[Twenty-three] Just Dance

67 6 1
                                    


Just Dance

'Venice's POV'

Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding hiya sa tanang buhay ko. Letse. Ang dalawang 'to kasi— tsk!

Para akong baliw na humahataw sa harap ng malaking screen habang tumutugtog ang kantang Bad Romance ni Lady Gaga. Ang dalawa naman na nasa magkabilang gilid ko ay abot tenga ang mga ngisi.

Pakiramdam ko isa akong tuod. Tsk!

May napansin akong iilan na kumukuha ng video namin kaya napakunot ang noo ko sa kaniya. Makikita ko lang ang mukha ko sa social media, sisiguraduhin ko talaga na hindi na siya magkakaroon ng isa pang henerasyon.

"Yeaaaah!" rinig kong usal ni Marcy.

"Ven!" tawag ni Jen sa akin.

"What?"

"C'mon!"

Natapos ang kanta at akala ko tapos na rin ang sumpang nararanasan ko ngunit muling tumugtog ang malalaking speakers sa magkabilang gilid ng malaking screen.

(Now playing: Uptown Funk by: Bruno Mars)

Fuck. Now I can't let everyone look at me awkwardly.

Sinunod ko lahat ng steps sa screen na may doble at sobrang hataw. Mas iginalaw ko na rin ang bawat joint at muscle ko sa katawan habang unti-unting nagdadasal na sana ay matapos na ang mini delubyo na ito.

Sa kalagitnaan ng tugtog ay may expression nang lumalabas sa mukha ko na sumasabay sa bawat kilos ko. Paminsan ay napapalabas ko ang dila ko o di kaya'y napapakagat labi ako. Hindi ko alam kung bakit pero nae-enjoy ko na ang ginagawa naming tatlo. Hindi ko rin alam kung totoo ba o namamalikmata lang ako dahil parang mas dumarami ang mga taong nakapalibot at nanonood sa amin dito.

Natapos ang kanta at humihingal kaming napatawa.

"Isa pa!" nagulat kami nang may sumigaw non galing sa kumpol ng mga tao!

"Isa pa!" ulit pa nito!

"Isa pa! Isa pa! Isa pa! Isa pa!" sigaw ng halos kalahati sa mga nanonood— hanggang sa lahat na sa kanila ay pumapalakpak na habang paulit-ulit na sinisigaw ang linyang iyon.

Ngumisi ako. I miss this shit.

Isang hindi pamilyar na kanta ang tumugtog ngunit hindi nagtagal ay nasasabayan ko na ang beat nito.

***

Pawisan kaming humakbang papalayo sa harap ng malaking screen na iyon matapos ang huli naming sayaw. Bumili kami ng tatlong bote ng mineral water sa kaharap na stall ng arcade at saka mabilis na nilaklak iyon.

Tinaasan ko ng isang kilay si Jen nang sikuhin niya ako. May ininguso ito sa likuran ko.

"Hey, miss," nakangising bati ng isang mestizong lalaki na may tatlo pang kasama sa likuran nito.

Tiningnan ko lang ito.

"Omygawd! Ang gwapo nila! Penge isa. Hihi," rinig kong bulong ni Marcy sa gilid ko bago muling sumimsim ng tubig na animo'y parang baliw na kinikiliti sa tagiliran nito dahil sa kilig.

Siniko naman ito ni Jen sa tagiliran kaya muntik na itong mabulunan, "May Klyde ka na oy!" galit ngunit pabirong wika ni Jen kay Marcy.

Dawn Venice (COMPLETED)Where stories live. Discover now