MM60

119 8 1
                                    

No Name

: Huling pm ko na ito sa iyo at kung ayaw mo pang maniwala, tatanggapin ko na lang talagang mabubulok ako roon at mamuti ang mga mata ng mga magulang ko.

: Ang Lance at Grace, na kaibigan mo na ang tunay na pangalan ay Francesca ay mag-tiyo.

: Walang masamang ginawa si Francesca. Nagkataon lang na bumisita sa bahay nila ang tiyo niya. Ayaw na ayaw ni Francesca sa tiyo niyang si Lance dahil noong limang taong gulang pa lang siya ay ginahasa niya ito at binantaang huwag magsusumbong sa mama niya, kapatid ni Lance.

: Lulong sa droga si Lance at mahilig din siyang gumawa ng maraming account. Role-player siya, doon nambibiktima ng mga kabataang mahilig tumambay sa social media—mga kabataang mahilig makihalubilo sa mga estranghero kaysa sa mga kaibigan nila sa personal.

: Hindi makapagsumbong ang kaibigan mo ngayon sa mga magulang niya kahit kaharap niya ang mga ito dahil nandoon pa rin ang tiyo niya. Akala ng mama at papa ni Francesca ay miss na miss nila ang isa’t isa dahil matagal silang hindi nagkita, kaya hinahayaan lang nila ang hayop sa silid-tulugan ng kanilang anak. Lingid sa kanilang kaalaman na may ginawa itong hindi maganda sa anak nila.

: Hindi maganda ang pakiramdam ngayon ni Francesca. Noong sumulpot ako sa account niya at kinausap ka, wala pa siya roon. Magpalipas ka pa nang tatlong araw at saka siya dumating sa bahay nila Francesca. May banta mang COVID-19, nakakapasok pa rin siya sa Nueva Ecija dahil marami siyang alam—mataktika. Matinik!

: Walang kriminal na magpapahuli ng basta-basta.

: Hawak niya ngayon ang account ni Francesca at alam niyang taga-Laguna ka dahil minsan mong sinabi sa kaibigan mo kung saan ka nakatira, ‘di ba?

: Bakit ko alam?

: Palagi akong nakasunod kay Lance, kaya alam kong magkamag-anak sila.

: Sana kahit paano ay naliwanagan ka. Kitang-kita ko ang dami ng gatla sa iyong noo. Halos magusot na ang mukha mo sa matinding pagtataka, kalituhan at takot, pero sana maniwala ka.

: Kailangan ka ng kaibigan mo, Che.

: Hindi ako nagbibiro.

: Mahirap man paniwalaan ang lahat pero kailangan ko ang tulong mo. Kailangan namin ang tulong mo.

: Iba na lang ang guguluhin ko kung ayaw mong maniwala. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang hustisyang gusto ko—nais namin.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon