Chapter: 13

40 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 13:

Walang pasok si Mia, nasa hospital siya sa opisina nang kanyang mama... Nag aayos siya ng mga papeles na nakakalat nang makita niya ang files ni Gus...
Personal Data lamang, wala nang ibang nakalagay... Isa lang ang sumagi sa kanya paningin ang birthday nito...

"Birthday niya pala bukas.. " Bulong ni Mia at binalik na yun sa pwesto,  Napaisip siya kung anu ang maaring ibigay kay Gus...

Nang tanghalian ay sabay sila ni Gus kumain, duon sa dati nilang pwesto sila naupo..

"Gus, Birthday mo pala bukas..."wika ni Mia, lumingon si Gus at biglang natawa...

"Oo nga pala, nakalimutan ko na Birthday ko nga pala bukas, Naku 26 na ako.. " Natatawang sagot nito, natawa din si Mia at maya maya tumahimik na muli...

"Bukas pwede ba akong pumunta? Wala ka naman pasok, para makapag celebrate tayo..." wika niya muli,

"Oo naman, always welcome ka naman sa bahay ko di ba?"sagot at tanong nito, tumango naman si Mia at ipinagpatuloy na nila muli ang pagkain..

~

Gabi na at hindi makatulog si Mia, nagbabasa pa siya nang magazines... Nakuha niya ito sa hospital... Nag iisip din siya nang maaring iregalo kay Gus, pagkabuklat ay naka agaw pansin sa kanya ang nakasulat duon...

"The best gift is sex...To our loved ones..." basa niya, napatigil siya at hindi sinasadyang mamula ang kanyang pisngi...

Bumuntong hininga si Mia...

"Gus..."sambit niya at pumikit...

~

Maaga silang namili at nagluto ni Gus... Masaya silang dalawa habang inaayos ang mga pagkaing naluto...

"Tayo lang dalawa pero mukhang marami tayo naluto..." sabi ni Gus, tumingin siya rito...

"Wala kasi akong regalo, kaya ito na lang naisip ko..." sagot ni Mia...

"Ikaw lang, Masaya na ako na kasama kita...kahit walang gift..." tugon ni Gus, sobrang kilig naman ang naramdaman niya nang mga oras na yun...

"Halika, simulan na natin kumain..." yaya ni Gus...

Napasarap ang kwentuhan nilang dalawa, napatingin si Mia sa kanyang relo mag aalas sais na ng hapon...

"Gus, Magbabanyo lang ako..."paalam niya, nakangiting tumango si Gus... Tumayo na siya at tinungo ang banyo...

Pagkapasok ay bumuntong hininga si Mia... Naligo siya, Nagtagal siya sa loob... Bago lumabas ay muling tumingin sa salamin na naroroon...

"Kaya ko ito..." bulong niya at lumabas...

"Mia... Kung gusto mo kuma-"
Naputol sasabihin ni Gus nang makitang nakatapis lang ito... Napahinto siya at napalunok...

"Manghihiram ka ba ulit ng damit...?" tanong niya, hindi sumagot si Mia kundi hinubad nito ang tuwalyang nakatapis...

Saglit na natitigan iyon ni Gus, ngunit agad siyang umiwas... Bigla siyang kinabahan sa ginawa ni Mia. Hindi siya makatingin dito...

"Hindi mo ba nagustuhan? Ito ang regalo ko sayo..." wika ni Mia at lumapit sa kanya, sunod sunod ang lunok ni Gus hindi pa rin siya tumitingin dito...

Lumapit si Mia at niyakap si Gus, ramdam ni Gus ang katawan nito...
Tumingala si Mia sa kanya, napatitig din si Gus sa mga mata nito...

"Gus...i love you...Please angkinin mo ako..." bulong ni Mia, hinalikan ni Gus ang kanyang buhok pagkatapos ay lumayo ito,  Kinuha nito ang jacket at ibinalot kay Mia, at dahan dahang lumayo sa kanya...

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mia,

"Magbihis ka na at ihahatid na kita sa inyo.." sagot nito ngunit hindi siya nilingon...

"Soulmates tayo! Hindi ba?"tanong ni Mia na hindi mapigilang maglandas ang luha, lumingon si Gus at napakagat ng labi...

"Siguro...pero hindi pa ito ang tamang panahon Mia..." tugon niya at tumalikod na sa kanya...

Wala silang imikan, hiyang hiya si Mia sa kanyang sarili sa nagawa. Alam niyang napahiya siya kay Gus. Nasa tapat na siya nang bahay nila nang lingunin si Gus...

"I'm...i'm sorry Gus..." paumanhin niya, tumango lang si Gus...

"Sige pumasok ka na..." utos nito, pumasok na si Mia at napasandal sa pinto.. Napapikit siya , ang tanga-tanga niya at kung bakit nagawa ang bagay na yun... Hindi niya mapigilang umiyak dahil nasaktan muli siya...

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now