[Thirty-one] Death

114 3 0
                                    

***

Death

'Leona's POV'

"O-olivia... H-hindi..." kumikibot ang labi na sabi ko.

Gusto ko siyang sapakin nang kindatan niya ako. Gaga ba siya? Nauubusan na siya ng dugo tapos...

"I love you, ate," bulong niya na may ngiti sa labi.

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko kaya halos hindi na ako makakita ng maayos. Inalog-alog ko siya dahil hindi ko na maramdaman ang paghinga niya.

"Olivia, bumangon ka!" hindi ko na maiwasan na mapahagulgol.

Halos mawalan na ako ng lakas nang mapagtantong hindi na siya sumasagot.

"Olivia! S-sinabing bumangon ka na eh! ang bigat mo kaya!" sigaw ko sa kaniya.

Napatingin ako sa may pintuan nang may naramdaman akong nakatingin saamin.

'Venice.'

Nakita ko ang mabilis na pagtulo ng mga luha niya. Hindi siya makapaniwala. Nagtaka ako nang may kinuha siyang baril sa lapag na isa sa mga nawalan ng buhay, kinasa niya ito at mabilis na lumabas ng basement.

***

'Venice's POV'

"Where's that bitch?" mariin na bulong ko sa sarili.

I summoned Jennica and the others  to the basement to help the twins. I know Olivia can't make it but...

"Fuck!"

Hindi ko mapigilan na mapapadyak dahil sa inis at galit na umaapaw sa puso ko.

Napatingin ako sa labas ng mansion nang may nakita akong paalis na van.

"At tatakas ka pa?"

Pinaulanan ko ito ng bala ang ibabang parte ng sasakyan at natamaan naman ang dalawang gulong nito dahilan upang gumewang-gewang ang takbo nila. May nakita akong tumapon ng stun grenade sa loob ng sasakyan.

'Isa sa mga Ivanov.'

Sumenyas siya sa mga kasamahan niya na puntahan ang sasakyan na ngayon ay nabangga sa isa sa mga puno. Hindi malakas ang impact non kaya malamang ay buhay pa ang mga peste.


***

'Marcelline's POV'

Ilang araw na ang nakalipas simula noong nangyari sa lumang mansion ng mga Ivanov.

Napatingin ako sa salamin at kapansin-pansin ang pamumugto ng aking mga mata. Bukas na ang burol niya at hindi ko alam kung kakayanin ko bang pumunta doon nang walang skandalo na mangyayari.

Muli akong napa-upo sa kama at binaon ang mukha ko sa unan.

"Tanginaaaaa!" hindi pa rin ako makapaniwala.

Gusto kong magwala at manira ng mga gamit pero nagawa ko na 'yun ng ilang araw kaya malamang ay wala nang naiwan para sirain ko pa.

Napabaling ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito.

Si Jen.

Nakataas ang isang kilay niya habang tinitingnan ang kabuuan ng kuwarto ko.

Napanguso ako.

'Judgemental masyado.'

"Maglinis ka nga," sabi niya.

"Tinatamad ako..." halos walang buhay na sambit ko.

Dawn Venice (COMPLETED)Where stories live. Discover now