Chapter 31

205 19 11
                                    

"You can do it" iyon ang mga salitang hinabilin sa akin ni Sir Cafaro habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Pero.. Sir, paano kapag—————"

"No more buts. Remember what I've said to you back then, before you agreed to be the representative in this contest.. " pampuputol n'ya sa sasabihin ko at mukhang wala na s'yang balak ulitin ang sinabi n'ya noon tulad ng nakasanayan.

I chose you because I trust you.

Sumagi bigla sa isip ko ang kasunduan namin na iyon bago n'ya ako napapayag na sumali, iyon ang mga salitang hindi halos mabura sa isip ko, para kaseng, iba ang pakiramdam nang pagkakasabi n'ya sa mga oras na iyon, nakakakislot ng puso.

Napaisip akong mabuti habang pinapakalma ang sarili mula sa kaba at panlalamig ng katawan ko. Ni hindi ko alam kung natatae ba ako o naiihi ng wala sa oras.

"I'm here at your side... If you forgot the process of solving...." pangbibitin pa n'yang dagdag.

"Just remember that I will punish you when that happens" bahagyang nanlaki ang mga mata ko at lalo lang yatang kinabahan sa seryoso ng mukha n'ya, akala ko pa naman ichi-cheer n'ya ako, binabantaan pa yata.

"Sir naman..." nanlulumo kong ani habang nagmamakaawa s'yang tignan para hindi ako parusahan kapag nakalimut ako ng process sa pagsolving o 'di kaya ay mas malala pa doon, ang makalimutan ang formula.

Pero natigilan ako ng nginitian n'ya ako. Ngayon lang yata n'ya ginawa iyon.'Yong labas ang ngipin.

"Just kidding" nakahinga ako ng maluwag sa pahabol n'ya. Nakakakaba s'ya magbiro. Seryoso masyado tignan kung nagbibiro nga s'ya. Pero alam kong nagbibiro nga lang dahil sa ngiti n'ya.

"No matter what happens. Just believe in yourself that you can do it. Stop being silly and lowering yourself. Stop comparing yourself to others, instead be proud of your talent and show what's the best thing you can do for this contest" iyon na yata ang pinaka mahabang sinabi ni Sir magmula nung makilala ko s'ya.

Pati kase sa discussion sa klase ay tipid at malamig ang pananalita kaya ganoonna lang ako naninibago sa kan'ya lalo na ang hindi ko na nakalimutang ngiti n'ya kanina.

Marahan akong napatango. Natitigilan sa mga narinig ko sa kan'ya. Hindi ko akalaing, hindi na ganoon kalamig ang pakikitungo n'ya sa akin, sa halip ay pinapagaan pa n'ya ang loob ko.

"May nakalimutan ka Sir" paghirit ko pa at bigyan n'ya ako ng nagtatanong na tingin "trust God" hindi s'ya saglit nakapagsalita at matagal bago n'ya ako tinanguan.

Naalala kong, hindi pala s'ya naniniwala sa Panginoon, pero buti na lang at sumang-ayon.

"Goodluck" lalo ko pang ikinatigil ang dinagdag n'ya bago bitawan ang pagkakahawak n'ya sa braso ko. Hindi ko pa inaasahang tinap n'ya ng marahan ang ulo ko at nginitian ako ng hindi na labas ang ngipin.

Nagtanguan kaming pareho ni Sir.

Nang magsalita na ang host ay hindi pa man nagbibigay ng tanong umaapaw na ang kaba ko lalo na't napakaraming tao ang mga nanonood dito. Sinisigaw ang pangalan ng bawat representatives sa kada school sila na belong.

Hinaantay ko lang na may sumuport sa akin kahit papaano dahil alam kong kinaiinisan ako ng lahat sa hindi malamang dahilan, tampukan ng mga bullies. Sa palagay ko ngayon ay kaunti lamang ang mga estudyante sa school ko na nanonood ngayon, mukhang ang ilan ay walang balak manood.

Humugot na lang ako ng malalim na hininga dahil parang wala akong nakikitang ka-uniform ko na suot ngayon sa dami ng tao.

'Ayos lang 'yan Eda. Nandito naman si Sir, s'ya ang susuport sa'yo. Laban lang!'

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now