[Fifteen] Family Dinner II

86 4 0
                                    

***

Family Dinner II

'Led's POV'

Nang makarating kami sa restaurant kung saan kami magkakaroon ng family dinner ay pumasok na kami.

Alangan namang tatambay kami sa labas?

"Odelle! You've grown so fast!" Masayang komento ni mommy nang makita niya ako. She hugged me.

Tsk! Don't call me with that name!

"Where's dad?"

"Oh, he went to the comfort room--- Olivia-- mah bebe!" Then gaya ng ginawa niya sa akin ay niyakap niya rin si Via.

Pinaupo na kami ni mom saka kami nilapitan ng waiter para mabigyan ng menu. First, we ordered some appetizer, main course then dessert.

"How 'bout your beverages ma'am?" The waiter asked.

"Bestseller nalang. Thank you."

Sakto namang pag-alis ng waiter at dumating na agad si dad. Ang lapad ng ngiti ah. Umupo siya sa tabi ni mom saka kami pinagmasdan na dalawa ni Via.

"Son! How's the business so far?"

"It's doing great, dad." I said with a pleasing smile.

Nasanay rin kasi kami when we're in front of them. Lalong-lalo na't sa mga business partners niya. Proper etiquette daw. Tsk!

"Olivia! It's nice to see you again!"

Sinulyapan ko si Via nang hindi man lang siya bumati pabalik. So, I nudged her.

"H-hehe. Nice to see you as well, d-dad." Saka ginawa niya yung signature pose niya. Peace sign.

"How's life? Maayos naman siguro kayong dalawa?"

"We're fine mom. Adik pa rin sa libro si Via. Hahahaha!"

"Oh.. That's nice. Anong binabasa mo right now?" Napatingin siya sa likod namin kaya luminga rin ako, seeing the waiter with it's straight posture at ang dalawang tray na dala niya.

"Umm... A-ano. Diary of a Wimpy Kid."

Hell?

"Bumabasa ka non? Akala ko mahilig ka sa romance-shit, etcetera?" Kunot-noo kong tanong. Napa-ayos kaming lahat ng upo nang ilapag na ng waiter ang mga order namin.

"Ssh! Language, Odelle!" Tsk!

I'm not a kid anymore!

Nanahimik nalang ako saka nagsimula na kaming kumain.

***

Hours passed at napagpasiyahan na nila na itapos na ang dinner.

"Bye! May flight pa kami to Kuala Lumpur mamayang madaling araw eh. Bye Via!" Yinakap na naman niya si Via saka hinalikan sa pisngi. I saw her flinched.

What's wrong with her?

Lumapit si mom sa'kin saka naman ako yinakap at hinalikan sa pisngi. "I'll miss the both of you." nagkunwari pa siya na parang naiiyak.

Tinapik ako sa balikat ni dad, senyales na aalis na sila.

***

"Are you alright?" Taka kong tanong kay Via nang makasakay na kami ng kotse. Sinaksak ko ang susi saka binuhay ang makina.

"Oo naman. Inaantok lang ako."

I just shrugged my shoulders at di na nagsalita.

Hindi naman siya ganiyan ah. Everytime na bibisitahin kami ng mga magulang namin ay nangungulit talaga 'yan para mabilhan ng sasakyan.

***

"Dito lang ako--- Le--- kuya. I said dito lang ako!"

"Tsk! Anong gagawin mo diyan?" Inis na tanong ko. Gusto niyang bumaba sa isang di pamilyar na lugar eh.

"Magpapahangin lang ako---"

"Pwede kang magpahangin sa garden ng bahay o kung ayaw mo ay sa veranda ng condo mo. Bakit diyan pa?!"

"Ano bang pake mo?!"

Hindi ko na maiwasan at bigla nalang pumitik ang sentido ko. "Ano bang problema mo?! Kanina ka pa ah!" Singhal ko sa kaniya.

"Tsk! Edi uuwi!" Sigaw niya at padabog na sinandal ang likod sa sandalan.

Seriously?

I agitatedly sat back saka nag-drive muli.

*-*-*-*-*-*-*-
Greetings!

Sorry po kung konti lang! Scene lang kasi ito nung nag- family dinner ang mga Manolo (Via and Led's fam. Hoho~)

Kasi baka magtaka kayo kung bakit wala yung scene.

Hope ya'll enjoyyyy!!

See yah sa next chappies! Muwah!

Donporgeto...

Vote/Comment/Fallow

Dawn Venice (COMPLETED)Where stories live. Discover now