[Nineteen] Muwah

94 4 0
                                    

***

Muwah

'Marcelline's POV'

Nang matapos na akong maligo, I decided na pumunta muna ng guest room. Doon daw ako mags-stay ng isang gabi ayon kay Prim at tita Lindee.

Hmm... Not bad.

At lumabas na ako. I just checked it out. Besides, hindi pa naman ako inaantok.

"Oy,  Marcy—"

"WOI!!" Gulat na sigaw ko with matching hawak pa sa dibdib— May dibdib po ako.

"A-ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat ha?" Inis na sigaw na medyo pabulong na rin na tanong ko kay Prim.

I rolled my eyes, realizing how happy she was 'bout me almost detonating in shock. Nakahawak pa sa tiyan ang baliw.

"I c-came— HAHAHA! I came to ask kung bakit pfft! Kung bakit hindi ka pa n-natutulog. Hahaha!"

Once again, I rolled my eyes. Kung siya kaya ang gulatin ko ng todo?

Hindi nga pala madaling magulat ang isang 'yan.

"So..." She composed herself. "Hindi ka pa matutulog?"

Umiling ako ng bahagya, "Pumunta ka rito para tanongin 'yan?" Hindi ko maiwasang magtanong, out of confusion.

Nagkibit-balikat siya, "I just happened to pass by."

Hoki.

Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hilahin ang buhok ko! syempre joke lang! hehe... Tinawag niya lang ang pangalan ko.

"Oh?"

"May itatanong lang sana ako."

"Go on." Go on, you leave me breathless... La la la la...

"What's your relationship with Klyde?" My eyes widened in shock. English muna tayo ngayon. Hehe.

Ehem! so, hindi ko po in-expect na tatanongin niya ako ng ganon ka deretso kaya hindi muna ako nakapag-recover.

"W-wala naman..." Pahina nang pahina kong sabi kasabay ng pagbaba ko ng tingin sa sahig.

"Ano ba siya para sa'yo?" Muling tanong niya, and this time! Nagkabuhol-buhol na talaga ang mga organs ko!!! Simpleng tanong lang naman pero kung makap-react ang kalooban ko OA masyado.

Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita pa at umalis na. Wala rin naman akong balak sagutin ang tanong na 'yon.

Lumabas na ako ng pinto at sumandal doon, "Ano ka nga ba sa akin?" I asked myself.

"I guess we have the same question in mind."

Agad akong napabalikwas sa kinaroroonan ko nang may narinig akong nagsalita somewhere in my left side!

OH MY GHAD!

Why did I suddenly asked the question in my mind, verbally at myself?!

Dahan-dahan akong napalingon sa kinaroroonan ni Klyde at agad ko rin naman siyang iniwasan ng tingin.

Dawn Venice (COMPLETED)Where stories live. Discover now