Chapter: 27

45 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 27:

"Abah! Ang ganda naman ng engagement ring ninyo!!!"puna ni Cherry ng makita ang singsing na suot ni Mia, nasa opisina silang dalawa..

"Sobrang saya ko Cherry, kasi tinupad ni Gus yung pangako niya sa akin..."nakangiti si Mia ..

"And i'm so happy for you... Bestfriend, buti talaga at si Gus ang soulmate mo..."sagot nito, huminga ng malalim si Mia...

"Ngayon naniniwala na ako sa destiny, akala ko panaginip lang lahat..."tugon niya at pinagmasdan ang singsing nila...

"Teka! Maiba tayo, hindi na ba nanggugulo si Mark sayo?" pag iiba ni Cherry,napatingin siya dito at naalala niya ang pagbabanta nito sa kanya...

"Wala na ako balita sa kanya..."sagot niya at nagkibit-balikat ito, ang totoo ay natatakot pa rin siya...

"Hey! Huwag nang mangamba, andyan si Gus.I'm sure hindi ka niya pababayaan..." pinalakas ni Cherry ang loob niya , napangiti siya ng pilit dito...

~

Tahimik pa rin si Mia habang naghahapunan sila ni Gus...

"Kanina pa kita napapansin.."wika ni Gus, napatingin si Mia sa kanya, pansin ni Gus ang pagkabahala sa mukha nito...

"May problema ba? Mahal ko..."tanong nito, napabuntong-hininga si Mia...

"Naalala ko kasi yung banta ni Mark, natatakot ako at baka-"

"Walang mangyayaring masama...alright, tsaka hindi kita iiwan ngayon... Binilin ni tita na hindi siya makakauwi kaya, i'll stay here.." putol nito sa sasabihin niya at hinawakan ang kamay sabay pisil, tumango si Mia... Napatayo si Gus at niyakap ito habang naka upo...

"I Love You..."bulong ni Gus at hinalikan ang ulo niya,

"I Love You Too..."sagot ni Mia, habang nakayakap sa beywang ni Gus...

~

Hindi pa rin maka-tulog si Mia, kahit alam niyang andyan lang si Gus sa baba... Napatayo siya at tinungo ang pintuan...
Gusto niya magtimpla nang gatas para makatulog, pagbaba napansin niya si Gus na nasa lamesa at may binabasa... Nakatalikod ito, kaya dahan dahan siyang lumapit...

Hinawakan niya ang balikat nito, napangiti naman si Gus... Kinuha ang kamay niya at hinalikan...

"Hindi ka ba makatulog?"tanong nito ngunit nakatuon pa rin ang mata sa binabasa...

Tila naglambing naman si Mia at yumakap kay Gus, magkatabi lang ang mga mukha nila at tiningnan ang binabasa nito...

"Hanggang ngayon nagta trabaho ka pa din?"tanong ni Mia, ngumiti si Gus...

"Binabasa ko lang ang mga ito, at nirereview para sa meeting..."sagot nito at tumingin sa kanya, napatingin din si Mia...
"Hindi ka pa ba inaantok?"tanong muli ni Gus, umiling lang si Mia... Hinaplos ni Gus ang mukha nito...

"Dapat matulog ka na, baka hindi ko mahintay ang susunod na linggo... At magkasala ako ngayong gabi..." bulong lang ni Gus iyon at tumitig ng husto kay Mia, hinaplos naman nang isang daliri ni Mia ang labi ni Gus...

"Mia..." anas ni Gus at hindi na napigilang halikan si Mia, tinugon ni Mia ang halik ni Gus at nabigla pa siya nang iupo siya sa kandungan nito... Napayakap siya sa batok nito, maya maya ay naramdaman niyang umangat siya. Binuhat na pala siya ni Gus...

Kumalas muna ito para pagmasdan siya, hinaplos naman niya ang mukha nito. Napakagat ng labi si Gus at inakyat na siya sa taas...

Pagkadating sa kwarto ay nilapag niya si Mia sa kama, nakatingin lang din si Mia dito... Nagpakawala ng hangin si Gus at tumayo, nagtaka si Mia...

"Gus..."tawag niya, tumingin ito sa kanya...

"I'm sorry Mia..."wika nito at napakagat labi, napatayo si Mia at lumapit dito...

"Hindi kita maintindihan..."umiiling na tugon nito, tumitig si Gus sa kanya...

"Ginagalang pa rin kita at gusto ko maangkin kita pagtapos ng kasal natin..."sagot nito at tumalikod para tumungo sa pinto...

"Gus..."tawag ni Mia, napalingon siya at nakitang hinubad nito ang night tie na suot... Napalunok siya ibang iba na ang katawan nito kesa nuon, napatitig siya...

Lumapit si Mia sa kanya, sunod sunod ang lunok ni Gus..

"Pangalawang beses na ako naghubad sa harapan mo, ngayong 26 na ako... Tatanggihan mo pa rin ba ang pag angkin sa akin?"wika nito at tanong sa kanya...

Napatitig si Gus sa mga mata nito, tila nangungusap ang mata ni Mia...
Umiling ito, nagtaka si Mia...

"Matulog ka na,  Maaga pa natin kukunin ang wedding gown..."sabi nito, mabilis nitong kinuha ang tuwalyang nasa gilid at itinapis sa sarili...

"Anu bang problema mo Gus?"taas-tonong tanong niya rito, napailing lang si Gus at walang maisagot...

Lalung nainis si Mia kaya sinampal ito, tinanggap iyon ni Gus at hindi umimik...

"Ayaw mo naman sabihin... Kung anu problema mo!"inis niya pa ring sabi dito at tumalikod...

"Mia..."tawag nito, alam niyang nagtampo na ito sa kanya,

"Lumabas ka na..."utos nito...

Napailing naman si Gus at lumabas na, napaiyak si Mia pagka-labas nito... Tila napahiya na naman siya dito...

Pagka upo ni Gus ay napahilamos ang kamay sa mukha, inis na inis din siya...

"Shit..."mura niya sa sarili...

Hindi niya rin maintindihan, kung bakit bigla siya napapa tigil angkinin ito...

#AuthorCombsmania

  

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now