[Five] Interrogation

249 9 3
                                    

***
Interrogation

'Venice's POV'

I swear he's really getting into my nerves!

"One last question Mister Ronald Pelaez..." Inis rin na tanong ni KC sa kaniya. I know that she's just trying to hold her temper just to get the informations that we want from these goons, and yes. They're in my hands. 

If you're asking on how we got their names, well, there are this thing called I.D. so... yeah. We saw those in their pockets.

"Who.Do.You.Work.For?" Paisa-isang tanong ni KC sa kanya.

I swiftly turned my head to the other goon, whoever he was nang bigla siyang tumawa.

Wtf?

"Baka di niya kayo sinasagot ng maayos dahil di siya nakakaintindi ng Ingles." Then he chuckled playfully.

Agad ko namang tinutok ang dulo ng dagger sa mata niya dahil sa inis, "Stop laughing." Mariin kong utos sa kanya kaya napangisi naman siya. He really is something! Arrg!

"Or what?" Nanghahamon niyang tanong sa'kin.

"Or else I'll cut your finger, one. by. one." Ngayon ako naman ang nakangisi dahil napalunok naman siya. Alam kong naduduwag na siya ngunit akala niya ay magaling siyang magtago ng emosyon at inakalang di ko rin iyon nahahalata.

Kung tatanongin niyo ako kung ano ang posisyon nila. Well, both of them were tied up in each chair, of course then nakaposas yung dalawa nilang kamay sa itaas ng mesa, and that is giving me a good-- scratch that, the best advantage to easily cut their fingers.

Dahan-dahan naman akong lumapit sa harapan ni Mister Pelaez daw at tiningnan siya ng mata sa mata. "Tatanongin kita muli, sino ang nag-utos sa inyo?" Seryoso kong tanong umaasang sasagotin na niya kami ng seryoso kaya lang ay tumawa na naman siya at tuluyan na talagang nawala ang aking pasensya.

"Aaaaaahhh!!" Halos mamaos na sigaw niya nang bigla kong putulin ang kalingking niya sa kaliwang kamay gamit ang patalim na hawak ko.

"Isang tanong, isang sagot! Sino ang nag-utos sa inyo?!" Sigaw ko na nagpalunok sa kaniya, mas lalo pa itong namutla nang muli ko itinutok ang kutsilyo sa kaniyang index finger.

Marahas siyang umiling kaya di na ako nagdalawang isip at dahan-dahan kong idiniin ang kutsilyo sa daliri niya "A-ahhhhhhhh! Sasabihin ko na!! Sasabihin ko na talaga! Tama na!"

Bibigay rin pala, pinatagal pa. Nabawasan tuloy daliri mo.

Kaya pinatatawag ko na sina Sam at Medge upang gamutin at pahintuin ang dumudugo niyang mga daliri.

Ngunit sampung segundo na akong naghihintay ngunit wala pa rin siyang sinabi kaya tiningnan ko siya. Halos mapasigaw na naman siya hapdi at kirot nang buhusan ng alcohol ang kaniyang sugat. Putlang-putla na ito.

"Naghihintay ako..." Bulong ko at nagkunwaring nakatingin sa aking wristwatch ngunit sinigurado kong narinig nila iyon.

***

Nang medyo nahimasmasan na si Ronald ay napabuntong hininga siya at nagsimulang magsalita. "Hindi talaga namin siya kilala at ni isa sa amin ay di pa nakikita ang pagmumukha niya..." Gulat naman siyang napatigil nang putulin ko ang kaniyang explanation nang bigla kong sinipa ang mesa.

Sasabihin niya tapos di niya pala kilala? Gaguhan lang eh noh?!

"Relax, miss Ven." Pagpapatahan sa'kin ni KC.

"Ipagpatuloy mo."

"Wala ni isa saamin ang nakakakilala sa kaniya at sa tawag lang namin siya nakakausap o paminsan ay may ipinapadala lang siyang tauhan na naghahatid sa kaniya ng balita..." Agad naman siya binigyan ni Sam ng isang basong tubig at ipinainom sa kaniya iyon.

"Ngunit isa lang ang alam namin..."

Tsk! Nambibitin ba siya? Pucha naman oh! kating-kati na ako!

"Ano?" Si Medge.

"The light of Thunder. Natawa nga ako eh ngunit 'yan talaga ang tawag nila sa kaniya lalo na iyong mas malapit sa kaniya kesa saamin."

Wtf?

Isip-bata ba siya? Mamamatay tao tapos may pa-code-code pa? We're not detectives, Idiot!

Muli akong napatingin sa kaniya nang magsalita siya muli, "Pero wala naman talaga kaming balak saktan si miss Olivia dahil pinapasundan lang siya sa amin."

Mabilis kong nilisan ang basement at pumasok sa mismong bahay namin.

"Start looking for that asshole... Tsk! Just do everything." Napatango naman si KC sa biglaan kong utos sa kaniya.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng alak. I actually can't believe na for 2 years of searching ay iyon lang ang nakuha namin, sa dinami-dami naming tanong ay isa lang ang may sagot. Well, that's better dahil sa wakas ay may lead na kami.

***

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil may pasok na naman kami. I'm really not a Monday person. If I could quit this studying shit ay matagal ko nang ginawa ito ngunit alam kong may mabuti din itong maidudulot sa akin lalong-lalo na't kung makikinig ako.

"Any leads?" Tanong ko sa nakasalubong kong si KC.

"Wala pa rin eh." Kaya tumango nalang ako. Ano bang gusto niyong gawin ko? Tumambling?

***

Kakarating ko lang ng school, as usual... Boring.

"Hey." Nakangiting bati sa akin ni Jennica. Well, unlike me, she's more like a Monday and morning person which proves that even though you have a lot of similarities with that person ay lilitaw at lilitaw pa rin ang difference between the two of you.

Ba't ba ang daldal ko na?

"Have you seen, Olivia and Marcy?" Tanong niya sa'kin, kanino pa ba?

"Nah."

***

"Ms. Gonzaga and Ms. Manolo, why are you two late?" Napalinga naman kaming lahat agad sa dalawang babaeng mabilis na hinahabol ang hininga. 

Something bad happened, and I conclude it. 

"Sorry ma'am, hinabol po kasi kami ng ano ng... butik--" bigla naman siyang siniko ni Marcy kaya..."Aso pala, hehe kaya kailangan pa namin siyang ligawin, hehe." Humagalpak naman sa tawa ang aming mga kaklase dahil sa dahilan ni Olivia.

"Ang pangit ng dahilan mo. Tsk!" Rinig kong bulong ni Marcy kay Olivia.

"Yun lang naisip ko eh, bakit ba, huhu."

"Ano pang ginagawa niyo diyan? Do you wanna stand there at the back for the entire period?" Inis na inis na si Prof ah.

Dali-dali naman silang umupo sa kanilang upuan, "Sorry po," paghingi nila ng paumanhin.

Tumikhim si Prof Regina at nagsimula na ulit magturo ng boring na lesson.

***

04/07/20

a/n: So I did a couple of updates. Anyway, stay at home always and wash your hands.

Godbless and Love lotsss sainyong lahaaaaat!

don't forget to...

Vote/Comment/Follow

Dawn Venice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon