Chapter: 11

45 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 11:

Tanghali na at mag isa si Gus na naka upo sa paboritong lugar nila ni Mia...
Iniisip niyang maigi ang nangyari kagabi...

"Binigla ko din siya, alam kong nasaktan yun.." bulong niya at tumingin sa malayo...
Ayaw lang din niya aminin sa sarili ang totoong nararamdaman para dito, gusto niyang makatapos ito nang pagaaral at ayaw din niyang siya ang maging dahilan nang kalungkutan nito...

Ilang araw na naghintay si Gus na dumaan si Mia... Ngunit kahit kailan ay hindi ito nagpakita sa kanya...
Bumili siya nang paborito ni Mia na chocolate cake, at sinamahan niya ng bulaklak...
Bumuntong hininga pa si Gus bago mag doorbell...

"Wala bang tao?"bulong niya, kanina pa siya nag door bell. Napalingon siya nang marinig ang parating na kotse, kotse iyon ni Dra. Alejandro...

"Oh Gus! Kararating mo lang ba?" Tila bati sa kanya ng Mama ni Mia, agad siyang nagtaka sa sinabi nito at lumapit...

"Kararating? Saan naman po ako manggagaling?"agad niyang tanong, napahinto si Lorna at tila nag isip...

"Akala ko nasa bakasyon ka? Kasi nang tanungin ko si Mia kung bakit hindi ka lang man dumadalaw..."paliwanag nito,tila naunawaan na ni Gus...

"Nasaan po pala si Mia?"tanong niya,

"Nasa Hospital... Kahapon ko lang siya dinala, ilang araw na siyang hindi kumakain at pumapasok..."sagot nito, biglang nagalala si Gus sa kalagayan ni Mia...

"Doc, pwede ko ho ba siyang puntahan ngayon? Gusto ko siyang makita at mabantayan..."seryoso niyang hiling rito, tumango naman si Lorna bilang pagpayag..

~

Gising pa si Mia nang mga oras na yun, iniisip niya pa rin si Gus. Masyado niyang dinibdib ang nasabi nito, kahit hindi diretsuhan....
Napalingon si Mia nang makitang pumasok ang Mama niya...

"Ma, akala ko po uuwi na kayo?"tanong niya, ngunit napatigil siya nang makitang pumasok si Gus...

"Ahmmm Mia, hinatid ko lang si Gus. Dito raw muna siya para bantayan ka..."wika ng mama niya at lumingon kay Gus...

"Ikaw na bahala sa kanya, maiwan ko na kayo." dagdag nito at lumabas na...

Sinara ni Gus ang pintuan at lumingon kay Mia, nakatingin lang ito sa kanya... Lumapit na si Gus at inilapag nito ang dalang pasalubong sa lamesa...

"Anung ginagawa mo dito?"tanong ni Mia, lumapit ito sa kanyang higaan...

"Binibisita ka, Nag aalala ako mula hindi kana dumaan sa site." sagot nito, tumingin ito sa kanya... Halata ni Gus ang pagtatampo nito.

"Umiiwas na ako-"

"Wala akong sinabing iwasan mo ako, kahit nalaman ko ang totoo..."putol nito, bumuntong hininga si Mia...umupo sa gilid ng kama si Gus...

"Nagtampo ka ba, kaya hindi ka lumalabas at kumakain?"tanong nito...
Hindi umimik si Mia...
"Mia..."tawag niya, yumuko ito... Huminga ng malalim si Gus...

"Hey, where just a friend. Ayokong nagtatampo ka at nalulungkot..." tugon nito, sumulyap si Mia sa kanya...

"Kung iniisip mo na magagalit ako dahil sa nalaman ko,  You wrong... Kahit kelan hindi ako magagalit, natutuwa pa nga ako dahil ako ang naging crush mo..." paliwanag pa nito at ginulo pa ang buhok niya, ngumiti na rin si Mia at niyakap si Gus...

"Hayyy...nagtampo ang prinsesa ko, Huwag mo nang uulitin yun ah..."bulong nito at kumalas kay Mia...

"Opo!"sagot nito, tumitig si Gus at pinisil ang ilong niya...

"May pasalubong ako sayo, kaya kakain tayo!" tugon nito at tumayo para iayos ang dalang pasalubong...

~

Bumalik ang dating sigla ni Mia, at natuwa si Lorna sa malapit nang paggaling nito...
Si Gus ang nagbabantay sa gabi, at madalas silang magka kwentuhan...
Lalung nadagdagan ang namuong pagmamahal ni Mia para kay Gus, ngunit ayaw na niyang aminin ang mas malalim na nararamdaman at pag ibig para rito...

Ginabi na si Gus na pumunta sa Hospital. Pagkapasok ay napansin niyang wala si Mia sa higaan, nagpalinga linga siya...

"Hmm... Nasaan kaya yun?"bulong niya at nilapag sa lamesa ang dala, napalingon siya sa higaan nito... Nakita niyang sketch pad iyon kaya lumapit siya at kinuha iyon...

Pagkabuklat ay agad siyang napangiti, kuhang-kuha ang mukha niya sa ginuhit nito. Nilipat niya pa sa iba...
Natawa siya sa mga drawing nito at ang huli, ay umagaw sa kanyang atensyon...
Iginuhit nito ang sarili at siya na magkayakap..

"Picture namin ito..."bulong ni Gus at huminga ng malalim...
Nilapag na niya iyon at binalikan ang pagkaing dala...

Habang inaayos iyon ay napahinto si Gus...

"Mahal ko siya.. Pero hindi pa ito ang tamang panahon..." umiiling niyang bulong at napaupo, biglang sumakit ang kanyang ulo...

"Gus!"si Mia iyon kakapasok lang nito, napalingon siya at ngumiti...

"Saan ka galing?"tanong niya rito, lumapit si Mia sa kanya...

"Na posponed x-ray ko kanina, kaya ngayon ako natuloy ma- xray..."sagot nito at tinitigan siya, napansin niyang pinag papawisan ito samantalang nasa aircon.

"Ok ka lang ba?" Tanong niya rito... Tumingin si Gus at ngumiti...

"Oo naman, ayos lang ako... Medyo sumakit lang ulo ko." katwiran nito, nagalala naman si Mia...

"Ikaw kasi... Masyado mong pinapagod sarili mo! Galing ka na sa site, tapos nagpupuyat ka pa para bantayan lang ako..."tila pinapagalitan siya nito, kumuha ito ng towel at lumapit sa kanya para punasan siya.... Tinitingnan lang niya ang ginagawa ni Mia...

"Pag nakalabas na ako, magpahinga ka para hindi ka naman magkasakit..."daldal nito, nagulat siya nang hawakan ni Gus ang kamay niya... Pinigil ang ginagawa niyang pagpunas.

"Bakit?"biglang tanong niya dito,

"Espesyal ka... Kaya ginagawa ko ito." bulong nito, napatitig si Mia at pakiramdam niya ay sasabog na ang puso sa sinabi nito...

Ngumiti si Gus at tumayo para ayusin ang pagkaing dala...

Nang gabing iyon ay hindi magawang matulog ni Mia, napalingon siya sa pwesto ni Gus. Tulog na tulog ito sa sofa, bumaling siya nang pwesto paharap dito at pinagmasdan...

"Alam kong bata pa ako... At humahanga lang kaso, hindi ko akalain na, hahantong sa pagmamahal lahat ng ito... Ikaw kaya,? Mahal mo ba ako? Bakit... Ginagawa mo ang mga bagay na ito... Mga bagay na nagpapasaya sa puso ko...?" Bulong lamang iyon, gusto niya itanong ang mga bagay na ginagawa nito, ngunit mas mainam ng ilihim niya ang lahat...
Umayos siya nang pwesto at bumuntong hininga, sa kisame siya nakatingin...

"My god...i'm deeply in love with him..."bulong niya at pumikit..

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now