Chapter: 5

51 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 5:

Maaga pa nagising si Mia, masaya ang kanyang umaga... Nagmamadali siyang gumawa nang pananghalian para kay Gus. Habang nagluluto ay naalala niya muli ang ngiti at yakap nito...

"Sayang... Pasukan na sa lunes..."bulong niya, habang nilalagay ang pagkain sa baunan... Hinalikan pa niya ang pinaka takip nito, bago ilagay sa paper bag...

Nagbisikleta muli siya, patungong site. Pagdating duon ay mabilis niyang hinanap si Gus...

"Miss!"tawag sa kanya, napalingon si Mia... Nakita niyang mga nagta trabaho ito sa site..
Lumapit ang mga ito sa kanya...

"Sino hinahanap mo?"tanong sa kanya, ngumiti siya at inayos ang salamin...

"Si Gus po...?" Sagot niya, nagtinginan naman ang dalawa,

"Ang alam namin... Nandoon siya!"turo nang isa sa may bakanteng bahay na naroroon, napatingin din siya doon... Napansin niyang maraming nakatambak na kahoy at simento...

"Samahan ka namin!"prisinta nang dalawa, dahil sa kasamahan naman ito ni Gus ay nagtiwala na samahan siya ng mga ito...

Kararating lang ni Gus, agad niyang napansin ang bike ni Mia... Napalinga siya at tila hinahanap ito, natanaw niya ito sa malayo at nakita niyang papunta ito sa bakanteng bahay at kasama ang dalawang bagong mangagawa...
Bigla siyang kinutuban kaya mabilis siyang sumunod...

"Gus!"tawag ni Mia nang makapasok sa loob, nagulat pa siya nang isara ang pinto nang dalawa...

"Bakit ninyo... Sinara, nasaan si-si Gus?"kabado niyang tanong sa mga ito, ngumisi lang ang mga ito....

Napaatras si Mia, natatakot na siya... Hinatak siya nang isa, nalaglag ang dala niyang pagkain para kay Gus... Pinilit nitong hubarin ang jacket niya...

"Huwag!!!, tulong!!! Tulungan niyo ako!!!"sigaw niya, ipinilit siyang ihiga ng mga ito... Nagiiyak na siya...

"Walang makakarinig sayo..."wika ng isa, pinilit niyang isipa ang paa... Ngunit dinaganan siya,

"Gus!!!"tawag niya sa pangalan nito, tinakpan ang kanyang bibig....

Hindi natuloy ang gagawin ng mga ito, dahil may pumukpok sa likod ng isa... At hinatak ang nakadagan kay Mia, agad na sumiksik si Mia sa sulok... Nakita niyang si Gus iyon. Sinuntok nito ang lalaking dumagan kay Mia. Ang isa naman ay kumuha ng pamalo, nakailag naman si Gus nang paluin siya nito... Agad na sinipa iyon, kumuha din siya nang kahoy at inihampas dito...
Nakatago si Mia habang umiiyak, nakita niya ang ginawang pagtatanggol ni Gus sa kanya ..

"Tara na!" Yaya ng isa at nagmamadaling inalalayan ang isa para tumakas...

"Huwag na huwag na kayo magpapakita sa site!!!" Sigaw niya na tila hingal na hingal...
"Mga gagong yun!" Umiiling si Gus at napansin ang jacket ni Mia pati ang pagkaing dala sa kanya...
"Mia!" Tawag niya, napansin niya itong nagtatago agad niya itong nilapitan...

Umiiyak si Mia...

"Mia... Nasaktan ka ba? May ginawa ba sila sayo?"sunod-sunod niyang tanong, umiling lang si Mia at hindi napigilang humagulgol ng iyak. Niyakap siya ni Gus...

"Ssshhhsss...tama na wala na sila..." alo niya dito, yumakap siya nang mahigpit at parang ayaw niyang kumalas pa...

~

"Eto... Inumin mo para medyo guminhawa pakiramdam mo..."alok ni Gus sa gatas na binigay sa kanya, agad na tinanggap iyon...

Napatingin siya sa tinitirahan ni Gus, naupo ito sa tapat niya...

"Pasensya ka na... Hindi kasi ako, Nakakapaglinis dito..."wika nito,

Tumingin si Mia sa kanya, napansin niyang putok ang labi nito...

"Ayos ka lang ba?"tanong niya, tumitig si Gus sa kanya at ngumiti...

"Huwag mo akong problemahin... Ikaw ang gusto kong tanungin... Kung ayos ka na ba?" Sagot at tanong nito, tumango siya,

"Mia! Bata ka pa, hindi mo pa kailangang lubusang magtiwala sa ibang tao...tingnan mo nangyari sayo, Kung hindi ako dumating, siguradong napahamak ka na..."paliwanag nito sa kanya,

Nakikinig lamang siya sa sinasabi nito...

"Bakit... Ikaw? Hindi ka katulad ng iba?" Natanong niya, bumuntong hininga si Gus...

"Mia, may isip ako, at hindi katulad nang iba na kayang abusuhin ang isang tulad mo... At kung mayroong masamang mangyari sayo, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.." sagot at paliwanag muli nito...

Lalung humanga si Mia sa ipinakita nitong pag aalala para sa kanya..

Hinawakan ni Gus ang kamay niya...

"Your only 15... Oo wala sa itsura,dahil matangkad ka at naka salamin, pero ang isip mo ay bata pa rin... Huwag mo nang uulitin ang sumama o magtiwala sa iba, Maliwanag!" paliwanag muli nito, ngumiti na si Mia at tumango...

Napangiti na rin si Gus at tumayo...

"Bibili lang ako nang makakain natin..."wika niya at tinungo ang pinto para lumabas... Naiwan si Mia na nagiisa...

 

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now