Chapter: 6

46 2 0
                                    

"For The First Time"

Chapter 6:

Naging abala si Mia dahil nagpasukan na, madalang siya makadaan sa site at minsan ay sinusulyapan lamang si Gus...
Magaganda rin ang naging resulta nang kanyang mga grado sa lahat ng exam, at dahil iyon sa inspirasyon niya kay Gus...

Hapon na at pauwi na siya, inaabangan niya si Gus. Alam niyang oras na ng uwian lahat ng nagta trabaho sa site, ipapakita niya rito ang grades na nakuha sa unang grading... Napangiti siya nang makita si Gus, ngunit nawala din ang ngiti nang mapansing may babae itong kasama at nagtatawanan pa...
Hindi niya maiwasang mangilid ang luha, at sobrang sakit lalu at nakita niyang hinalikan ito sa pisngi...

Nagulat si Gus sa ginawa ng babaeng kausap...

"Thank you so much, sa pagpayag mo.." pasalamat nito, ngumiti lang si Gus at napatingin sa malayo... Nakita niya si Mia kaya agad siyang ngumiti, ngunit nakasimangot na ito at nagmamadaling pinaandar ang bike...

"Mia!!!"tawag niya ngunit malayo na ito, agad siyang nagtaka kung bakit hindi siya nito inantay...

"Bakit umalis yun?"bulong niya sa sarili...

~

Hindi lumalabas ng kwarto si Mia. Masamang-masama ang kanyang loob at nasasaktan siya ng sobra, dahil may nobya na pala ito... Wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak lang...

"Nakakainis ka Gus may nobya ka na pala, tapos... Binibigyan mo nang halaga lahat ng ginagawa ko!!!" kausap niya ang sarili at tila inis na inis kay Gus...

~

Tatlong araw nang napapansin ni Gus na hindi dumadaan si Mia... Nag aalala siya...

"Anu kayang, Nangyari kay Mia?"tanong niya sa sarili, nakaupo siya sa may tabi ng puno. Pwesto nila ni Mia, hindi na rin siya sanay na hindi ito nakikita... Parang hindi na rin kumpleto araw niya kapag hindi ito makausap.

Tumingin siya sa relo, nakabuo siya ng desisyon at aabangan na lamang ito lumabas sa school na pinapasukan...

Bumili si Gus ng chocolate cake, paborito ito ni Mia... Habang naglalakad ay nasalubong niya ito, kalalabas lang ng school. Tila wala itong bike...

"Mia!" tawag niya, lumingon ito ngunit hindi siya pinansin... Dire-diretso lang ito sa paglalakad...

"Mia!" habol ni Gus at binilisan ang mga hakbang...
"Sandali!pigil ni Gus at hinawakan ang braso niya, napahinto na si Mia at tumingin dito...

"Bakit ba!!!" tila inis ito at inalis ang kamay niya na nakahawak sa braso niya, nagtaka naman si Gus at napatingin kay Mia...

"May problema ka ba, mag usap nga tayo?" Tanong ni Gus, tumingin lang ito sa kanya,

"Huwag na! At baka magalit nobya mo!" Sagot nito at tinaasan pa ang salitang "nobya mo", nagtaka si Gus... Tumalikod na si Mia sa kanya,

"Teka nga! Humarap ka nga sakin?"wika nito, hinawakan muli ang braso niya para humarap sa kanya. Pagharap ni Mia ay nakasimangot lang ito...

"Mia?"tawag sa kanya, hindi ito umimik...

"Ok!, hindi ko alam kung saan nanggaling ang salitang nobya?, dahil wala naman akong nobya..." seryosong paliwanag nito sa kanya, tumitig si Mia dito...

"Eh! Sinu yung... Humalik sayo?"takang tanong niya,biglang natawa si Gus... Nagtaka si Mia sa pagtawa nito...

"Bakit ka tumatawa?"inis na tanong niya, inakbayan siya nito...

"Wala akong nobya, At hindi ko nobya yun... Maliwanag. Kasi kung may nobya ako, eh di dapat siya kasabay ko kumain sa tanghalian.." paliwanag nito, bumuntong hininga si Mia... Lalung gwapo si Gus sa kanyang paningin kapag tumatawa ito...

"Talaga?"paniniguro niya, tumango lang si Gus,

"Huwag mong sabihin na...yun dahilan kaya ka umiiwas sa akin?" tanong nito,

"Kasi.. Akala ko nobya mo..." malumanay na niyang sagot,

"Nagseselos ka noh" pagbibiro ni Gus at ngumiti... Umalis siya sa pagkaka akbay dito at lumayo

"Excuse me! Ayoko lang may umaway sakin! At sinu ka para pagselosan ko!" Inis niyang sagot... Pero totoong nagseselos siya ayaw niya lang ipahalata kay Gus... Tumawa muli si Gus,

"Binibiro lang kita..." tugon nito, at binigay kay Mia ang dala...

"Anu to?" Tanong niya...

"Cake, para batiin muna ako!"sagot nito at ngumiti.

"Salamat...nag abala ka pa!"tugon niya, ngunit nakasimangot pa rin... Tiningnan siya ni Gus,

"Nakasimangot ka pa rin, nawawala tuloy ang ganda mo!"seryosong wika nito, pakiramdam ni Mia ay namula siya sa sinabi nito...

"Ayan... Ngingiti na po!" Sabi niya at ngumiti,

"Yan! Eh di, maganda ka na! Ay... Lalu pa lang gumanda..."puri nito at tumawa. Tumawa na rin siya,

"Pauwi ka na ba?ihahatid na kita!" Alok niyo, tumango lang si Mia at nagsabay na silang maglakad...

For The First Time (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon