[Twenty-eight] Glimpse of The Past

75 4 0
                                    

***

Glimpse of the Past

'Olivia's POV'

'Huhu, ang hirap pala talaga pag ma-experience mo na ang ma-kidnap. First time ko ito eh.'

Napatingin ako sa kaharap na kama. Bago pa ito at nakabalot pa ang kutson. Binilhan nga ako ni Ate Leona ng kama. Pero ang tanong eh kailan niya ako papakawalan para naman ay maranasan ko ang lambot at bango niyan?

Ilang araw na akong nakaupo, ang sakit na ng puwet ko! Nakakainis.

Pero medyo nawala ang inis ko sa kaniya dahil masarap ang binigay niyang meryenda kahapon; ice cream. Hihi.

Pero nagagalit talaga ako sa kaniya tuwing nilalapitan niya ang mga kaibigan ko. Nakakatakot kasi si Ate lalo na kapag galit. Hindi ito magdadalawang-isip na pumatay, kahit na may batas kami sa palasyo na bawal kumitil ng buhay ay nagawa niya.

Hindi ko rin naman siya masisisi dahil alam kong malungkot pa rin siya.

Flashback noong baby face pa ako-- 13 years old version ni Olivia at Leona:

Nagbabasa kami ni ate ng novel sa kuwarto.

Halos mamaos na ako kakatili dahil kilig na kilig ako sa binabasang estorya nang bigla nalang bumukas ang pinto. Pumasok si kuya Leandro. Bihis na bihis ito na para bang makikipag-date sa invisible girlpren niya.

"Ty ne poydesh' s nami? (Aren't you coming with us?)" tanong nito.

"Net, (No.)" sabay na sagot namin ni ate.

Pupuntahan kasi nila ang bagong factory namin na last week lang bumukas. Maraming investors na dadalo galing sa iba't-ibang panig ng mundo. Isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit ayaw namin ni ate na pumunta. Parehas kasi kaming nahihirapan magsalita ng Ingles. Nakaka-intindi naman kami pero hindi fluent kung magsalita.

'Huhu.'

"Kak naschet papy? (How about dad?)" tanong ni ate.

"On ne chuvstvuyet sebya khorosho, (He's not feeling well)"

Napatingin ako sa kaniya, "On ne sobirayetsya? (He's not going?)" takang tanong ko. Wala kasing pinapalampas na pagkakataon si Dadey lalo na pag sa negosyo kahit na may sakit siya.

Umiling si kuya at nagpaalama na. Hinalikan niya muna kami sa pisngi bago umalis.

Napangiti ako. Ang sweet sweet talaga ni kuya. Ang gwapo at talino paaaa. Maraming nagka-crush diyan eh, kaso alam kong trabaho muna ang iniisip niya ngayon.

Nagpatuloy kami sa pagbabasa at tuwing tumitili ako ay tinatakot ako ni ate na putulin ang mahahaba kong beautiful nails kaya napag-desisyonan ko na manahimik.

***

Gabi na kaya tinawag na kami para mag-dinner. Nakaupo kami sa harap ng mahabang hapag, nasa pinakadulo si Dadey. Sa strikto ng pagmumukha niya ay hindi halata na may sakit siya.

"Hi, Dadeeeey!" masiglang bati ko sa kaniya. Kumaway-kaway pa ako.

Ngumiti siya saka ngumuso, "My head hurts."

Napasimangot ako.

Ano Dadey? Labanan ng English?

Tumawa siya sa naging reaksiyon ko ngunit kaagad rin siyang napangiwi. Sumakit ata bigla ang ulo niya.

Nagtaka kami nang lumapit ang isa sa mga tauhan namin. Balisa ito na para bang natatae.

'Baka naubusan ng tisyu?'

Dawn Venice (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin