Chapter: 26

46 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 26:

Walang kasing saya ang nararamdaman ni Mia nang mga oras na yun, nakahawak sa kanyang beywang si Gus at panay ang bulong sa kanya ng "i love you" sabay halik sa labi.Ang totoo kilig na kilig talaga siya, at ayaw nang matapos ang gabi....

"Nag eenjoy ba kayong dalawa?"sabay silang napalingon, si Lorna iyon at nakangiti sa kanilang dalawa...

"Yes Ma .."si Mia,

"Opo tita, at lalu kasama ko ang babaeng pinakama mahal ko..."si Gus naman, napapailing si Lorna,

"Thank you Gus, napakasaya ko sa inyong dalawa..."wika nito, niyakap ni Mia ang ina sobra talaga ang sayang nararamdaman niya..

"Tita, hihiramin ko na muna si Mia.  Meron lang kaming pupuntahan..."tila paalam ni Gus,

"Sure... I know na hindi mo naman pababayaan ang anak ko..."sagot nito, hinawakan ni Gus ang kamay niya at nagpaalam na silang lisanin ang lugar...

~

Naalala ni Mia ang lugar na ito, dito siya umamin na may crush kay Gus... Hinawakan nito ang kamay niya, napatingin siya rito ngunit sa dagat ito nakatingin...

"It's almost 10 years, nang umamin kang may crush sa akin..."napangiti si Mia at tumitig lang dito...
"Nung gabing umamin ka sakin, ang totoo masaya talaga ako nuon. Kaso hindi ko lang pinahalata... Alam ko na hindi paghanga nararamdaman mo, alam ko na mas malalim... Pero mas malalim pagmamahal ko sayo nuon pa..."wika nito at tumingin sa kanya...

"Gus... Bakit nilihim mo?"tanong niya, bumuntong hininga ito...

"Kasi, Baka masira pag aaral mo at Di ba nakagawa ka nuon nang bagay na hindi dapat, lumagpas ka sa limit ng paghanga mo sa akin..."paliwanag nito...

Naalala ni Mia ang nangyari sa kanila bago ito umalis...

"I'm sorry Gus..."wika niya, ngumiti lang si Gus at humarap kay Mia...

"Alam mo, lalu kitang minahal nang araw na yun, yung araw na... Alam mo na...?"sadyang pinutol nito ang sasabihin...

"Yung, naghubad ako..."si Mia ang nagtuloy, natawa bigla si Gus ganuon din si Mia...

"Oo, nung gabing yun... Alam mo ba na pinainit mo ako, kaso natakot ako dahil bata ka pa..."sabi nito na inilapit ang mukha sa mukha niya, namula si Mia sa sinabi nito... Ngumiti si Gus
"Mia mahal na mahal kita, wala akong ibang babaeng minahal kundi ikaw lang..."seryosong wika nito napayakap si Mia sa kanya ..

"I love you too Gus..."sagot niya, tiningnan ni Gus ang relo, kumalas ito sa kanya...

"Tumingin ka sa langit..."sabi nito, sumunod naman si Mia...

Bigla siya napangiti sa sunod-sunod na fireworks... Tuwang tuwa siya sa mgagandang fireworks display...
Lumingon siya kay Gus, lumuhod ito at may kinuha sa bulsa...

Napatigil siya nang buksan ni Gus iyon, isang singsing...

"Gus..."sambit niya,

"Mia! i want to be with you forever... Will you marry me?"propose nito, hindi siya makapaniwala at hindi na namalayan napaluha na siya...

Tumango siya at hinawakan ang kamay ni Gus para tumayo, tumayo naman ito...

"Yes...yes Gus! I will marry you..."sagot niya at tuluyan nang napaiyak sa kagalakan... Niyakap siya nito...

"Oh... mia! napakasaya ko..."tugon nito, hindi na napigilan ni Mia ang umiyak naramdaman ni Gus ang paghagulgol nito...
"Mia .."tawag sa kanya at kumalas, natawa ito nang makitang umiiyak siya,

"Bakit ka umiiyak?"tanong nito at pinusan ang mga mata niya,

"Kasi .. Kasi napakasaya ko, natupad yung pangarap ko..."sagot niya, natawa na si Gus sa sinabi niya,..

"Kung pwede ka lang nuon... Eh di nuon pa sana kita niyayang magpakasal..."sagot nito...
Nagpunas na si Mia ng luha...

"Kaya nga eh, kaya nga nag antay ako sayo at walang naging boyfriend since birth.." katwiran nito...

"Bakit, may boyfriend ka naman nuon ah?"agad nitong tugon... Nagtaka si Mia at tumitig dito...

"Sinu?"takang tanong niya...

Hinawakan ni Gus ng dalawang palad ang kanyang magkabilang pisngi...
"Ako! Kaya nga lumalabas tayo, at pinupuntahan kita sa bahay mo para sabay kumain...kaso ako lang nakakaalam na boyfriend mo ako..."sagot nito at ngumiti, napangiti na si Mia at tuluyan na siyang hinalikan ni Gus habang dire diretso ang fireworks...

#AuthorCombsmania

  

For The First Time (COMPLETED STORY)Where stories live. Discover now