sa akin. Pinagpapawisan ito dahil sa kaba kahit may aircon naman. Buti na lang talaga nagdi-deodorant ako.

'So pano na? Tutunganga lang dito ganern? Eda kumilos ka naman hindi ka statue'

Halos isa-isa ko ng natignan ang mga tao dito habang mabagal na naglalakad at hinahanap kung saan ako pwedeng dumaan. Hanggang sa ngayon ko lang napansing nasa gitna ako naglalakad sa mismong napakahabang mukhang mamahaling carpet.

Patuloy ako sa paglalakad, medyo may kadiliman dito pero napapansin kong may pailaw effect pa dito kaya nagmumukhang syosal lalo ang lugar na ito. Yung ilaw na umiikot-ikot na parang nasa disco pero kulay puti ang kulay ng ilaw dito, basta 'yun na 'yun nakalimutan ko pangalan.

'Naku kapag nakatapak ako ng tae kanina hindi ko na kasalanan kung madumihan 'to! Baka pabayarin ako, Leche na!'

"Ah eh.. excuse me po" magalang kong kunwari na paulit-ulit sinsabi habang nakikiraan kahit mukhang binibigyan nga nila ako ng daan at sa mismong sentro pa talaga dito, nakakahiya!

Syempre dapat mahiyain pa ako sa ngayon, kahit makapal naman talaga ang mukha ko, chos.

Sa kakadaan ko dito ay 'di naglaon kaagad kong napansin ang banda na nakaupo sa mahabang table. Mukhang sa table nila ang special kumpara sa ibang table dito. Sa sentro ito nakapwesto malapit sa malaking stage sa harap.

'Luh s'ya special sila oh ang taray ng mga mokong'

Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung bakit humina ang music nang sumulpot ako kaya hinahanap ko rin ngayon ang dj. Nakita ko itong halos lahat na sila ngayon ay nakatingin sa akin dahil paglingon ko ulit sa table nila Blake ay silang lahat ng banda, napalingon na rin sa akin.

'Leche Flan ano bang atraso ko? Dapat chi-neck ko kanina kung nakatapak ba ako, baka mamaya mangamoy ako! Leche na! Baka masira ko ang moment!'

Nadagdagan tuloy ang kaba ko at lalong nagmukhang pilit ang ngiti ko sa mga mokong nang ilang segundo na ang nakalilipas ay nakatingin lang sila sa akin.

Nahihiya na talaga ako sa kinatatayuan nang tumutok sa akin ang spotlight kaya medyo binilisan ko na ang paglalakad ko papalapit sa gawi nila Blake pero leche flan naman talaga, sinusundan ako ng ilaw!

Habang inaayos ko ang napakahabang gown na 'to nang mapahinto ako sa table nila ay natigilan ako kakaayos ng suot matapos nilang marahang sabay-sabay na napatayo, nakatingin pa rin sila sa akin. Napaayos ako ng tayo habang nagkakamot ng ulong napapasulyap sa mga tao dito.

"Miss, transferee ka ba dito noon? Ba't parang 'di kita nakikita dito?" nangunot ang nuo ko sa pagtatanong sa akin ni Aaron.

"Pinagsasabi mo? Dapat bang tignan mo isa-isa ang mga tao dito pre para mamukhaan mo kung transferee? Tsaka huy! Utak mo lumulipad, patapos na ang klase tapos ganyan pa tanong mo" nakapamewang kong pagpuputak kay Aaron na mukhang hindi lang siya ang nabigla nang magsalita na ako.

"Leche flan, kung makatingin 'tong mga 'to akala mo naman hindi ako nagbabayad ng utang------"

"EDA!?" ikinabigla ko ng sabay-sabay nilang nagugulat na nabanggit ang pangalan ko.

"Oh bakit?" taka kong tanong sa kanila sabay ngiwi.

"What the hell...? Ikaw ba talaga 'yan!?" animo'y gulat na gulat na ani Vien sabay napalapit sa akin at pinalibutan ako.

"Ay hindi, actually kapitbahay niya 'to, nakikiattend lang sa prom kahit 'di invited" napapangiwi kong pamimilosopong tugon kay Vien bago ko tinaasan ng kilay.

Sangue Dolce ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن