Chapter: 20

50 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 20:

Tanghali na nakarating sa site si Mia, dala-dala niya ang plano at ganuon na rin sa mga design na idadagdag dito... Nagpalinga-linga siya tila hinahanap si Gus...

"Ms. Alejandro!"napalingon siya sa tumawag, lumapit sa kanya si Bob...

"Mr. Cruz, dala ko yung ibang plano... Hinahanap ko lang si Mr. Diliman?"wika niya at hanap kay Gus,

"Actually nasa likuran siya banda. Samahan na kita..."sagot nito, ngumiti siya,

"Busy ba siya?"natanong niya...

"Kausap niya lang si Ms. De Guzman..."sagot muli nito, biglang nawala ang kanyang ngiti na marinig na babae ang kausap nito...

"Sige, samahan muna ako para maihatid ito.." tugon niya... Tumango naman ito at sinamahan na siya...

"Ikaw talaga Gus kahit kailan, only a date! you can't gave to me..." tila lambing sa kanya ni Ingrid.

Napailing si Gus, si Ingrid De Guzman ay classmate at kasosyo niya sa negosyo... Malaki ang gusto nito sa kanya, pero kahit kailan ay hindi niya ito binigyan pansin... Nasanay na siya na lagi humahalik ito sa kanyang labi, paano ay nasanay sa buhay sa ibang bansa... Alam din niyang hindi ito magiging seryoso pagkat ayaw pa nitong magasawa...

"Alam mo naman, i have a special someone..." sagot ni Gus, ngumiti si Ingrid at lumapit...

"I know!!! Hayy naku, wala na naman ako napala sayo anyway thanks for the time. I need to go..." sabi nito at hinalikan siya sa labi, saktong-sakto sa pagdating ni Mia... Nabitawan niya ang mga dala.

Nang matapos ang halik ni Ingrid ay agad napalingon si Gus, nakita niya si Mia at Bob na pinupulot ang mga nalaglag na papel...
"Mia!"tawag niya at lumapit dito, nasundan ni Ingrid si Gus at pamilyar sa kanya ang pangalan na tinawag nito...

Nagmamadali si Mia, at hindi tumitingin kay Gus...

"Mia..."tawag muli niya, tumayo na ito at binigay kay Bob ang mga dala...

"I need to go... You can call to office, kung may problema o hindi ka nagustuhan sa mga plano ko..." sabi nito at mabilis na tumakbo... Naiwan si Gus at tumingin kay Bob...

"I'm sorry, We didn't know... About-"

"Shut up!" Saway niya kay Bob at niluwagan niya ang necktile bago habulin si Mia...

"Mia? She was so special..." wika ni Ingrid, tumingin si Bob dito,

"Ikaw kasi, hindi mo naman boyfriend lagi ka humahalik..." kumpronta dito, natawa si Ingrid.

"Ok! It's my fault... Sorry, i go ahead." sakristong sagot nito at paalam...

Naghahanap na ng taxi si Mia, hindi umaayon ang panahon dahil wala pa siyang taxi na nasasakyan...

"Mia!!!"tawag ni Gus nang maabutan siya, at hinawakan siya sa braso

"Anu ba!" Sigaw nito at inalis ang kamay niya...

"Please! can we talk..."sabi ni Gus at hinawakan muli siya, napatingin siya ng masama dito... Alam ni Gus na nagseselos ito, kabisado niya si Mia....

"Pwede ba! Nagmamadali ako!"sagot nito tumaas na ang tono, napapatingin ang ibang dumadaan sa kanila...

"Please, we need to talk..."pakiusap ni Gus,

"Para saan pa? Kung iniisip mo na nagseselos ako?, excuse me, pero hindi! Maliwanag... Ten years na lumipas, marami nang nagbago... Kahit siguro ikaw nagbago na!!!" agarang sagot nito, napatitig si Gus dito at hinawakan siya sa magkabilang braso para humarap dito.

"Tama! Ten years...Ten years ko tiniis ang sarili na hindi ka makita, dahil ayokong abusuhin ka noon... But i think now, wala na ang Mia na dating espesyal sa buhay ko..."sabi nito at binitawan na siya, nakatitig lang si Mia.Bumuntong hininga si Gus at tumalikod na at lumakad, naglandas ang luha ni Mia...

"Anu bang nasabi ko. Nang sa sobrang selos ko..." bulong niya, hindi niya namalayang napaatras siya sa sobrang sama ng loob...

"Pipp...pip...pip..."busina iyon ngunit nahuli si Mia, nabangga siya...

"Naku yung babae!"sigaw nang ale, hindi pa naman nakakalayo si Gus kaya agad na lumingon... Bigla siyang kinabahan dahil pwesto nila ni Mia iyon kanina...

Patakbo siyang bumalik at nakipagsiksikan, nakita niya si Mia na walang malay...

"Oh my God... Mia!!!" Agad niyang binuhat ito at nagmamadaling pumara ng taxi...

~

Hindi iniwan ni Gus si Mia, habang walang malay pa ito... Sabi nang Doktor ay maayos naman ang lagay nito, walang dislocate o fracture sa buto...
Nakaupo siya sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay nito...

"I'm, i'm sorry Mia..."bulong niya at yumuko, hindi niya akalain na hahantong sa ganito...

"Uhm..." napaungol ito, kaya agad na tiningnan ni Gus si Mia...

"Mia..." tawag niya, unti-unting dumilat, napansin niyang nakatunghay si Gus...

"Gus i'm sorry..."wika nito, umiling si Gus...

"You don't need to say sorry, it's my fault..." saway nito, hinaplos niya ang mukha ni Mia...

"Umiyak ka ba? Bakit ka umiyak?"tanong ni Mia, ngumiti si Gus...

"Kasi nasasaktan ako, kapag nasasaktan ka.." sagot niya at hinalikan ang kamay ni Mia...

Napapikit si Mia, sobrang sakit ng katawan niya biglang nag alala si Gus...

"Wait i call a Doctor..."tugon nito ngunit pinigil siya ni Mia...

"Hindi na, kumirot lang kaunti. Pero ok na ako..." pigil niya dito. Hinaplos na lang ni Gus ang kanyang buhok...

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now