Kabanata 22

789 13 0
                                    

"Nyx, let me drive you home." narinig ko na sambit ni Ares but I told myself to keep on walking. He should go back na, his girlfriend is probably waiting for him at their mansion.


Patuloy ako sa paglalakad while, Ares was also following me from behind. Tumigil na din ang ulan ngunit basang basa kaming dalawa ng lalakeng nakasunod sa aking likod.


"Nyx."


He called me again and this time, he grabbed my arm to make me face him. I looked away nang magtama ang aming paningin.


"Ares, I can handle myself okay? Your girlfriend must be waiting for you." I smiled bitterly into myself but Ares didn't move he stared at me like he was studying my face kahit na ang buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa aming dalawa.


"I don't understand." he murmured. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi, napansin niya iyon kaya agad niya akong binitawan.


"What thing can't you understand?" I asked him.


"Nothing. Just let me drive you home, okay?" he sighed na para bang ubos na ang pasensya nito.


"Kaya ko ang sarili ko Ares. May girlfriend ka na, siya dapat ang ihatid mo." I said, coldly. "If you're worried about me, I am more than okay."


and of course, I lied.


Silence filled between us before I decided to turn around. I was about to walk away but I felt the urge to say this to him.


"I am happy for the both of you."


Mabuti na lang at hindi na sumunod si Ares. Alam ko naman na sinabi ko sa kanya na wag na sumunod but a part of me was disappointed at him.


hindi ko na naiintindihan ang sarili kong isip.


I successfully made my way on the gates, hindi ko man lang naramdaman ang sakit ng aking binti o paa. I can just only feel my aching heart.


"Ikaw 'yong kasama ni sir Ares diba?" napalingon ako sa nagsalita. Si manong guard.


"Opo." I smiled at him and wipe the remaining tears on my cheeks.


"Bakit basang-basa po kayo ng ulan? Nilakad niyo lang po ba papunta dito? Tatawagin ko ba si sir?" sunod-sunod ang mga tanong nito.


I smiled at him for assurance. "Okay lang po ako, manong. I can manage myself."


Kumunot ang noo ni manong guard sa akin habang nakatingin sa aking mga paa na walang saplot, bitbit ko kasi ang stilettos ko. He was about to say something when a car beeped, mukhang pauwi na ito.

Maybe, One Day (The Six Ladies Series #1)Where stories live. Discover now