Chapter: 10

43 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 10:

Hinanda ni Mia ang sarili, nagayos siya sa unang pagkakataon para sa kanilang "second date" ni Gus....
Napatingin siya sa salamin, at hinawakan ang kwintas na regalo sa kanya..

"Napaka ganda talaga..."bulong niya at ngumiti...

Nasa baba na si Gus at hinihintay si Mia, napalingon ito ng makitang siyang bumababa.
Napa iling si Gus, dahil bumagay dito ang kaunting ayos...

"Wow, napakaganda mo ngayong gabi..."puri nito. Napangiti naman siya at lumapit...

"Grabe na papuri mo ahh..."sagot ni Mia at tumawa,

"No! Your really pretty..." seryosong tugon niya, umangat kaunti si Mia at humalik sa pisngi nito...

"Let's go! Princess..." yaya na nito...

Pagkatapos nila kumain ay naglakad-lakad sila sa tabing dagat...

"Sir, ma'am! Souvenirs po!"napa lingon sila sa nagsalita, Isa itong photographer, tumingin si Gus sa kanya...

"Mia! Souvenir daw... Pa-picture tayo!" Sabi ni Gus, tumango siya bilang pagpayag...

Tumabi sa kanya si Gus...
Ang unang pwesto nila ay magkatabi, ang pangalawa ay akbay siya ni Gus... Pangatlo ay wacky pose at ang huli ay yakap siya nito...
Tinitingnan nila ang mga picture, bawat kuha ay tig isa sila nang kopya...

"Ang gaganda ng kuha natin di ba?" Tanong ni Gus, lumingon si Mia at pansin niyang masaya ito. Napalingon si Gus dahil hindi sumagot si Mia, nakita niyang nakatitig ito...

"May gusto sana akong sa-sabihin sayo.." wika ni Mia at bumuntong hininga...

"Anu yun?" tanong niya, huminga ito ng malalim...

"Kasi, kasi May crush ako..."sagot nito, napatitig si Gus sa kanya

"Sa school mo ba?" tanong niya, umiling si Mia at yumuko tila nahihiya na siya..

"Mia?"tawag niya, tumingin ito sa kanya. Seryoso si Mia sa pagkakatitig kay Gus...

"Ako ba?" hula niya, nahihiyang tumango si Mia...

Napatayo si Gus, tila nabahala naman si Mia...

"Maari kang humanga sa akin, Pero hanggang duon lang sana Mia..." sabi nito. Para siyang nasaktan sa sinabi nito, tama nga naman at bata lang siya...
Tumayo na si Mia...

"Ihatid mo na ako..."wika nito, napabuntong hininga si Gus...

~

Wala silang imikan dalawa, hanggang maihatid ito sa bahay...
Papasok na sana si Mia, nang hawakan siya ni Gus sa braso...

"I'm sorry..." wika nito at umiling, tila hindi alam ni Gus ang sasabihin...

"Saan?"tanong niya,

"Baka na offened kita-"

"Wala yun Gus... Crush is paghanga... Inspirasyon lang, at sa edad kong ito... Hindi dapat seryosohin nang tulad ko, lahat nang.... Nang ginagawa mo..." putol niya sa sasabihin nito, natahimik si Gus sa katwiran ni Mia...

"Sige na papasok na ako..." paalam pa nito at dumiretso ng pumasok... Napabuntong hininga si Gus, umiling pa siya bago lisanin ang lugar ni Mia...

Walang patid naman ang luha ni Mia, nasaktan siya dahil impossibleng magustuhan siya ni Gus.
Pinagmasdan niya ang picture nila, hinalikan na lamang ito...

"Masakit pala..." bulong niya at umiyak ng umiyak...

  

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now