Tumikhim ako "Eda Ilaria Gaviola po Ma'am" magalang kong sabi, napatingin ako sa kanya ng magsulat sya doon sa bitbit nyang maliit na notebook na mukhang yun ang listahan niya sa mga estudyanteng pasaway kaya napabuntong hininga na lang ako na nanlumo

Kase naman di naman ako pasaway at dahil sa leche flan ko na pagkaantok tuloy nakatulog pa ako dito at nalista pa

"Remember ha, Miss Gaviola. First warning. Alam mo naman sigurong hanggang third lang yun at pwede na kitang ireklamo.... Nagkakaintindihan ba tayo?" aniya ng matapos magsulat, tumango ako

"Answer me, yes or no" aniya ulit

"Y-yes Ma'am" utal kong sabi saka napayuko na inayos ang salamin ko at kamay ulit sa likod

"Good... Mabuti yung nagkakaintindihan tayo" yun lang saka sya kikembot kembot ang pwet na naglakad paalis, ng makatalikod sya sakin ay nagmake face ako sa kanya na dumidila dila pa saka nagduduling dulingan kahit malabo na ang paningin ko sa inis

Tamad na tamad akong naglalakad dito sa hagdanan papunta sa room ko na nasa last floor pa nitong building habang bitbit ang mga libro ko na kinuha ko sa locker ko

Paano ba naman kase bukod sa full na yung elevator ay nandoon din ang grupo nung babaeng parang coloring book ang mukha, napakakulay, colorful siguro life niya kaya nasobrahan sa pagka colorful ang mukha

Nang marinig ko ang bell ay parang mabilis akong nabuhayan saka kumaripas ng takbo paakyat dahil baka malate ako lalo pa at nakita ko sa schedule ko ngayon na First subject namin si Sir Cafaro, tumakbo lang ako paakyat at tuloy parin ang laban na parang nakikipag marathon at hingal na hingal na ako

'Lagot talaga ako kung malate ako sa class niya baka ipahiya na naman ako sa klase! My gas! Leche flan!'

Sa kakamadali ko ay ako na yata ang pinakalampa na nerd, haayss may nakabangga na naman ako tuloy ay natumba ako at nahulog ang mga librong hawak ko, dahan dahan akong napaangat ng tingin doon sa matigad na katawang nabangga ko, nagdadasal na sana hindi si Sir Cafaro yun pero mukhang palagi na lang yata akong minamalas

'Si Sir Cafaro ang nakabunggo ko!'

Nasalubong ko ang matalim at sobrang lamig niya na tingin sakin na parang kasing lamig ni Iceman, mukha pa syang nainis ngayon kahit ako tong natumba na tinignan niya lang ako

Pilit kong itinayo ang sarili ko kahit masakit ang siko at tuhod ko na nasugatan nung isang araw, pinagpagang sarili saka yumuko na napatingin sa mga nahulog na ilang libro sa may hagdanan, yung last na floor na kase na pupuntahan ko ay doon ko sya nabunggo dito sa may hagdanan

Di ko alam kung anong uunahin ko, yung pulutin ang libro o manghingi ng sorry sa kanya kahit nakakatakot sya kaya di ko masalubong ang tingin niya na yun

"A-ahm.. S-sir" napapikit ako na napakagat sa ibabang labi ng mautal ako "Sorry Sir Cafaro.... I didn't mean to do that———" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita sya na lalo kong ikinakaba

"Let's talk later in my office when your class ends" malamig niya na sabi na ikinaangat ko ng tingin sa kanya ng may gulat sa mukha

'Letchee.... My gas!'

"Po?"

"If you can't hear me well, that's not my problem.... I don't want to repeat what i said" pagsusuplado nya pa sa malamig na tono bago niya ako nilayasan

'Patay.... Paparusahan niya ba ako sa pangalawang beses ko ng pagbunggo sa kanya?.... Di ko naman sinasadya eh... Galit ba sya?'

Huminga ako ng malalim at saka bumalik sa isipan ko na sya pala ang first subject namin kaya dali dali kong pinulot ang mga libro ko saka mabilis na sumunod kay Sir na gusto ko syang lampasan kaya napatakbo na naman ako

Sangue Dolce ✔️Where stories live. Discover now