[Six] The Truth

195 11 0
                                    

***

The Truth

'Jennica's POV'

Halos mapatalon naman sa saya ang aming mga kaklase, especially boys nang tumunog na ang mahiwagang kampana ng school, hudyat na tapos na ang aming klase.

And you know what that means, right?

Time to ask those two, yung dalawang late kanina sa first period. Haha!

Sabay kaming lumapit ni Venice kina Olivia at Marcelline na may nanunuyong tingin sa aming mga mata at alam na alam namin na naintindihan nila kung ano ang ibig sabihin non.

"Ah, hehe... Hi?" Si Via 'yan, obviously.

Siya yung babae na kahit di niya alam ang kaniyang sasabihin ay magsasalita talaga yan kahit gaano pa ka-awkward ang sitwasyon, ayaw niya kasi ng tahimik sa friendship o relasyon. Baka nga di yan mabubuhay kapag silag dalawa lang ni Venice ang magkakasama eh. Kumakati yung dila niyan parati.

Just a hunch.

Tumikhim naman si Marcelline na siyang umagaw ng attention naming tatlo.

"I know that you want some answers, pero kailangan natin ng pribadong lugar para diyan because the mastermind or his puppets might be around eavesdropping so we really need to be cautious as possible." Mahabang paliwanag sa amin ni Marcy na halos pabulong na rin kaya  nagpatango naman kaming lahat maliban na lamang kay Ven.

I wonder why...

"I wonder where you are..."

Napatingin naman kaming tatlo kay Olivia nang bigla itong kumanta. Westlife? Akala ko ba di siya mahilig sa music? Well, di dapat 'yan ang tanong eh.

The question should be. Parehas kami ng katanungan sa isipan? Wow! Bago yun ah.

***

Nandito kami ngayon sa bahay nila Olivia. Wala namang tao dito dahil pansamantalang tinutulongan ni Led ang parents nila ni Via sa kanilang negosyo. Di rin naman kami pwede sa condo niya dahil baka may installed microphones and cameras doon na nakatago, kahit di pa naman kami sure ay kinakailangan talagang manigurado.

Nakapalibot kami  ngayon sa kanilang salas after naming sinirado ang mga pintuan at bintana. Pakiramdam ko nga ang OA na namin eh. Haha!

tumikhim naman si Marcy, "So..."

Panimula niya. Mas mabuti nang siya ang magpaliwanag kesa kay Via, ang atat niyan eh akala mo naman hinahabol. *Roll eyes*

"So, ano nga ba ang nangyari kanina? Why are you both breathing heavily." Seryoso kong tanong sa kanilang dalawa kaya sa'kin naman nabaling ang kanilang atensyon.

"Uhmm... Medyo unbelievable siya kasi, ano nga yun, Marcy? HOY! Ah! Tama, naaalala ko na. Wait lang isa-summarize ko lang sa isipan ko. Hmm..." Oh diba? Kalog iyang si Olivia eh. Haaays.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Venice atsaka isinenyas na si Marcelline na ang magkukuwento.

"Some goon-like guys are chasing us before we--"

Then Olivia cut her off. Ugh!

"Tama! Medyo nakalimutan ko, ano nga mukha nila, Mar-- Ahh... H-hehe sabi ko nga siya na." She said when Venice gave her another piercing glare.

Dawn Venice (COMPLETED)Where stories live. Discover now