Chapter: 1

170 4 0
                                    

For The First Time

Chapter 1:

"Hayy...umaga na naman..."bulong ni Mia at nag-inat. Tumayo siya at kinuha ang salamin para isuot, pagkatapos ay tumanaw sa bintana...

"Ayos at bakasyon na... Makakatulong na ako kay mama..."wika niya at tumingin sa relo, alas-otso na nang umaga. Nagmamadali siyang pumasok ng banyo at pupunta pa siya sa hospital...

Si Mia Racquelle Alejandro ay labing-limang taong gulang... Itong pasukan ay Second Year High school na siya, nag-iisa lamang siyang anak ni Dra. Lorna Alejandro at ang kanyang papa ay matagal nang yumao... Masayahing bata si Mia, dahil bakasyon mas napipili niyang tumulong sa kanyang ina dahil sa Psychiatric ito...

Nagbibisekleta na si Mia patungong Hospital, napahinto siya nang madaanan si Mark. Isa sa kanyang mga kaibigan. Huminto siya sa ginagawang construction site...

"Mark!"tawag ni Mia, lumingon ito at lumapit sa kanya...

"Anung ginagawa mo dito?"tanong niya rito,

"Tinitingnan ko lang ginagawa nila..."sagot nito  at kumain ng chocolate... Napailing si Mia, kaya mataba ang kaibigan dahil dito...

Tumingin siya sa ginagawang bagong site... Marami rin silang ala ala magkakaibigan dito, dahil dati nila itong palaruan. Napadako ang tingin niya sa isang lalaking kalalabas lamang, pansin niya ang kakisigan nito kahit na medyo balbas sarado ay pansin niya ang napakagwapo na mukha nito... Nasundan niya ito nang tingin at inayos ang salamin...

"Hoy! Natahimik ka na yata diyan... Kilala mo ba yung lalaking yun at titig na titig ka..."puna ni Mark sa kanya, lumingon siya rito at sumimangot...

"Hindi noh!, maiwan na nga kita!!!"sagot niya at lumingon muli sa lalaking tinitingnan niya...
Napalingon ang lalaki kay Mia at ngumiti ito, bigla siyang nabigla sa pag ngiti niyo kaya napaismid siya at pinaandar na ang bisikleta...

"Nginitian lang... Nanaray pa..."bulong ni Gus at napa-iling, ipinagpatuloy na niya ang pinapagawa niya...

Nakarating na si Mia sa Hospital at agad na dumiretso sa opisina nang ina...

"Mama!"bati niya at humalik sa pisngi nito,

"Nag-almusal ka na ba?"tanong sa kanya, ngumiti si Mia...

"Yup!!!"sagot niya at tumingin sa mga papel na binabasa ng ina...

"Mga pasyente ko ito, may mga schedule sa akin bukas..."wika niya, dahil pansin niyang tinitingnan ito ng anak...

"Mukhang marami mama..."tugon niya, napangiti lang ito,

"Oo marami nga, kaya bukas masyado akong busy... Alam ko naman na andyan ka lang bukas para tingnan ang mga ito..."sagot lang nito... Ngumiti lang siya at naupo sa tabi. Doon lang siya para kapag may inutos ang ina...

Gabi na at nakahiga na si Mia, ang totoo hindi siya makatulog dahil lagi pa rin pumapasok sa isipan niya ang lalaking nakita sa site... Hindi niya alam ang dahilan pero naiinis siya sa nararamdaman niya para dito. Hindi naman niya ito kilala, ngunit pakiramdam niya atract na atract siya sa tindig at ngiti nito... Naipilig niya ang ulo at tinakpan ng unan ang mukha...

For The First Time (COMPLETED STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon