Chapter: 23

51 3 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 23:

Habang nagda drive si Gus ay lihim na pinagmamasdan ito ni Mia, napapaisip siya sa mga sinabi nito kanina...

"Bakit ba ganyan ka. Sana totoo na lang lahat ng sinabi mo kay Mark, sana hindi ka na lang nagpapanggap! Mas matutuwa pa ako..."sa isip lamang niya, gusto niya itanong dito ngunit natatakot siya na mapahiya lamang...

Napasandal siya at napansin na ibang lugar ang tinatahak nito, lumingon siya rito...

"Saan tayo pupunta?"tanong niya, lumingon si Gus sabay ngiti at muling binalik ang mata sa pagmamaneho...

"May pupuntahan lang tayo..."sagot nito, hindi na umimik si Mia at sumandal na lamang ulit..

~

Nakarating na din sila sa lugar, at napansin ni Mia na ito ang dating tirahan ni Gus... Lumingon siya dito,

"Nabili ko na ito nuon, at bumalik na muli... Gusto ko kasi malapit lang ako sayo..." wika nito at tumingin sa kanya, napangiti si Mia..

Sabay na silang bumaba ng kotse, tinungo na nila ang pintuan... Pagka bukas ay namangha si Mia sa ipinagbago ng bahay nito...

"Pinaayos ko muna bago ako lumipat dito.." sabi nito, tumingin siya dito pero hindi ito nakatingin...

Napalibot din si Mia sa buong bahay, marami siyang memorya dito... Masasaya at malungkot...

"Halika naghanda ako ng dinner natin..."yaya ni Gus, napasunod siya dito...

Halatang pinaghandaan talaga ni Gus ang dinner nila, nakaayos ang lamesa at may mga pagkain na... Napangiti tuloy siya, at pakiramdam niya ay sobrang katuwaan ng puso niya...
Hinila na ni Gus ang silya at pinaupo na siya, pagkaupo ay lumipat na si Gus at naupo na rin... Inaasikaso siya maigi nito sa pagkain...
Kahit hindi siya kumain ng marami, basta si Gus ang kasama ay busog na siya...

Naghuhugas ng kamay si Mia nang mapansin niya ang imported na brandy nito sa tabi ng ref, kinuha niya iyon at kumuha na rin ng baso...

"Gus... Pwede ba natin tikman ito?"tanong niya sabay lapit sa lamesa at upo...

"Umiinom ka na ba?"tanong nito, natawa bigla si Mia...

"Of course! Hindi na ako bata..."sagot nito at binuksan na ang brandy...

"Hinay lang Mia, Masyadong matapang ang alak na yan..." paalala ni Gus, nagsasalin na siya sa mga baso at ibinigay kay Gus ang isa..

"Let's toast..."wika nito,

"Ok..." sagot ni Gus at tinaas ang baso, nag toast sila at sabay uminom...

Ramdam ni Mia ang pait ng alak na tila gumuhit sa kanyang lalamunan, ang totoo hindi talaga siya umiinom... Susubukan niya lang ngayon, hindi siya nagpahalata kay Gus...

Pansin ni Gus ang pamumula ng pisngi nito, at panay ang tawa... Marami ng nainom si Mia at kung anu ano na lamang ang kanilang napag uusapan...

"Mia... Ok ka lang ba?"bigla niyang tanong, napatingin si Mia sa kanya at ngumiti sabay inom muli...

"Ok lang ako..."sagot nito at yumuko, nagtaka si Gus sa pagyuko nito...

"Mia, magpahinga ka na kaya..."wika niya, gumalaw ang balikat ni Mia...
"Umiiyak ka ba?"tanong nito, tumingin si Mia at tama nga na umiiyak ito...

"Gus... Mahirap ba akong mahalin? Bakit ganyan ka...?" tanong nito at parang bata na naiyak, napatitig si Gus alam niyang lasing na ito kaya kung anu ano na ang sinasabi...
Tumayo siya at lumapit dito,

"Mia... Halika na magpahinga ka na, lasing ka na..." alalay niya dito, napatayo ito ngunit yumakap sa kanya...

Tila iba na rin ang pakiramdam ni Gus, pagkat dikit na dikit ang katawan nito sa katawan niya...

"Gus... Inantay kita nang napakatagal na panahon, hindi ako tumingin sa iba... Ikaw lang ang mahal ko..."sabi nito at tumitig sa kanya, napatitig din siya sa mapungay na mata nito at tila namamagneto siya...

"Mahal na mahal kita..."si Mia...

"Mahal din kita..." halos paanas lang ni Gus, hindi gaano narinig ni Mia iyon..

Hinalikan ni Gus ang kanyang labi, mapusok at hinapit ang beywang ni Mia... Napahawak si Mia sa batok niya...

"Uhmmm..." impit na ungol ni Mia, naghiwalay ang kanilang mga labi...
Hindi na rin mapigil ni Gus ang init na nararamdaman, napatitig si Mia sa kanya...

"Take me please..."bulong nito at napapikit, naalalayan na ito ni Gus...

Binuhat niya si Mia at dinala sa kwarto, pagkalapag ay pinagmasdan muli ito... Tulog na tulog na ito dala ng kalasingan, tumabi siya at hinalikan ang labi nito ngunit dampi lang...

"Mahal na mahal kita Mia..."bulong niya at niyakap si Mia....

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon