Chapter 14

265 54 7
                                    

Malaki man kung tignan ay di ko alam kung bakit napakasikip ang pakiramdam ko sa lugar na to

Nagpapalitan ang tingin ko sa pinanggalingan ko at sa palasyo na ito. Napakalakas at napakalamig ng hangin dito.

'Bakit ganito pa kase ang suot ko? Mukha namang walang tao dito.... Pero may konti namang ilaw yata sa loob?.... Papasok ba ako?.... Pero nakakatakot tignan ang palasyo na ito..... Subukan ko kaya kung may tao.... Baka sa kaling matulungan nila ako?'

Huminga ako ng malalim habang yakap ang sarili at napalunok na naman bago humakbang papalapit doon. Nakakailang hakbang palang ako ng may hangin na malamig na naman ang sumalubong sa akin

'Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?..... Napakalaki naman ng lugar na ito pero.... Bakit nasisikipan ako dito?'

Napailing na lang ako ng ilang beses at pilit inaalis sa utak ko ang mga katatakutan na nai-isip

'Kaya mo yan Eda, wag kang loka loka walang mangyayaring masama sayo..... Wala talaga.... Kumalma ka.....'

Nasa tapat na ako ng malaking pintuan nitong palasyo, palasyo ko itong ituring dahil mukha talag syang palasyo na nakikita ko sa mga royal movies

'Kapag talaga nalaman kong niloloko lang ako ni Mr. Amato, di ako magdadalawang isip na edimanda sya kahit mayaman pa sya'

Isang lunok muna bago naglakas loob na kumatok. Walang sumagot. Wala yatang tao, pero para makasigurado, kumatok muli ako. Napakatahimik ng paligid kaya imposibleng hindi ko marinig mula sa loob ni isang tinig. Puro tunog lamang ng hangin at tuyong dahon ang naririnig ko habang ako ito, lamig na lamig dito.

Paulit ulit akong kumatok ngunit wala pa ring sumasagot kaya nagsalita na ako "Tao po?! May tao po ba diyan? Kung walang tao.... Wag sana sumagot ang multo!" pasigaw ko na ani para marinig ako kung meron mang tao sa loob

Wala pa ring sumasagot. Napatingin muna ako saglit sa kalangitan, hindi naman mukhang uulan, pero bakit napakahangin sa kapaligiran?

Mayamaya pa ay dumadagundong sa kaba ang puso ko ng nakarinig ako ng unti unting pagbukas nitong malaking pinto sa harapan ko. Di ko alam kung nangingilabot ako sa lamig dito o nangingilabot ako sa nararamdaman kong takot

Dahan dahan akong lumingon doon na nanlalaki ang mga mata at naninigas sa kinatatayuan "Aahhh!! Juice colored! Sino ka?!" bahagya pa akong napatalon sa kinatatayuan ng may isang lalaking katangkaran, may kaunting katandaan pero may angking kagwapuhan, at sobrang puti niya!

Walang emosyon niya akong tinignan pero sa tingin palang ay nakakapangilabot na "Ako dapat ang nagtatanong sa inyo niyan" lalo akong nakaramdam ng kaba sa boses niya, parang dambuhalang tao ang kausap mo sa lalim ng boses nito

Napaayos ako ng tayo, syempre di dapat ako magmumukhang akyat bahay dito kase magpapatulong lang naman ako, isa pa dapat kailangan mabait ako

Napakamot ulo ako"Ah.... Yun po ba.... Ako po si——————"

"Eda Ilaria Gaviola" halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat ng sya ang tumuloy sa sasabihin ko

"T-Teka.... P-papaanong—————"

Di ko na naman natapos ang sasabihin ng magsalita na sya muli "Ikaw ay inimbitahan ni Prinsipe Gian sa kanyang kaarawan, tama ba?" magkahalong pagkalito, gulat at takot ang nararamdaman ko sa sinabi niya

'Gian? Si Mr. Amato yun ah.... Pero bakit prinsipe ang tawag niya?'

Puno ng pagkagulo ang makikita sa mukha ko ngayon, hindi agad nakapagsalita hanggang sa madapo ang tingin ko sa gilid ng malaking pintuan at nakita ang address na nakalagay Agghiacciante666?!

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now