Chapter: 22

48 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 22:

Papasok na si Mia sa opisina nang mapansin ang kanyang mama na nasa sala, lumapit muna siya rito...

"Ma, di ka pa papasok?"takang tanong niya pagkat sanay siya na maaga umaalis ang ina, tumayo si Lorna at lumapit sa anak...

"Mia, inaantay talaga kita... May hihilingin sana akong pabor?"wika nito,

"Anu yun Ma?"tanong niya, ngumiti ang kanyang ina at hinawakan ang kanyang kamay...

"Ten years from now... Mula nang tumugtog ka ng piano sa program ninyo sa school, i would like to invite you.. Sa reunion namin, gusto ko naman marinig ang pagtugtog mo.." hiling nito, ngumiti si Mia at inakbayan ang ina...

"Pwede ko bang hindian ang pinakamamahal kong Mama, syempre pwedeng pwede ako tumugtog..." sagot niya,

"Salamat anak... " Tugon ni Lorna, kumalas na si Mia at tumingin sa ina

"Kelan po ba yun?"natanong niya...

"This coming saturday night iha..."sagot niya, tumango si Mia at napatingin sa relo...

"Ok ma, i have to go now, i love you bye... " Paalam niya at tinungo na ang pintuan...

"Ahmm Mia..."tawag niya, lumingon ito...

"Gusto ko na ikaw ang pinakamaganda, sa gabing iyon..."tugon nito, ngumiti si Mia...

"See you later Ma..."paalam muli niya...

~

Abala si Gus sa building, nagbabantay siya sa mga oras na yun...

"Gus!" Napalingon siya sa tumawag, nakita niya ang mama ni Mia na papalapit sa kanya...

"Doktora..." na sambit niya at sinalubong na ito..
"Anu pong ginagawa niyo dito? May emergency po ba? May nangyari po ba kay Mia?" Sunod sunod niyang tanong... Umiling ito,

"Calm down, nothing happen to Mia..."Umiiling na sagot nito at inabot ang invitation sa kanya, tinanggap iyon ni Gus....
"I would like to invite you, to our Reunion... Naroroon din si Mia..." wika nito, napangiti si Gus...

"Opo dok-"

"Tita na lang, Mas gusto ko pa na tita na itawag mo sa akin... And soon to be my son-in-law..." putol nito at sinamahan ng biro, natawa na rin si Gus...
"And don't tell to her i invite you, I'm giving you a chance now... "Dagdag pa nito at sabay kindat sa kanya, alam na niya ang ibig sabihin nito ...

"Makakaasa po kayo..."pangako niya...

~

Saktong labasan na ni Mia sa opisina nang dumating si Gus, napansin niya agad ito na may lalaking kausap at binigyan nang bulaklak... Naningkit ang mga mata niya sa pagtingin dito kaya lumapit siya...

"Mark, Sinabi ko na naman tigilan mo na ako.." wika ni Mia at umiling,

"Please naman Mia, Mahal na mahal kita eh..." pilit nito, umiling muli si Mia at ibinabalik ang bulaklak na bigay nito...

"I'm sorry Mark, but i already told you i have a special someone... May nagmamay ari na nang puso ko..."sagot niya...

"Pero-"

"Darling what's wrong...?"napatigil si Mark at nagulat si Mia ng hapitin siya sa beywang ni Gus...

"Darling?"sa isip ni Mia...

"At sino ka naman?"tanong ni Mark,

"I'm his boyfriend..." sagot ni Gus, napatigil si Mia sa sinabi nito...

"God! Sana totoo yang sinasabi mo Gus..."sa isip muli ni Mia tila hihimatayin siya...

"Mark siya sinasabi ko sayo..."sabat na niya, tila nauunawaan niyang nagpapanggap si Gus...

"Nasabi na pala niya sayo, bakit dumidikit ka pa rin?"si Gus, tumingin ng masama si Mark sa kanya...

"I know Mia is lying! Para lang lumayo ako..." hindi kumbinsido si Mark...

"Ganun ba?" Tugon ni Gus, at biglang hinarap si Mia nagulat si Mia nang halikan nito ang labi niya...

Napapikit si Mia, second time na hinalikan siya ni Gus... A warm and soft lips... Na dumampi muli sa kanyang labi... Hindi niya alam kung gaano katagal, basta ang alam niya parang nakadikit pa din ang labi ni Gus... Napadilat siya nang haplusin nito ang kanyang mukha...

"I love you..."bulong nito...

"I love you? Palabas pa rin ba? Sana totoo na.." sa isip niya...

Tumingin si Gus kay Mark...

"So...stop courting my girl..." wika niya kay Mark.  Umiling lang si Mark at tumingin nang masama sa kanilang dalawa...

"May araw din kayo! Lalu kana Mia! Tandaan mo sinaktan mo ako!!!" banta nito at dinuro pa sila bago ito tumalikod..

Nangamba si Mia sa banta nito, naramdaman ni Gus na humawak ito sa kanyang kamay... Pinisil niya ito bahagya bilang pakalma...

"Don't be afraid. I'm always here, no one's gonna hurt you..."wika nito at tumingin sa kanya...
"Are you alright?"tanong muli ni Gus, tumango lang siya at inalis na ang kamay dito...

"Come on, May pupuntahan tayo..."sabi muli nito at hinawakan muli kamay niya napasunod siya hanggang makarating sa kotse nito...

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now