Chapter: 14

43 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 14:

"Good morning... Dra. Alejandro!" bati ni Gus, nagulat si Lorna nang dumalaw ito sa kanya,

"Good morning din... Halika pumasok ka at maupo..." sagot nito, napaupo naman si Gus. Ganun din si Lorna at tumingin dito...

"May problema ba kaya ka naparito? O may nararamdaman?" Tanong nito, Umiling si Gus at tumingin sa kanya, halata ni Lorna ang pagka bahala sa mukha nito...

"Gusto ko lang kayo makausap... Tungkol kay Mia..." sagot niya, sumandal sa upuan si Lorna at handang makinig kay Gus...

"May problema ba kayo ng anak ko?" tanong nito... Saglit na yumuko si Gus, at muling tumigin sa kanya...

"Una sa lahat,  Gusto ko magpasalamat sa inyong mag-ina... Lalung lalu kay Mia, nagkaroon ako muli nang pamilya sa papamagitan ninyo... Alam ko nung una pa lang na may crush na siya sa akin, at-at hindi ko binigyan ng malisya iyon..." pauna niya at huminga ng malalim,
"Pinahalagahan ko lahat ng bagay... Sa kanya ko ibinuhos ang mga pagkukulang ko sa kapatid ko, halos magkasing edad sila kung nabubuhay si Janeth..Nagka trauma ako at natuto maginom ng dahil sa pagkamatay niya" napatigil siya hindi niya namalayang naglandas ang kanyang mga luha, hindi niya naisip ang pagkapahiya  kay Lorna kahit napaiyak siya...

"Hindi ko siya nailigtas... Napabayaan ko siya, kaya ako lumayo... Hanggang sa mapunta dito..." pagpapatuloy niya...

"At si Mia? "Naitanong ni Lorna, bigla siya napangiti...

"Alam kong, palubog na ako sa nangyayari sakin... Pero si Mia ang nagpabangon sakin... Parang binigyan niya ako muli ng panibagong buhay, sa bawat araw na magkasama kami unti unting nawala ang pagdurusa ko... Binawi ko lahat kay Mia..."sagot niya,
"Ngunit ayoko humantong sa isang bagay na hindi pa pwede... Mas matanda ako sa kanya at ako ang nakakaintindi ng mga bagay bagay, hindi lang siya espesyal sa akin... Kundi mahal na mahal ko siya..." Hindi na nabigla si Lorna sa inamin nito, matagal na niyang nababasa sa mga mata ni Gus...

"Mahal ko ang anak mo... Ayoko siya iwan, ayokong lumayo... Pero lumalagpas na sa limitasyon, gusto ko siya makapagtapos matalino siya, kitang kita ko sa mga grades niya at nakukuhang award... Ayoko masira yun nang dahil sa akin, at baka hindi rin pala ako talaga ang tamang lalaki para sa kanya. Baka magbago pa isip niya dahil bata pa siya.." paliwanag nito... At nagpakawala ng hangin...
"Dra, Huwag mo siyang pabayaan, lalayo na muna ako... Babalik na ako sa state, at pakiusap huwag mong sabihin ang nasabi ko. Basta sabihin niyo na lang na nagpaalam na ako..." dagdag at paalam niya, tumayo na si Gus at ganuon din si Lorna...

"Magiingat ka... At sana sa takdang panahon, magkita muli tayo.."wika ni Lorna, ngumiti si Gus... At yumakap dito.

"Maraming salamat ulit doc..." tugon niya at kumalas na, tinungo na nito ang pintuan para lumabas...

~

Pagkauwi ni Mia ay napansin na agad niya ang kotse ng kayang Mama, kaya nagmamadali siyang pumasok sa kanilang bahay...
Nakita niya itong nagkakape...

"Ma!, maaga ka yata..." bati niya sabay halik dito, tumingin si Lorna sa kanya at ngumiti...

"Oo,nagpaalam si Gus sa akin, babalik na siya sa state...kaya umuwi na muna ako para ipaalam sayo..." sabi nito at tinuloy muli ang pag inom ng kape...
Napahinto si Mia at hindi makapaniwala sa narinig...

"Nagbibiro-"

"Totoo sinasabi ko anak..."putol nito at tumitig sa kanya, nagmamadaling lumabas si Mia at kinuha ang bike...

"Mia!!!"habol ng kanyang ina...

~

Nag iimpake na si Gus nang mga oras na yun, pansamantala siyang lalayo... Mula nang maghubad ito sa kanyang harapan ay lalung minahal si Mia, ayaw niyang angkinin ito at masira ang murang isipan...

"Gus!!!"si Mia, napalingon siya at pansin na hinihingal ito...

"Kakauwi mo lang ba?"tanong niya at binalikan muli ang ginagawa, lumapit si Mia sa kanya...

"Bakit ka aalis?"tanong nito at napaluha na... Tumigil si Gus at lumingon, nakita niyang umiiyak ito... Ang totoo ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ito, dahil nasasaktan siya...

"Ayokong abusuhin ka, ayokong mawala lahat ng pangrap mo nang dahil-nang dahil lang sa pagkaka gusto mo sa akin..."paliwanag nito, lumapit siya kay Mia... Lumuhod siya at hinawakan ang mga kamay nito...Kitang kita niya ang pamumugto ng mata nito kakaiyak..

"Hindi ka na ba... Babalik?"tanong ni Mia tuloy pa rin sa pag iyak... Hindi na rin napigil ni Gus ang kanyang luha...

"Hahanap lang ako...hahanap lang ako ng tamang panahon..."sagot niya...

"Mahal kita Gus... Huwag mo akong iiwan pakiusap..." pagmamaka-awa nito at niyakap siya, napapikit si Gus... Nasasaktan din siya...

"Iiwan kita... Pero hindi ibig sabihin na makakalimutan ko lahat nang ito... Pakiusap Mia, huwag mong pabayaan ang sarili mo pag wala na ako... At-at mangako ka, na tatapusin mo pag aaral mo dahil napakatalino mo.." hiling ni Gus...

"Tungkol ba yun sa ginawa ko kagabi kaya ka lalayo?" tanong muli nito...

"Ayokong mapunta doon Mia, ayokong magkasala, kaya ako na ang lalayo..." tugon nito, kumalas si Mia at tumitig sa kanya...
"Soulmates tayo...kaya kung dumating ang panahon na magkikita tayong muli, pangako na hinding hindi na kita iiwan..."dagdag pa nito at hinawakan ang kwintas niya...
"Tandaan mo ang regalo ko sayo... Yan ang puso ko kaya ingatan mo..." wika niya... Tumango si Mia...

"Pangako Gus maghihintay ako sayo At pangakong ikaw lang ang lalaking mamahalin ko... Hanggang dumating ang sinasabi mong tamang panahon..."sagot ni Mia, ngumiti na si Gus at niyakap muli nang mahigpit si Mia...

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now