Chapter: 18

47 1 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 18:

Maaga si Mia nagising, nagluto siya nang pagkain para sa magiging lunch nila ni Gus... Bigla siyang napangiti, naalala niya nung bata pa siya na lagi ito dinadalhan ng lunch... Bigla siya napahinto...

"Hanggang ngayon kaya, magustuhan niya ang dadalhin ko?"bulong niya....

Nakarating na si Mia sa site, maraming trabahador na naroroon. Masyadong malaking building ang itatayo dahil "condominium"  Natanaw niya si Gus na may kausap, kaya agad siyang lumapit...

"Mr. Diliman..."tawag niya, lumingon naman ito sa kanya at napatitig...

"She's  like an angel for me,a big different than the last time... Her smile giving me a spark... And that lips... Oohhh i remember how i kiss those lips..." sa isip ni Gus paano ay nakaayos si Mia at nakangiti sa kanya, lumapit na ito...

"Sige, mamaya ko na titingnan ulit yan..."sabi niya sa kausap ngumiti siya nang malapit na si Mia, nakita niyang may dala ito...

"Mukhang nagdala ka ng lunch natin?"puna niya sa dala nito... Ngumiti lang si Mia...
"You really beautifull, when you smiling.." dagdag pa niya, napahinto si Mia at tingin dito...

"Ahhmmm Gus, ilibot mo muna ako sa building Para mapag aralan ko..." pag iiba niya,

"Ok, pero ilapag muna natin yang dala mo.." sagot nito at kinuha ang basket sabay hawak sa isa niyang kamay, tila malalaglag naman ang puso ni Mia sa paghawak ni Gus sa kamay niya...

Habang naglilibot ay pinag-aralan ni Mia ang mga design dito, itinuro rin ni Gus ang mga gusto pang idagdag dito...
Lunch time na sila tumigil...
Humanap si Gus nang maganda nilang pagpwestuhan....

"Mukhang paborito ko pa rin itong mga dala mo ha?"nakatawang wika ni Gus...
Napangiti naman siya at binigay na ang pagkain nito...

"Wala pa rin nagbago..."wika nito, napatingin si Mia sa kanya...

"Anung ibig mong sabihin?"tanong niya, bumuntong hininga si Gus at tumitig sa kanya...

"Ikaw pa rin... Yung Mia na iniwan ko, after 10 years..."sagot nito, napaisip si Mia...

"I'm not a kid anymore..." sa isip niya lang. At nagpakawala ng hangin...

"Hey what's wrong?"puna ni Gus ng makita ginawa niya, umiling lang siya...

"Did i tell something, you didn't like?"tanong muli nito,

"Hindi na ako bata..."bigla niya nasambit, umiling naman si Gus...

"Hindi ko naman sinabing bata ka pa rin, ang ibig kong sabihin... Yung mga ginagawa mo dati, Ganun ka pa din..." paliwanag niya, umiwas nang tingin si Mia at tinuloy ang pagkain... Tila napansin na ni Gus yun kaya kumain na lang din siya...

~

Nasa terrace pa si Gus at nakatanaw sa malayo, hindi siya makatulog pagka't iniisip si Mia... Sa hotel muna siya tumuloy pansamantala, at hindi pa siya nakakapag desisyon kung kelan babalik sa dating apartment na nabili at tinirhan nuon...

Hindi rin nawala si Mia sa isipan niya at lalu sa kanyang puso sa mga taong nagdaan, hanggang ngayon ay binata pa rin siya at hindi talaga tumingin sa iba... Napangiti siya nang maalala ang mukha nito, ang totoo sobra rin kaba niya nang mga oras na yun... Hindi niya maintindihan,paano ay hindi naman ito nakilala wala siyang ma search na facebook nito o kahit na anong pagkilanlan... Malaki ang binago at ikinaganda ni Mia, napabuntong hininga siya at kinapa ang dibdib...

"Sana nga... Mahal mo pa rin ako..."bulong niya,

"Hindi ka ba makatulog?"tanong sa kanya ni Bob, hindi lumingon si Gus. Lumapit si Bob sa kanya at binigyan siya nang baso na may lamang alak, kinuha naman iyon...

"Pansin na pansin ko kayo ni Ms. Alejandro kanina, mukhang ang tagal-tagal na ninyong magkakilala?"nagtatakang tanong nito...
Nagpakawala ng hangin si Gus, at lumingon kay Bob...

"Siya yung, siya yung batang iniwan ko nuon.." sagot niya, napahinto si Bob sa pag inom... Alam niya ang istorya ng batang sinasabi nito.

"Yung-yung 16 years old na minahal mo?"gulat na tanong nito. Tumango lang si Gus at uminom...

"So! Anung balak mo? Ngayong, ngayong nagkita kayo muli?"tanong ulit nito...
Umiling lang siya..

"Hindi ko pa alam, kung kaya ko na nga bang aminin ang nararamdaman ko para sa kanya.." sagot na lamang niya...

"You wait a long years, Halos ayaw mong dumikit at makipag date sa mga babaeng may gusto sayo..." tugon nito, bumuntong hininga si Gus...
"Huwag muna sayangin ang pagkakataon.." dagdag nito at tinapik ang balikat niya at iniwan na siya...

"I need time..."bulong niya...

~

Gising pa si Mia at abala siya sa pag gagawa ng plano, para sa building ni Gus... Napahinto siya nang maalala ito...

"Parang... Ginagawa pa rin niya akong bata, siguro nakalimutan niya pangako niya.." kausap niya ang sarili, nilingon niya ang picture nila...

"Mahal pa rin kita..."wika niya sa litrato at sumandal sa upuan... Bukas ay magiging abala siya sa opisina, kaya malabong magkita sila nito...

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ