[Twenty] Olivia Was Sick

83 4 0
                                    

***

Olivia Was Sick

'Marcelline's POV'

Dahan-dahang napalinga sa gawi namin si Olivia nang mapansin niyang bumukas ang pinto ng coffee shop. Kumunot ang noo niya kaya napakunot rin ako ng noo. Kung makapag-react siya, aakalain mo talagang hindi ka niya kilala.

"Hey, Via. Who's he?" Inis na tanong ko, pertaining to the man in front her. Nang marinig ako ay agad ring napalinga ang lalaki sa akin seeing his shocked face vividly.

"M-marcy. Siya yung sumaksak sa'yo diba? He actually came here to---"

"To what?! To apologize----?! That's bullshit!" Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng karamihan. I want justice though hindi pa naman ako patay, like duh.

Napatingin ako sa lalaking asungot at gusto kong matawa nang makitang ang sama ng tingin niya sa akin! Wow! at siya pa ang may ganang bigyan ako nang ganiyan kasamang tingin?! Galeeeeng.

"Marcy, calm down. Pwede naman tayong mag-usap privately diba?" She suggested, lookin' nervously.

I took a deep breath, "Fine."

***

Nandito kami ngayon sa isang Chinese restaurant na kung titingnan ay parang kami lang rin naman ang customers. It must be really expensive. Pinauwi muna ni Via yung gago at kami nalang tatlo ang nagtungo dito. Ayaw ko rin namang makita pa ang pagmumukha niya.

Umupo kami, nilapitan ng waiter at binigyan ng menu lists. Nang makaalis na ito ay agad na tumikhim si Via, getting our attentions.

"So... I found out na ginawa lang niya 'yun dahil sa galit at poot and I guess he was trying to avenge his deceased family."

Anong nangyari sa'yo Via? Parang hindi ka na masaya ah--- sabagay sino ba naman ang tatawa kung may nasaksak diba?

"Avenge? And why would he do that?" Dahil ini-spray-an ko ang mga mata ng dalawa niyang alipores?

"It's because your grandmother assassinated them one... by... one." She said, giving emphasis to the words 'one by one.'

Shock was written in my face. My grandmother did that? Why? In my whole life I've never met her dahil maaga raw itong namatay ayon sa kuwento nang mga kamag-anak namin. Higit sa lahat, parang ayaw kong maniwala dahil halos lahat kami ay tinitingala siya at halos lahat kami ay nirerespeto siya.

"No, she can't do that." Iiling-iling ko pang sabi.

"But she already did. You can't change the event that has been done, no one has the power to do that----"

"STOP!" I took a deep breath, mas tumalim ang mga tingin na binibigay ko sa kaniya, "What's wrong with you?! Nawala ka ng ilang araw, bumalik ka nga pero ito ang ipinapakita mo? What the hell, Via?!" Hindi makapaniwala kong singhal sa kaniya.

Yes, I'm glad na bumalik na siya pero 'yung attitude at pananalita na sumabay sa pagbalik niya? To hell with that! Hindi nakakatuwa.

Yumuko siya kaya napatingin naman ako sa kaniya, "I'm sorry." Pahina na pahina niyang sabi.

Dawn Venice (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora