Chapter: 4

57 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 4:

Naghihintay na si Mia, kahapon ay binilin na ni Gus kung saan sila magkikita. Napansin niyang may paparating na naka-motor, pagkahinto at hubad ng helmet ay nakilala kung sino ito...

"Gus!"tawag niya,

"Halika na!! Para makapamasyal pa tayo!"wika nito at binigyan siya ng helmet...

Sinuot naman iyon ni Mia at sumakay sa likod,

"Yumakap ka sa akin... Mabilis ako mag drive!"bilin nito, ang totoo gusto niya yakapin ito kaso nahihiya siya... Tila nabasa naman ni Gus ang nasa isip niya,

"Huwag ka na mahiya at baka malaglag ka!"dagdag nito, huminga ng malalim si Mia at niyakap ito. Naamoy niya ang pabango nito, napangiti siya at tila gustong matulog habang kayakap...

Nakarating sila ng Mall, nagikot ikot muna sila,

"Ilang taon ka na ba?"tanong ni Gus, lumingon si Mia,

"15 lang ako..."sagot nito, tiningnan siya maigi nito na ipinagtaka niya...

"Matangkad ka..Hindi naman mahahalata.." sabi nito, at hinawakan kamay niya. Nagulat siya sa ginawa nito at napasunod...

First time niyang manunuod ng sine... Wala na silang makuhang movie, kundi horror movie na lamang...
Napalingon siya sa katabi niya nakita niya naghahalikan ang mga ito...

"Ganito ba talaga dito?"bulong na tanong niya, napalingon si Gus at nakita ang ginagawa ng dalawa...

"Dito ka sa pwesto ko lumipat ka na lang..." bulong niya kay Mia, tumayo ito kaya napatayo din siya, pag ka upo ay medyo umayos na ang kanyang pwesto...

Habang tumatagal ay lalung nakakatakot na ang palabas.. Natawa si Gus nang marinig siyang sumigaw at takpan ang mukha nito...

"Mia... Pwede ka naman kumapit sa akin, Kung natatakot ka..."bulong niya rito, napatingin si Mia sa kanya at nang makitang may palabas nang halimaw ay mabilis siyang kumapit sa braso ni Gus...

Pumikit siya maigi... Ayaw niya talaga nang mga ganitong palabas...
Lumingon si Gus, pansin niyang takot na takot ito. Hinaplos niya ang mukha nito at idinantay ang kamay sa ulo, para hindi nito gaanong makita ang palabas...
Naramdaman ni Mia iyon, at tila nawala ang kanyang takot...

Pagkatapos manood ay kumain na sila sa isang Restaurant...
Palagay rin ang loob ni Gus, pagkat hindi halata na bata ito. Kaya nga sila napa pasok nang sinehan...

Habang kumakain ay lihim na tinitigan si Mia, napansin ni Mia iyon...

"Bakit?"tanong ni Mia, napangiti lang si Gus,

"Wala naman, Nakakatuwa ka lang..."sagot niya,

"Ayos ka lang ba?"tanong ni Mia...

"Oo, naaalala ko lang kapatid ko, kasing edad mo kasi siya..."sagot nito at ipinagpatuloy na ang pagkain...

Pagkatapos kumain ay namasyal pa sila, masayang masaya si Mia nang gabing iyon... Hinatid na siya ni Gus, malapit sa bahay nila...

"Masaya ka ba?"tanong ni Gus na nakangiti,

"Oo, enjoy na enjoy nga ako.."sagot niya, napatingin siya sa bahay nila. Wala pa ang kotse ng kanyang mama. Napanbuntong hininga siya,

"May problema ba Mia?"puna ni Gus sa kanya,

"Wala pa pala si Mama, pero ayos lang ako..." sagot niya, lumapit sa kanya si Gus. Niyakap siya nito, nabigla man siya pero pakiramdam niya ligtas na ligtas siya sa mga bisig nito...

"Marami lang trabaho mama mo Dapat naiintindihan mo at huwag kang magtatampo." sabi nito, napangiti siya at humiwalay dito...

"Kahit kailan hindi ako nagtampo..."sagot niya, ngumiti ulit si Gus,

"Huwag ka mag alala andidito lang ako.." dagdag nito. Titig na titig si Mia rito, hinawakan nito ang baba niya at pinisil...

"Pumasok ka na at magpahinga..."wika pa nito, tumango si Mia...

Lumakad na ito patungong bahay, sinundan na lamang siya ni Gus ng tingin...

~

Pabaling-baling si Mia sa higaan, halos hindi siya makapaniwalang may lalaking magpapasaya sa kanya...
Tinandaan niya ang araw na ito... Bilang "first date" nila ni Gus...

"Gus... Bakit ba  dumating ka at ginulo mo puso ko?" bulong niya...

Nananatiling gising din si Gus. May pinagmamasdan siyang litrato...

"Janeth.... I'm sorry!! Parang kay Mia na lamang ako bumabawi sa mga pagkukulang ko..." Bulong niya at umiyak nang husto, bigla niyang naalala ang kapatid sa pagkatao ni Mia...

For The First Time (COMPLETED STORY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora