Chapter: 28

42 1 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 28:

Naabutan pa ni Lorna si Gus na nasa sala, tila inaantay nitong bumaba si Mia...

"Gus... Tulog pa ba si Mia?"tanong ni Lorna, tumayo naman si Gus at ngumiti...

"Siguro po Tita, pero hihintayin ko na lang po dito..."sagot niya,

"Bakit hindi mo na lang akyatin, at katukin?"tila utos ni Lorna sa kanya...

"Ka-kasi-"

"Good Morning Ma!"naputol na sasabihin niya nang sumingit si Mia...
Lumapit ito sa ina at humalik sa pisngi...
"Ma, baka ma-late po kami sa kakausapin namin sa Reservation ng reception, at kukuhanin pa namin ang wedding gown.." wika nito,

"O, sige lumakad na kayong dalawa..."sagot ni Lorna, tumingin naman si Mia kay Gus at kumapit siya sa braso nito...

Nagtaka si Gus, alam niyang galit ito kagabi...

"Let's go na Mahal..."yaya ni Mia sa kanya, sinundan pa sila ni Lorna hanggang pagsakay ng kotse...

Pagkapasok ay tahimik na naupo si Mia, napansin iyon ni Gus...

"Bati na ba-"

"Hindi!, ginawa ko lang yun... Para hindi magtanong si Mama..." putol nito sa tanong niya, umiling na lang si Gus at inistart na ang kotse...

~

Kinuha muna nila ang mga damit pangkasal, pagkatapos ay dumiretso na sila sa ka appointment para mag pa reserve ng reception na gagamitin...

"So! Ms. And Mr. Diliman, ok na po ba yung ipinakita naming Venue?" tanong sa kanila...

"Yes... Approve na-"

"Ako hindi, Masyado kasing elegante ang venue... I'm not a princess para lang magkaroon ng ganyang venue..." sabat ni Mia, napalingon si Gus sa kanya .. Natahimik naman ang kausap nilang wedding coordinator...

"Mia?"tawag sa kanya na tila gustong magtanong... Lumingon naman si Mia..

"Isang araw lang ang kasal, masyadong malaki ang magagastos natin dito... I want a simple venue to our wedding!!!"sabi nito at tumayo sabay talikod lumakad na ito...

"Cancel ko muna itong venue, And excuse..." wika ni Gus at tumayo na rin para habulin si Mia...

"Mia!"tawag ni Gus, malapit na ito sa kanilang kotse... Napalingon ito sa kanya...

"Nagtatampo ka pa rin ba, tungkol kagabi?"tanong ni Gus...

Huminga ito ng malalim, bago tumingin sa kanya...

"Dalawang beses mo na akong pinahiya..." tugon nito, napatitig si Gus...

"Bakit ba gustong-gusto mo na may mangyari na satin?"seryosong tanong nito...

"Para hindi muna ako iwan!"agad-agad na sagot nito, hinawakan ni Gus ang kamay niya,

"Kaya nga tayo magpapakasal, para hindi na tayo magkalayo..." tugon ni Gus...

"Yan lang ba maisasagot mo?, nasa tamang edad na ako... Pero ginagawa mo pa rin akong bata, yun ang nararamdaman ko.."sagot nito,umiiling si Gus,

"Mia, hindi yun ang ibig kong sabihin..."tugon ni Gus...

"So what?, are you hiding something to me?o naduduwag ka lang... Talo mo pang bakla! I don't know what's wrong with you!!!"inis na sabi nito at inalis ang kamay niya, pumaso na ito sa loob ng kotse...

Napabuntong hininga si Gus.

Wala pa ring imik si Mia, napalingon si Gus dito,

"Mahal..."sambit nito, nagkibit-balikat lang si Mia, lumingon muli si Gus..

"Mahal, Bati na tayo..."samo nito,hindi pa rin umimik si Mia... Pinabayaan na lamang ni Gus ito...

Hinatid na niya si Mia sa bahay, pagkababa ni Mia ay hindi na ito lumingon dire diretso ito hanggang makapasok... Pinaandar na rin ni Gus ang kotse para makauwi...

Pagdating ni Gus sa bahay ay agad siyang nahiga, iniisip niya ang mga nasabi ni Mia,

"Tama siya, Duwag ako..."bulong niya at tumayo, dumiretso sa cabinet... Kumuha siya nang alak at uminom na lamang...

#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon