[Seventeen] Galiana Primrose

80 5 0
                                    

***
Galiana Primrose

'Marcelline's POV'

"Prim." Mahinang usal ko, bakas ang pagkagulat sa mukha.

Bakit siya nandito?! At ang mas worst, kasama niya ang mga kaibigan ko!

Ang liit nga naman ng mundo.

"Oh, Marcelline! I never thought I would see you here!" Tumayo siya, kinuha ang tray na dala-dala ko saka inilapag 'yon sa mesa at...

NIYAKAP NIYA AKO!

Hindi ako makagalaw! Bakit ba niya ginagawa 'to? Nakakahiya! Ako ang may kasalan pero ako pa ang tin-rato niyang espesyal.

Special agad? Baka mamaya may kutsilyo pala siyang hawak. Hehe.

Bumitiw siya sa yakap kaya naman ay nakahinga na ako ng maluwag. Pero nagugulat pa rin!

"Sowwww." Singit ni Jen. Napalunok ako ng hard.

"Magkakilala nga kayo. How?" Kinakabahan ako. Masyadong straight-forward ang isang 'to eh.

May kasalanan akoooo!

"Uh... So, they don't know?" Gulat na bulong ni Prim sa akin. Pano ba napadpad ang isang 'yan dito? Akala mo naman paru-par---- ipis na kung saan lang palipad-lipad.

Umiling ako.

"Upo muna tayo."

"S-sure."

***

"EX MO SI KLYDE?!" Nanlaki ang mga mata ni Jennica sa gulat nang magkwento si Prim sa harap.

Napapikit ako, "Tsk! H-hindi nga. Ano lang, m-may uhhh..." Pano ba? Hindi naman kasi ako komportableng pag-usapan ang mga ganitong bagay. Nakakahiya!

"May mutual feeling lang sila sa isa't-isa." Si Prim.

Nakita kong bumaling si Jennica kay Ven, nagtataka, "Hindi ka man lang nagulat?!" taka niyang tanong kay Ven na kakasubo lang rin ng fries.

Nagkibit-balikat siya, "Hindi ko naman in-expect na may gan'to kayong pasabog pero alam kong may sasabihin na kayong hindi ko o namin alam kaya hindi na ako nagulat." Malumanay niyang wika.

"Expect the unexpected." Dagdag pa niya.

Sabagay...

"Pero bakit hindi mo sinabeeeee?!"

Huhu! Sorna!

"Hindi ko alam."

"Hindi mo alam na?"

"Hindi ko alam kung anong rason ang idadahilan ko, marami kasing tumatakbo sa utak ko."

Dawn Venice (COMPLETED)Where stories live. Discover now