Chapter: 17

47 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 17:

Kalalapag lang ng Eroplano at lulan dun si Gus, muli na siyang nakabalik sa loob ng mahabang panahon...

"Welcome back!"bati ni Bob, ito ang namahala ng mga site na ipinapatayo niya mula umalis siya... Ngumiti si Gus at tinapik ito sa balikat...

"Mukhang lalu ka yatang bumata sa gupit mo." biro pa ni Bob, napailing siya...

"Anung oras ang meeting natin?"naitanong niya...tumingin ito sa relo,

"Lunch time, pero kung gusto mo mauna na tayo sa restaurant... Para tayo na maghintay sa ka meeting natin, nakakahiya naman kela Mrs. Castillo..." wika nito, tumango si Gus

"Sige, ipahatid mo na lang gamit ko sa hotel.." sagot niya at naunang lumakad...

~

"Ok lang ba talaga suot ko cherry?" Tanong ni Mia na hindi mapalagay, malaking kumpanya ang Royal at talagang kailangan nila maka deal ito...

"Oo na, maganda ka na..." sagot lang nito na hindi tumitingin at diretso lang sa pag cellphone,

"Hindi ka naman nakatingin eh,hayy kinakabahan ako..." sagot na lang niya, nasa kotse na sila at malapit na sa restaurant...

Napatingin si Gus sa relo, 20 minutes na silang naghihintay... Napalingon si Bob sa parating...

"Andito na sila..."wika nito, ngumiti si Gus...

Habang papalapit si Mia, ay lalung tumindi ang kanyang kaba hindi niya maintindihan kung bakit ganito...

Tumayo na ang mga kausap nila nang makalapit na sila Mia, at lumingon ang lalaking nakatalikod...

Hindi makagalaw si Mia, sampung taon ang lumipas... Ang lalaking minahal ng sampung taon, ang unang lalaking nagpatibok sa kanyang batang puso... Ang mukha nito na hindi nawala sa puso't-isipan niya...

"Nice meeting you, i'm Mr. Benidict Gusvimante Royal Diliman..." pakilala nito, halos hindi siya makapaniwala... Kaya marahil hindi niya ma search ang fb nito o twitter, o kahit anuman na social media dahil iba pala pangalan nito...

Nagtaka si Gus nang hindi agad abutin nito ang kanyang kamay, napansin nito ang kwintas na suot tila pamilyar sa kanya...

Nakahalata si Cherry sa pagkakatitig ng kaibigan sa lalaking kaharap, agad na pasimpleng siniko ito.. Tila nagising si Mia,

"Yahh, na-nice me-meeting you sir.. " Kabado niyang sagot at inabot ang kamay nito nanginginig ang boses dahil sa kaba... Napangiti si Gus nang tanggapin na nito ang kamay niya,

"May i know your name?"tanong ni Gus, napalunok ng sunod sunod si Mia,

"I'm, I'm Archt. Mia Racquelle Alejandro.." pakilala niya, napahinto si Gus at tinitigan siya maigi...

Ten years mula iwan niya ito, isang Teenage na Mia ang iniwan niya... And now not only a teenager, she's already a woman not only a woman but a beautifull lady in his front...

Tila nagkatitigan silang dalawa...

"So, let sit down Para maumpisahan na natin ang meeting..." sabat ni Bob,

Umupo na si Mia, nakasunod lang ng tingin si Gus sa kanya... Umiiwas si Mia dahil pansin niya ang panay sulyap nito sa kanya...

Nagpalitan na sila ng mga folder, nag discuss si Bob sa gusto nilang plano. Nakikinig naman si Mia, pero minsan ay napapasulyap siya kay Gus seryoso itong nagbabasa...

"My god!!! He so hot... Naku Mia!!! Wag ka muna ngayon lumandi just focus..." sa isip niya at biglang umiling, napatingin si Gus sa kanya...

"Ms. Alejandro, are you alright?" tanong ni Gus, bigla siyang napatingin dito.. Titig na titig ito sa kanya, hindi niya mapigilang mamula...

"Hanggang ngayon namumula pa rin siya, she's so beautifull ever, than the last time i saw her crying... Hayy bakit kaya di ko siya ma search sa fb? Siguro iba name niya..."sa isip naman ni Gus...
"I would like you to visit the site tomorrow? If your not busy? Para ma check mo kung anu maari pang idagdag sa building..."wika ni Gus sa kanya, tumango si Mia...

"Ok! I'm not actually busy tomorrow, kaya pwede ako pumasyal..."nasagot niya,  Ngumiti si Gus...

"So!siguro ok naman na lahat ng nabasa mo, let's order our lunch..."tugon ni Gus at sumenyas sa waiter...

Binigyan na sila ng tig iisang menu, nakapag order na ang lahat maliban kay Mia... Napuna ni Gus iyon...

"Ms. Alejandro, ayaw mo ba mag lunch?"tanong nito sa kanya, tumingin siya dito...

"Medyo busog pa ako..."sagot niya, ang totoo nabusog siya ng makita si Gus...

Umiling ito...

"Do you like pasta, with meatball toppings... And chocolate cake for your desert?" Tanong sa kanya nito, ngumiti siya hindi pa pala nakakalimutan nito ang paborito niyang meryenda...

"Ok...yun na lang order ko..."sagot niya,

nalilito naman na napapatingin ang mga kasama nila sa kanila...

~

Nang gabing iyon ay pauwi na si Mia, napapangiti siya sa kilig sa pag aasikaso ni Gus kanina sa kanya... Hindi pa siya pumasok sa kanilang pintuan, napasandal siya at tila nangarap pa... Bigla nga siya tinanong ni Cherry pero hindi siya umamin, ayaw niya muna sabihin dito...

"Bakit hindi ka pa pumapasok?"napalingon siya sa nagsalita at nagulat siya nang makita kung sino yun...

Lumapit ito sa kanya, ang laki ng pinagbago nito... Fitted na polong light blue ang suot... Bumakat ang muscle nito na bumagay sa poise ng katawan, ang mukha nito na napaka gwapo pa rin...

"Gu-Gus..." na sambit niya, nakalapit na ito sa kanya at ngumiti...

"Akala ko, Nakalimutan muna ako..."wika nito, hindi napigilan ni Mia na yakapin ito.. Napayakap din si Gus...

"My god... Ten years, ang tagal... Ang tagal-tagal nating hindi nagkita..." bulong ni Mia, ngumiti si Gus at kumalas...

Tumitig ito sa kanya...

"Sorry, napakatagal nang panahon bago tayo nagkita ulit..."sagot niya, ngumiti si Mia...

"Halika pasok tayo sa loob..."yaya ni Mia

"Welcome pa ba ako dito?"tila nagbibiro si Gus, natawa bigla si Mia...

"Loko-loko, Halika na..."natatawang sagot sa kanya at pumasok na sila sa loob...

Habang nasa sala si Gus ay pinagmamasdan niya ang mga naka display roon, halos mga award na nakuha ni Mia at naging Cumlaude pala ito... Napangiti siya, dahil tinupad nito ang pangako sa kanya...

Lumabas si Mia na may dalang juice... Ibinigay ito kay Gus...

"Nasaan pala si Dra?"tanong niya, naupo si Mia...

"May seminar silang mga Doctor, one week sila dun..."sagot niya at uminom ng juice...

"I'm sorry kung nilihim ko pagkatao ko sa inyo" biglang tugon nito, ngumiti si Mia

"Wala yun, kaso bakit dun sa site... Minsan nagta trabaho ka?"bigla niyang tanong...

"Ayoko kasi malaman na mayaman ako, ayokong ituring na boss ako..."sagot niya at uminom na rin ng juice...

Pasimpleng pinagmamasdan siya ni Mia... Nang matapos itong uminom ay lumingon muli sa kanya...

"Salamat at tinupad mo ang pangako mo sakin, na mag aaral mabuti at magtatapos.." wika nito, napangiti si Mia...

"Syempre... Nangako ako sayo, at ang totoo napakasaya ko na magkita tayong muli.." seryosong tugon niya...ngumiti si Gus at tumingin sa relo...

"Lumalalim na ang gabi, magpahinga ka na... Bukas sasamahan kita para malibot ang building..."tila paalam nito at tumayo, napatayo na rin si Mia... Tinungo na nito ang pinto,kasunod siya para ihatid ito...

"Goodnight Gus, mag iingat ka pag uwi.." paalala niya dito, lumingon ito at humalik sa kanyang pisngi, napatigil siya sa ginawa nito at parang tatalon ang kanyang puso sa sobrang kilig...

"Goodnight, my Princess..."wika nito at tuluyan nang lumabas, naiwan si Mia na nakatulala...

  
#AuthorCombsmania

For The First Time (COMPLETED STORY)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu