Chapter 16

270 45 6
                                    

Abala ako sa pagsesearch sa Internet ng kung ano ano about sa iba't ibang klase ng panaginip. Nanghihinala na kase ako lalo na't natagpuan ko na naman ang sarili ko kaninang umaga na nagising sa kwarto ko at nakakumot pa ng maayos

Paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang mga pangyayari na parang totoo, alam ko talaga inimbitahan ako ni Mr. Amato sa kaarawan niya at ako mismo ang tumutugtog doon, alam ko rin na nandoon sina Sir Cafaro at Nurse Jeralene na basta na lang akong hinila palabas, para bang may masama akong ginawa

Kagabi rin naalipungatan na naman ako sa panaginip na umuulit na naman na kung saan ay may isang batang babae na lumabas ng bahay dahil sa gumulong na bola ng jackstone, ako siguro ang batang yun lalo na't kapangalan ko ang pagtawag sa kanya ng Ina nito pero di ko makita ang mga mukha nila

Wala rin akong natatandaan noon na muntikan na akong masagasaan at may nagligtas na isang lalaki sakin na humarang mismo sa kotse na niyakap pa ako

'Bakit ba umulit na naman ang panaginip na yun? Di naman sya Deja vu kase panaginip... Isa pa, parang hindi normal ang panaginip na iyon dahil hindi ko ito nakakalimutan'

May nabasa ako sa mga naresearch ko dito na tungkol sa iba't ibang klase ng panaginip, pero ni isa sa mga ito ay walang tumugma. Mayroong Normal Dreams, na kapag tayo ay nanaginip ay makakalimutan na ang panaginip na iyon.

Day Dreams, na kung saan ay nanaginip ka nang gising nakatulala sa hangin nagsusumidhing damdamin kahit halik lang ang akin, nababaliw ako sayo————wag mong kantahin

Lucid Dreams, na halos magkalapit lang sa nangyayari sakin dahil parang totoo ito pero hindi ako aware na nananaginip lang ako, meron ding False Awakening Dreams, na aakalain mong gising ka na pero ang totoo ay tulog ka pa, hindi rin pawawala ang Nightmares

Sa nangyayari sa panaginip ko na yun ay parang hindi naman sya ganon nakakatakot kahit matatakutin ako, dahil sobrang nakakatakot at napakacreepy ng mga tao na yun! Lalo na ang lugar na madadaanan kung saan alam ko na may tricycle driver akong nakausap sa lugar na iyon

Natigil ako ng may idea na pumasok sa isip ko

'Tama! Si manong driver! Sya ang magbibigay sagot sakin kung totoo bang nagpahatid talaga ako sa lugar na iyon! Bat di ko agad naisip yun?... Pero ang tanong... Saan ko makikita ang driver na yun?'

Kaninang umaga ring pagkagising ko ay naisipan kong hanapin ang invitation letter na bigay sakin ni Mr. Amato pero hindi ko na makita yun kaya naiisip ko na baka panaginip lang ang lahat

"Different kinds of dre——————" bigla akong napaigtad sa kinauupuan ko ng may biglang magsalita sa likuran ko at otomatikong napatingin dito sabay tago ng phone ko

Hindi na lang sana ako lumingon dahil halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sakin, ang mokong lang pala. Ramdam ko ang mainit nyang paghinga

Pati sya ay natigilang napatingin sa mga mata ko saglit lang ang tinginan na yun dahil bahagya kong inilayo ang ulo ko sabay iwas ng tingin

"A-anong ginagawa mo dito?" nabigo ako ng pigilan kong wag mautal dahil sa nakita niya ang pinagsi-search ko, baka sabihin niyang wirdo ako at kung ano ano na lang pinagsi-search ko

"I should be the one asking you that" napataas ang pagkakanot nuo niyang ani

"Teka ako ang unang nagtanong, wag mong ibalik sakin" kunwari ko pang pagpoprotesta

Napangiwi sya sabay ayos ng tayo bago naupo sa isang desk dito ng di inaalis ang tingin sakin "Nandito ako para ibigay sayo 'to" napatingin ako sa plastic na hawak niya bago nilapag sa harap ko, na aamoy ko ang mabangong amoy pagkain doon

Sangue Dolce ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon