Kabanata 5

832 14 1
                                    

"Ano pa ba ang nangyari?" tanong ni Rhea. We are currently inside the cafeteria, maaga pa naman at wala pang tao sa loob ng classroom so, we decided to buy some snacks before the class starts.


I was under investigation with Rhea, Shine and Patrice dahil tanong sila ng tanong tungkol sa nangyari kahapon. Hindi daw sila makapaniwala na hinatid ako ni Ares and kahit ako ay hindi din makapaniwala. This is a big step of progress!


"Wala na, ending na 'yon." I smiled at them.


"Ganon lang? Walang kiss?" tanong ni Patrice at kinilig pa ito sa sinabi niya. Rhea and Shine giggled with her kaya hinayaan ko na lang.


"Kiss? We are too young for that." I laughed with them. "Pero, sayang walang good night kiss e."


The three of them started to spank each other's arm, hindi naman halatang kinikilig sila diba? Hinatid nga ako ni Ares but his mind we're flying off somewhere, he was serious and quiet the whole ride at ilang beses ko pa siyang tinawag bago lumingon sa akin.


I quickly removed those negative thoughts and looked at my wrist watch. 15 minutes na lang ay magsisimula na ang first period.


"Balik na tayo." niligpit ko na ang mga gamit ko at tumayo. Sumunod naman ang tatlo sa akin, they are still asking me some questions but all I can reply is a smile.


"Good job Ms. Paloma at Mr. Guevara." natatawang sambit ni sir Rico, halatang namangha talaga sa presentation namin. "Pinagtuonan niyo talaga ng pansin ang presentation niyo. Akala ko kalandian lang ang alam niyo d'yan sa upuan niyo."


Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Sir at tumawa ang mga kaklase ko lalong lalo na ang tropa ko. I can't believe that sir Rico would notice that? I mean, hindi naman kami naglalandian, it was just a simple talk.


"Sorry sir. Di na po mauulit." napalaki lalo ang mata ko sa sinabi ni Ares.


What? Parang inamin niya na may ginagawa nga kaming landian sa upuan namin. What is he even thinking?


"Sir, hindi po kami naglalandian--" naputol ang pagsasalita ko nang nagsalita na si sir.


"Hindi naman kami interesado sa love life ninyo, Ms. Paloma. No need to explain." umirap pa si sir sa amin. "Take your seats." dagdag nito.


Hindi na ako umimik pa, halos lahat ng kaklase namin ay tinutukso na kaming dalawa ni Ares at hindi ko alam kung paano ia-approach si Ares ngayon dahil big deal na ngayon sa loob ng room ang simple talk namin ni Ares. Gusto kong sabunotan si sir Rico but I remembered na wala pala siyang buhok.


Let's just hope na hindi kami magiging awkward ni Ares.


"Thinking of me again?" napalingon ako sa aking tabi. Feeling naman nito, iniisip ko kaya si sir Rico. 


Maybe, One Day (The Six Ladies Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon