Chapter: 29

48 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 29:

Hindi naman makakain si Mia, sana'y na talaga siyang kasabay si Gus...
Kasalanan din naman niya, dahil pinipilit niya ang sarili kahit hindi pa dapat...

"Mia..."tawag ng mama niya, napansin kasi nitong hindi ginagalaw ang pagkain...
Napalingon siya sa ina...

"Bakit Ma?"tanong niya, lumapit si Lorna dito...

"May problema ba kayo ni Gus?"nagaalalang tanong nito, bumuntong-hininga lang si Mia at ngumiti ng pilit...

"Maliit na bagay lang Ma... Ayoko rin sanang lumaki, kaso naging matigas ako at sa huli ako din ang nagsisisi..." wika niya at napayuko, hinimas ni Lorna ang likod niya...

"Kaya ang gawin mo, habang maaga... Itama mo ang mali..." payo nito, napatigil si Mia at lumingon sa ina...

"Sige Ma, pupuntahan ko si Gus..."tugon ni Mia at tumayo na...

~

Kanina pa siya sa labas at panay doorbell, ngunit wala lamang nagbubukas ng pinto...

"Nakakapagtaka andidito naman kotse niya.." bulong ni Mia, naalala niyang mahilig itong magtago ng susi sa ilalim ng dormat... Tiningnan ni Mia yun at hindi siya nagkamali...

Agad na sinusi sa pintuan at bumukas, pumasok siya at napansin agad na magulo ang paligid...

"Aaahhhhh, ahhhh!!!!"napalingon siya nang marinig ang tila sigaw ni Gus, napansin niya ang nagkalat na bote ng alak... Agad na niyang tinungo ang pinanggagalingan ng sigaw nito...

"Ahhh...Hindi!!! Hindi!!!!"si Gus iyon na inuuntog muli ang ulo, nakababad ito sa shower...

Parang umulit kay Mia ang nakaraang sampung taon na makita ito... Humahagulgol ng iyak si Gus, at nakahubo't-hubad...

Kumuha siya nang tuwalya at bumalik agad...

"Gus!"tawag niya at nilapitan ito, hindi na niya pinansin kung mabasa siya... Itinapis niya ang tuwalya dito...

"Ssshhh..."saway niya dito at niyakap ito,

"Kasalanan ko!!!"sigaw nito , pinatay na niya ang shower at inalalayan ito palabas...

Agad niyang pinaupo ito sa upuan, kumuha pa siya ng roba para ibalot ito...

"Gus! Anu bang nangyayari sayo?"tanong ni Mia, patuloy pa rin ito sa pag iyak...
"Gus!"tawag niya dito, tila nagising naman ito at napatingin sa kanya...

"Mia-mia...?"sambit nito at yumakap sa kanya, hindi alam ni Mia ang gagawin pero awang awa siya dito...
"Mia..." ulit nito sa pangalan niya...

"Sshhhss...tama na, andito na ako..."wika ni Mia at alo dito, ramdam niya ang pagkakahigpit ng yakap nito...

"Huwag mo akong iiwan, iniwan na nila akong lahat..." tila nakikiusap ito at umiyak nang husto...

"Hindi,  Hindi mangyayari yun..."samo niya at kumalas...
"Tumingin ka sa akin..."utos ni Mia at hinawakan ang mukha nito...
"Hindi kita iiwan, maliwanag..."sabi niya dito, napatitig si Gus sa kanya at nauunawaan ni Mia na kailangan siya nito...

"Mia..."anas ni Gus at hinalikan ang kanyang labi, tinugon niya yun... Matagal ang pinag saluhan nilang halik, nang kumalas si Gus ay kapwa sila hinihingal...

"Mia... I need you now..." bulong nito, tumayo si Mia at hinawakan ang kamay niya... Napatayo si Gus, hinapit niya ang beywang nito at hinalikan muli sa labi...

"Uhmm..."bahagyang ungol ni Mia, humaplos ang palad nito sa katawan niya...

Hindi maintindihan ni Mia kung saan galing ang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan, huminto si Gus at tumitig dito.... Kitang kita niya ang mapupungay na mata ni Mia...

Inangat ni Gus dahan dahan ang blouse niya at tuluyang nahubad, hinapit siya muli at hinalikan. Naramdaman ni Mia tinatanggal nito ang butones ng pantalon, bumaba ang halik nito sa kanyang leeg...

"Oohh... Gus..."anas niya, tuluyan nang binaba ang pantalon niya...

Hiniga siya nito sa kama, tumayo ito saglit para tuluyang hubarin ang pantalon niya... Dumagan na si Gus, at tinitigan siya... Parang nilalagnat siya, dahil ang kanyang pakiramdam ay sobrang init...
Hinaplos nito ang mukha niya, papuntang leeg... Napaliyad siya ng padaanan nito ang kanyang dibdib...

"Mia..."halos paos na si Gus nang sambitin ang pangalan niya, hinalikan siya nito sa noo, pagapang sa kanyang ilong, magkabilang pisngi, napa pikit siya sa ginagawa nito... Humalik din ito sa labi , pababa sa kanyang baba papuntang leeg...

"Oohh..."napa ungol na siya sa ginagawa nito, bumaba ito sa kanyang dibdib,tila inangat pa siya para lumiyad at para matanggal ang hook ng bra nito...

Napakagat -labi si Mia nang maramdamang naroroon na ang labi nito, talagang napaliyad siya at napahawak sa ulo nito... Ngunit bumaba muli ang labi nito sa kanyang tiyan, nakiliti na siya ng dumaan sa kanyang pusod..At naramdaman niyang tinanggal na nito ang kanyang undies...

May naramdaman siya kakaiba at talagang lalung uminit ang kanyang pakiramdam...

Huminto na si Gus at hinubad ang tuwalya, dumagan muli siya kay Mia at pinagmasdan ito..

"Mia...masakit lang ito sa una..."bulong nito, tumango si Mia at iniyakap ang kamay sa batok nito... Inihanda na ni Gus ang sarili...

At ito ang kauna unahang gabing pinagsaluhan nilang dalawa..

~

Gising pa si Gus at yakap yakap si Mia, hindi na rin napigil ang sarili na angkinin ang babaeng pinakamamahal... Hinaplos niya ang buhok at tinitigan, biglang bumalik muli ang kanyang trauma ng magka tampuhan sila nito.

Naramdaman niyang gumalaw ito at tumingin sakanya...

"Bakit hindi ka pa natutulog?"tanong nito, napangiti lang siya at pinagapang ang isang daliri sa ilong nito...

"Masaya lang ako, kaya hindi ako makatulog..." sagot niya at ngumiti, hinalikan nito ang labi niya...

"Matulog na tayo..."wika ni Mia, tumango lang si Gus at niyakap siya... Pumikit na si Mia....

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon