[Twenty-six] Russia

77 4 0
                                    

***

Russia

'Leona's POV'

Before Leona went to Philippines...

Naglalakad ako sa malawak na pasilyo ng Belly Dvorets o kilala bilang White Palace dito sa Russia. Napagala ang paningin ko sa paligid upang suriin ang kintab at kalinisan ng bawat espasyo at kagamitan.

Pinasadahan ko ng daliri ang bawat decorayson ng aking tirahan. Agad na umakyat ang inis sa sistema ko nang may nahagip akong alikabok.

"Nina!" tawag ko sa isa sa mga tagapagsilbi.

Dali-dali naman siyang lumapit, kinakabahan. Hindi rin ito makatingin sa akin.

Itinaas ko ang hintuturo ko kung saan may alikabok akong nakuha, "Eto chto? (What's this?)" sarkastikong tanong ko sa kaniya kung ano 'tong nasa daliri ko.

Napayuko naman siya, pauli-ulit na humingi ng paumanhin at tumawag na ng mga kasamahan para linisin muli ang palasyo.

Naalala ko na ipinapatawag nga pala ako ng aking ama kaya kaagad kong tinahak ang daan tungo sa kaniyang opisina. Sa labas pa lang ng bawat silid ay may tig-dalawa o apat nang taga-bantay na may malalaking baril na nakasabit sa kanilang mga matitipunong katawan kaya hindi talaga basta-bastang makapasok ang kahit na sino lang.

"Da, papa? (Yes, dad?)" tanong ko.

Sinensyasan niya akong lumapit kaya umabante ako ng iilang hakbang, mas na-dedepina na ang kulubot niyang mukha at kulay abo niyang buhok dahil sa mabilis na pagdaan ng panahon.

Nagtaka ako nang may inabot siyang sobre sa akin.

"YA znayu gde ona seychas (I know where she is now)," anunsyo nito na bumuhay ng aking interes.

Ilang taon siyang nagtago. Nahirapan din kaming hanapin siya dahil ibang pangalan ang ginamit niya. Matalino siya ngunit dapat alam niyang darating at darating ang araw na mahahanap siya. May limitasyon ang lahat ng bagay.

"Spasibo, papa," nakangising pasalamat ko.

Tinanguan niya lang ako. Bakas ang lungkot sa kaniyang mga mata. May kinuha siyang maliit na litrato galing sa drawer ng mesa at ibinigay ito sa akin.

"YA nadeyus', chto u vas dvoikh vse budet khorosho (I hope the two of you will be fine)."

Tumango lang ako.

***

Nandito ako ngayon sa shooting range na pag-aari ng isa sa mga kaibigan ko upang mag-ensayo ng mas mabuti at turuan ang aking sarili na maging bihasa sa paggamit at pag-assemble ng iba't-ibang klase ng baril.

Napatutok ako sa isa sa mga target at kinalabit ang gatilyo ng hawak kong Desert Eagle na pistol.

Hindi ko alam kung bakit hindi galit ang sarili kong ama sa traydor kong kapatid. Para sa kaniya ay mana nga talaga si Olivia sa pumanaw na naming ina. May busilak kasi itong puso at hindi kailanman nagpapadala sa galit ng damdamin.

Natawa pa nga siya dahil sa kabalastugang ginawa ng isang anak niya. Dati ay nagalit siya pero 'di naglaon ay natawa na lamang siya.

"Lumulutang na naman ata ang isip mo, Leona?" nakangising tanong ng kaibigan kong si Amvrossi Garcia nagmamay-ari ng lupaing tinatamakan ko ngayon. Lumaki ito sa Pilipinas dahil isang Pilipino ang kaniyang ama. Lumipat lamang sila dito upang mas mapalago pa ang kanilang negosyo.

Napangisi ako, "May iniisip lang, Garcia."

Lumapit siya at binigyan ako ng tuwalya at isang bote ng tubig. Inilapag ko ang hawak na baril at tinanggap ang nilahad niya.

Napahalakhak siya kaya halos lumabas sa ilong ko ang iniinom kong tubig.

"Zatknis'! (Shut up!)" inis na bulyaw ko ngunit patuloy pa rin ito sa pagtawa.

Si Amvrossi Garcia o Ross ay naging isang malapit kong kaibigan. Simula noong umalis ang magaling kong kapatid nang walang paalam ay mas napalapit kami sa isa't-isa dahil sa negosyo at pag-eensayo.

Nagulat ako nang i-disassemble niya ang baril na inilapag ko kanina nang walang kahirap-hirap. Mabilis na gumalaw ang mga kamay niya at halos hindi ko na masundan ang pagsunod-sunod na paghihiwalay ng mga parte ng baril.

"Assemble it."

'Wow maka-utos.'

 Napansin ata niya ang naging ekspresyon ko kaya tinapik niya ang tuktok ng ulo ko.

Kinuha ko ang slide ng baril, binalik ang piston at inayos ang spring nito. Hinawakan ko ang spring sa loob ng slide upang hindi ito gumalaw-galaw habang binabalik ko ang frame ng baril at inayos ito sa dalawang butas. Binalik ko sa itaas ng baril ang barrel nito at hinawakan ang buong katawan ng baril upang i-flip ang lever para ma-lock na sa posisyon ang mga parte. At ang pinakahuli ay ibalik ang magazine ng pistol.

 Napatingin ako sa kasama kong baliw nang pumalakpak ito.

"Wow," manghang aniya.

Ngumiti ako.

"Ako nga nagturo sa'yo."

"Yabang mo, Garcia."

At nagtawanan kami.

***

Si Ross ang naghatid sa akin pabalik sa palasyo dahil malapit na rin ang gabi.

"Tutuloy ka talaga sa Pilipinas?" kunot-noong tanong nito.

Huminga ako ng malalim, "Papatayin ko ang sino man ang dapat ay matagal nang patay. Maswetre nga ang mga iyon at nadagdagan pa ng ilang taon ang pamumuhay nila sa mundong ito," mariin na sambit ko patungkol sa pamilyang Manolo.

Alam kong hindi magiging madali ang gagawin ko dahil hindi rin basta-basta ang pamilyang iyon. Hindi ko rin alam kung ano ang nakain ni Olivia at pumanig siya sa mga iyon kahit na alam niya ang nangyari kung bakit galit na galit kami sa pamilya nila. Tinalikuran niya ang misyon.

Bumuntong-hininga si Ross kaya napabaling ako sa kaniya, "You have to  promise me that you'll come back alive, Leona," seryosong anito.

Napahalakhak ako, "Oo naman, nakalimutan mo ata na isa akong Ivanov," paalala ko.

"Leona, I'm serious."

"Okay okay. Ya obeshchayu (I promise).

***

Nang maka-uwi na ako ay maingat kong inayos ang mga gamit na kakailanganin ko para sa bakasyon ko sa Pilipinas.

May iilan rin akong inutusan na sumunod sa akin sa loob ng ilang araw.

Ilang ulit akong sinabihan ng aking ama na huwag nang ituloy ang plano pagka't ako lang ang nagtatanim ng galit at poot sa dibdib. Hindi ko siya pinakinggan at humalik na lang sa kaniyang pisngi bago nagsimulang humakbang paalis.

Napatingin ako sa litratong binigay ng aking ama. Litrato ito noong kumpleto pa ang aming pamilya. Nakangiti kaming magkayakap ng kakambal ko. Ang mga magulang namin ay magkaakbay habang nagtatawanan. Si kuya naman ay seryoso pero naka-peace sign.

'Eto dlya tebya, brat. (This is for you, brother.)'

*********

THANK YOU FOR READING HIHI. I LOVE LEONA IVANOV HUHU SANA KAYO RIN, CHAR.

HOPE YOU ENJOOOOY. KONTI NALANG TALAGA AT MATATAPOS NA 'TO. 

GODBLESS AND LABYU OOOOOL. MUWAH!

Donporgeto...

(Vote/Comment/Follow)

Dawn Venice (COMPLETED)Where stories live. Discover now