Chapter: 15

43 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter:15

Isang lingo na ang nakalipas mula umalis si Gus... Pinilit ni Mia magpaka tatag kahit na wala si Gus sa kanyang tabi, palagi pa rin siya dumadaan sa site at nalulungkot siya kapag natatanaw ang kanilang dating pwesto...

"Gus... Miss na miss na kita..." bulong niya at pinahid ang luha, pinaandar niya na ang bike at dumiretso ng uwi...

Nasa kwarto siya at hindi pa makatulog ng gabing iyon, tinitingnan niya ang grades niya na nasa card... Top 1 ulit siya sa klase, pinagbutihan niya maigi ang pagaaral para sa pangako kay Gus...
Muli siyang umiyak, hindi niya napipigilan ang kanyang luha sa tuwing maiisip ang lalaking mahal... Hindi kumpleto ang kanyang araw na hindi ito masilayan, ngunit wala na siya, wala nang Gus....

"Mia..."si Lorna at pumasok sa kanyang kwarto, napatayo siya at nilapag ang card pati litrato ni Gus... Lumapit ang kanyang Mama sa kanya...

"Alam ko ang nararamdaman mo, ngunit mas mainam na munang lumayo si Gus..." wika nito at naupo,

"Masakit pala ang unang pag-ibig Ma..." tugon niya at hindi na napigil ang umiyak, niyakap siya ni Lorna...

"Kung talagang kayong dalawa, kayo ang pagtatagpuin... Bata ka pa Mia,  Marami pang darating sa buhay mo..."paliwanag nito, kumalas si Mia at umiling... Hinawakan niya ang kanyang kwintas...

"Siya lang Mama, hindi na ako magmamahal ng iba..." sagot niya, ngumiti si Lorna...

"Magpahinga ka na..."wika ng kanyang Mama, at tumayo na tinungo na ang pintuan para lumabas...

Naiwan si Mia at muling tumingin sa litrato nila ni Gus...

"Pangako, ikaw lang ang taong mamahalin ko..."pangako niya at hinalikan ang litrato nila.....

#AuthorCombsmania

  

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now