[Eight] Phone call

135 7 0
                                    

***

Phone call

'Olivia's POV'

Ano ba yan. Ba't ba ang tagal ni kuya Led? Siguro may ginagawa na naman yung kababalaghan. Ew...

"Oh Via? Di ka pa uuwi?" Takang tanong ni Jennica nang madaanan niya ako sa may parking lot ng school kung saan ako naghihintay kay kuya. Kung hinahanap niyo si Ven ay umuwi na siya kanina pa, nagpaiwan lang kami dahil may inutusan pa kami ni ma'am Piyang na dalhin yung mga extra books sa library.

"Hihintayin ko pa si kuya." saka ako ngumiti ng konte.

"Haha! Ano? hentai? Hahahaha!" Hala? Andiyan pala si Marcy? Di ko nakita.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan dahil di ko talaga naintindihan ang kaniyang sinabi. Dami talagang alam.

"I-Google mo!" She said as she cling her arm into Jennica's.

Nagkibit-balikat nalang ako saka nag-babye sa kanila nang makitang papaalis na pala silang dalawa.

***

Haaaays... Nakakapagod rin palang maghintay kahit wala ka rin namang ginagawa. Bibili nalang kaya muna ako ng makain?

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa nang maramdaman kong nag-vibrate ito.

Kuya Lledo:

May dadaanan pa ako sa SM. Just wait.

-----

Oh diba? Dumagdag pa yung sm sm choo choo niya.

At dahil wala na talaga akong magawa ay tumayo na ako at dumiretso sa may street food corners.

*0*

Kwek-kwek milabs!

Nang makita ko ang aking kalove-life ay di na ako nagdalawang isip na bumunot ng 20 pesos sa aking pitaka at bumili ng apat na pirasong kwek-kwek.

Saraaaaaaap!

Nang maisubo ko na ang pangatlong piraso kahit na puno pa ang aking bibig ay pumila na ako sa may pabentahan ng buko juice at bumili ng isang baso.

(a/n: aanhin mo ang baso?)

Iihian ko! Malamang iinuman ng buko juice *roll eyes* Otor naman, huwag vovo ah?

(a/n: Aba't!)

Hep! Okay na *smile* sa ngayon ayaw ko po muna ng gulo dahil...

ano...

Ummm... Wala akong maisip eh. Basta dapat good vibes. Hehe.

Nang makuha ko na ang buko juice ay syempre ay nagbayad na ako at ibinalik ang sukli sa aking pitaka.

"Hala!" Impit kong sigaw nang may batang nakabangga sa akin at nahulog ang one and only kong kwek-kwek na nasagi niya.

T^T

"Kwek-kwek milabs." Mahina kong bulong habang maluha-luhang nakatingin sa pagkaing nasa lapag. Huhu!

"Sa susunod kasi, miss... Hawakan niyong mabuti nang walang makaagaw at baka mahulog pa ito sa iba." Saka siya ngumiti at umalis.

Dawn Venice (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora