Chapter:2

69 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 2:

Maagang nagpunta si Gus sa Hospital, napansin niyang maraming pasyente. Napaupo muna siya sa bakanteng upuan... Tinitingnan niya ang mga taong naroroon at pinakiramdaman ang sarili. Kinakabahan siya sa session niyang mangyayari...

Pumasok na si Mia, napansin niyang maraming tao...

"Naku nagsimula na pala si Mama, tinanghali na kasi ako..."bulong niya at naupo na rin sa bakanteng upuan...

Napalingon si Gus sa naupo, napansin niyang may kinuha itong notebook at ballpen sa loob ng bag. Napangiti si Gus, nang mapansin at makilala ang katabi...

"May session ka rin ba?"tanong ni Gus, napalingon si Mia at napatigil nang makilala kung sino kumakausap sa kanya. Ngumiti pa ito nang ngusto sa kanya, umiwas agad siyang nang tingin at naramdaman niyang kinakabahan siya... Nagtaka si Gus...

"Ahmmm... Nahihiya ka ba? Pasensya ka na... First time ko lang mag session dito-"

"Mukha ba akong pasyente?"putol niya sa sasabihin nito, napatigil si Gus sa pagtataray nito...

"Sorry...akala ko kasi-"

"Ang doktora dito ay ang mama ko! Naiintindihan mo ba sir?"dagdag nito, natawa na lamang si Gus sa pagtataray nito...
Lumabas si Dra. Lorna, si Gus na ang kasunod na pasyente...

"Mr. Diliman?"tawag sa last name niya, napatayo si Gus...

"Yes Doc!"sagot niya at ngumiti,

"Ikaw na ang next!"sagot nito, tumango si Gus at lumingon kay Mia nakasimangot ito...

"Tawag na ako ng mama mo! Miss mataray!"biro nito sa kanya, lumingon si Mia pansin niyang nakangiti ito sa kanya kaya umismid na siya at sa iba tumingin. Pumasok na si Gus...

"Maupo ka Mr. Diliman!"sabi ni Dra. Lorna, naupo naman si Gus. Tila kabado siyang tumingin dito...

"You feel nervous, right?"tanong sa kanya, ngumiti siya at tumango...

"Oho... First time kasi..."sagot niya at umayos ng upo...
Ngumiti lang si Dr. Lorna at binasa ang profile nito...

"So! Mr. Diliman, ilang taon mo na itong nararamdaman? I mean ang hindi pagkaka tulog nang maayos." tanong sa kanya, tumingin si Gus dito...

"May-may tatlong taon na Doc...mula nagsimula yung trahedya..."sagot niya at yumuko, tumango tango naman si Doktora Lorna, at isinulat ang sagot niya...

"Minsan!umiinom ako para makatulog... Kaya lang... Pag nakahiga na ako, minsan hindi maiwasan hindi pumasok sa isipan ko..." dagdag pa niya, napabuntong hininga ito...

"Bakit... Hindi mo sinubukan magpatingin nuon?"tanong sa kanya at tumingin ito...

"Kinakabahan kasi ako... Actually kaya nga po ako napunta dito sa lugar ninyo... Dahil gusto kong lumayo at dito ko napili magpatingin.." isinulat muli nito ang mga impormasyon...

Inorasan naman ni Mia ang pasyente ng Mama niya, mahigit kalahating -oras din. Napansin niyang lumabas na ito, napatingin muli ito sa kanya...

"Pauwi na ako Miss. Mataray!"paalam nito at ngumiti lang, lumakad na ito palabas nang Hospital...

"Pauwi na ako Miss. Mataray?"bulong niya sa sarili at tila nainis sa sinabi nito...

~

Malalim na ang gabi...
Hindi pa rin makatulog si Gus, kahit na niresetahan na siya nang gamot...
Muli siyang umiyak at tila sinisisi ang nangyaring trahedya nuon...

"Kasalanan ko ito!!! Dapat hindi ako, naging duwag!"inis niya sa sarili at uminom nang alak...

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now