Chapter: 24

45 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 24:

Napadilat si Mia, masakit ang ulo at bigla niya naalala ang inuman nila ni Gus... Tatayo sana siya ngunit napansin niyang nakayakap sa kanya ito, napatigil siya at tinitigan ito... Pinilit niyang isipin ang nangyari, ngunit wala talaga siyang maalala. Pinagmasdan na lamang niya ito habang natutulog, hinaplos niya ang mukha nito... Ngunit napansin niyang gumalaw si Gus kaya mabilis siyang nagtulog-tulugan...

Dumilat si Gus, at tiningnan si Mia... Masarap ang tulog nito, napangiti siya at hinalikan ito sa labi... Tila hindi naman malaman ni Mia ang mararamdaman ng mga oras na yun, sobrang kilig ang nararamdaman...

"Napakaganda talaga ng Prinsesa ko..."bulong niya habang nakatitig dito, malalaglag ang puso niya sa naririnig mula kay Gus...

"Kung alam mo lang, Mahal na mahal kita Mia, nuon pa..." bulong niya muli at dahan dahan bumangon, naramdaman ni Mia na umalis na ito sa higaan at lumabas ng kwarto.

Dahan dahan siya dumilat, tumayo bigla siya at napahinto sa narinig kay Gus...

"Matagal na niya akong mahal..."bulong niya sa sarili...

Busy si Gus sa pag gawa ng hotcake, gusto niya na sabay sila ni Mia mag almusal... Napalingon siya ng marinig na may palapit sa kanya...

"Good morning..."bati niya at ngiti, ngumiti din si Mia at naupo...

"I need to go..." sabi nito, lumapit si Gus at inayos ang plato sa lamesa...

"Mag breakfast ka muna.."wika nito at nilagyan ng hotcake ang plato niya,

"Baka hinahanap na ako ni Mama..."sagot niya,

"Tumawag na ako kay Tita... Pinaalam kita na dito ka natulog kagabi.." tugon ni Gus, nagtaka si Mia...

"Tita?"tila natanong niya, bigla natawa si Gus...

"Oo, yun kasi gusto niya itawag ko sa kanya.." muling tugon nito, napatango na lamang siya..

Naupo na si Gus, bigla rin nagutom si Mia sa hinanda ni Gus kaya kumain na rin siya...

~

Hinatid siya ni Gus sa bahay nila, ngunit saglit lang ito at nagpaalam na din...
Papunta na siya nang kwarto nang maalala muli ang narinig kay Gus...

"Mahal niya ako?"bulong niya at pumasok na sa kwarto...

Hindi siya talaga pumasok nang araw na yun,hinanda niya ang sarili para sa reunion ng mama niya kinabukasan...
Napabangon siya nang may kumatok, tumayo siya at tinungo iyon...

"Mia..."ang mama niya ng kanyang pagbuksan, ngumiti si Mia at niluwagan ang pintuan. Pansin niya ang dala nitong malaking box...

"Anu yan Ma?"tanong niya ng nilapag nito sa kanyang kama, lumingon ito at sumenyas sa kanya na lumapit...

Binuksan iyon ng Mama niya, napahanga siya sa ganda ng party dress na regalo nito...

"Ang ganda Ma!" Tuwa niyang sabi,

"Buti at nagustuhan mo, gusto ko bukas ikaw ang pinaka magandang tututog ng piano..." wika ng mama niya, napangiti si Mia at niyakap ang ina...

"Salamat ma..."bulong niya at kumalas, napabuntong hininga siya nang may maalala..

"May problema ba, anak?"nabahala ito,

"Ma, pumayag ba kayo na... Tita ang itawag sa inyo ni Gus?"bigla niyang tanong, napangiti ito...

"Of course! Mas gusto ko pa na Tita itawag niya sakin..."sagot nito, nagtaka naman si Mia.

"Ma... May tinatago ba kayo?"tanong niya ulit, hinawakan ni Lorna ang kamay nito...

"I'm so proud to you Mia, isa na lamang hinihiling ko. Sana matupad ang matagal mo nang pinapangarap..." Tugon nito, napangiti na lamang si Mia at niyakap muli ang ina...

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now