Chapter: 16

44 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 16:

10 year ago...

Napadilat si Mia sa tunog ng alarm clock, bumangon siya at nag inat...
Tumayo siya at tumingin sa salamin, malaki na ang pinag bago ni Mia... Isa na siyang Architect at siya ang namamahala sa kumpanya na naiwan ng kanyang ama, yun pala ang madalas puntahan ng mama niya kaya ngayon naiintindihan na kung bakit busy ito nung bata pa siya...

Ngumiti siya at lumingon sa litrato nila ni Gus.
"Good morning my love..." bati niya at lumapit sa litrato, hinalikan niya pa ito bago binaba... Tumunog ang kanyang cellphone na katabi nito,kaya agad na dinampot...
"Hey..."sagot niya,

"Nasaan ka na? Anung oras na may meeting ka pa!!! Abah bumangon ka na, at baka nanaginip kapa!!!" si cherry na nasa kabilang linya, halos ilayo na ni Mia sa kanyang teynga ang cellphone...

"Uy! Kumalma ka naman, nakabangon na ako.Mamaya pa meeting ok..."sagot niya na natatawa,

"Ok fine!!! Sige na sige na malapit na ako sa office..." tugon nito,

"Sige ingat..."sagot niya at pinindot ang end call...

Natatawa na naiiling siya sa kanyang bestfriend... Nakilala niya ito ng college at naging maganda samahan nila, kaya kinuha na rin niya ito sa kumpanya nila pagka graduate...

~

"Mabuti naman at dumating ka na..." bati sa kanya ni Cherry, napatingin siya dito tila inantay siya nito sa parking area...

"Cherry hindi naman ako nawawala ahh..."wika niya dito at tuluyan ng sinara ang pinto ng kotse, ngumiti ito sa kanya..

"Namimiss lang kita, Kaya kita pinagmamadali..."sagot nito, natawa na rin si Mia at sabay na silang lumakad paakyat sa opisina...

"Malaking kumapanya ang Royal, mabuti at tayo ang nakuha nila na magplano sa itatayong building.. "Wika ni Cherry habang naglalakad sila, ngumiti siya napakalaking karangalan sa kanya na maging bahagi sila ng kompanyang iyon...

"Lunch pa naman meeting natin..."sagot niya at pumasok na sa kanyang opisina, nakasunod naman si Cherry at agad napansin ang bulaklak na nasa lamesa nito..

"Matagal na nanliligaw sayo si Mark, bakit ayaw mo sagutin? Abah, tatandang dalaga ka niyan..."sabi nito at naupo, lumingon si Mia sa kaibigan...

"Isang lalaki lang ang minahal ko!!! At siya lang ang hinihintay ko..."sagot niya at naupo sa swivel chair, tiningnan niya ang mga papeles na nasa lamesa....

"Here comes again!!! About na naman, sa first crush, puppy love at First Love... Abah kumpleto rekado ahh..." Biro nito sa kanya, tumingin muli siya dito...

"Because he is the only guy, i will love forever." tugon niya, tumayo si Cherry at nag hands-up sa kanya...

"Ikaw na, ikaw na yung babaeng nakapag tiis maghintay ng napakatagal na panahon..."wika nito, napailing si Mia...

"Bata pa ako..."reak niya, natawa ito bigla...

"Magkasing edad lang tayo... Look at me?"utos sa kanya, tumingin naman siya dito..

"I'm a happily married, masaya na ako sa pamilya ko..." tugon nito, hindi umimik si Mia, ang totoo naiinggit siya sa bestfriend niya...inaanak pa nga niya ang anak nito..  Nalungkot siya bigla at napasandal...

"Siguro, may asawa na si Gus kaya hindi na rin siya nakabalik..."dagdag pa nito, umiling lang si Mia....

"Pinanghawakan ko ang pangako niya..."wika niya, ngumiti na lang ng pilit si Cherry...

"Maiwan na muna kita and don't be sad, prepare yourself later..."sabi nito at tumalikod na, naiwan si Mia na nahulog sa pag iisip...

"Paano nga kung may asawa na siya? Paano na ako?..." Bulong niya...

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now