Chapter: 12

43 2 0
                                    

"For the First Time"

Chapter 12:

Tuluyan nang gumaling si Mia, nakapasok na rin siya sa eskwela at madalas na rin si Gus maghapunan sa kanilang bahay... Lagi siyang inaasikaso sa pagkain, dahil ayaw maulit nito ang pagkakasakit niya ...

"Gus..." tawag ni Dra. Lorna, napalingon siya at ngumiti kakatapos lang niya iligpit ang pinagkainan dahil siya na ang nagprisinta maglinis....

"Bakit po?" tanong niya, tumitig ito sa kanya na tila binabasa ang kanyang pagkatao...

"One answer... I want to hear from you..."wika nito, tumango naman si Gus...

"Anu bang... Estado ninyo ni Mia? Anu para sayo ang anak ko?" tanong nito... Napabuntong hininga si Gus at ngumiti bago tumingin sa Mama ni Mia...

"Napaka espesyal ng anak ninyo sa akin at gusto ko lang lagi ako nasa tabi niya, para alagaan siya..." diretso niyang sagot... Napangiti si Lorna at tumango,

"Aasahan ko na hindi mo siya pababayaan at ayokong masaktan ang damdamin niya..." makahulugang tugon ni Lorna at tumalikod na, alam ni Gus ang ibig sabihin nito...

Napalingon si Mia ng may kumatok sa kanyang pintuan, agad siyang tumayo para tunguin iyon...

"Ikaw pala Gus..." Bungad niya ng pagbuksan ito, nakangiti naman ito sa kanya...

"Magpapaalam na ako... Uuwi na ako, salamat ulit sa inyong mag-ina..."paalam nito, ngumiti si Mia...

"Ako nga dapat magpasalamat kasi, lagi mo ako binabantayan..."sagot niya, tumitig si Gus sa kanya. Hindi na siya nagulat ng yakapin siya nito...

Gustong gusto ni Mia ang pakiramdam sa pagkakayakap dito, at pakiramdam niya ay makakatulog na siya sa mga bisig nito... Kumalas na si Gus...

"Goodnight..." bulong nito sabay halik sa noo niya, at tumalikod na ito sa kanya....

Naiwan si Mia at niyakap na lamang ang sarili.

~

Araw ng sabado, naghihintay si Mia sa labas ng site dahil may pangako si Gus na lalabas sila... Hindi na siya nagpasundo kaya siya na mismo ang pumunta sa site...
Napatingin siya sa relo, may dalawang oras na siya naghihintay, ayaw naman niyang pumasok at makaistorbo dahil pag ganitong araw ay marami itong trabaho...

"Anung oras na... Asan na kaya yun???"tanong niya sa sarili at tila inip na inip na...

Napilitan na siyang pumasok sa loob, nagpapalinga linga siya habang naglalakad... Nakita niya rin sa wakas si Gus, ngunit may kasama itong babae... Eto rin ang nakita niyang nuon na humalik sa pisngi ni Gus... Hindi niya namamalayan na napapalapit na siya sa mga ito...
Pansin niya ang pagka sosyal ng porma ng babae, mukhang hindi nagkakalayo ang mga edad nito. At aaminin niyang bagay ang dalawa, Nakaramdam siya ng selos, "Oo" nagseselos siya...

"Anyway, We have already a deal, Mr. Diliman.." wika ni Ingrid sa kanya, ngumiti lang si Gus... At hindi niya inaasahan ang paghalik nito sa kanyang labi, saglit lamang iyon ngunit kahit kailan ay wala siyang nararamdaman dito...

Tila naestatwa naman si Mia sa nakita at gusto na sana niyang lumayo, ngunit hindi siya makagalaw...

"Goodnight..."bulong pa nito sa kanya, pagkatalikod kay Gus ay napansin niyang may nakatingin sa kanila...

"Hey!"bati nito, agad napalingon si Gus at nakita si Mia...

"Mia..."sambit niya sa pangalan nito, lumingon si Ingrid sa kanya...

"Kilala mo pala siya, so maiwan ko na kayo..." wika nito at nagpaalam na... Tumingin muli ito kay Mia bago lumakad palayo sa kanila...

Nakatayo pa rin si Mia, sila na lamang dalawa Napalapit si Gus sa kanya para hawakan ang kamay niya ngunit umiwas ito...

For The First Time (COMPLETED STORY)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora