MM21

126 8 0
                                    

Cheryza

: Hiiiii!

: Guess what... ako ulit!

: Hindi ka sana magsawa sa aking mukha

: Well maganda naman iyong model na nasa profile picture ko. Isa siyang model sa Russia.

: Gusto ko ngang maging kasingganda niya, e. Pero ayos lang din naman at least may kagandahan pa rin akong taglay

: Siya nga pala... hindi ka ba kumakain?

: Kada online ko kasi online ka pa rin. Berdeng-berde iyong maliit na bilog.

: Ang sipag mo namang mag-online

: Araw-araw kang online pero hindi ka naman nagre-reply

: Anong silbi ng account mo?

: Joke.

: Baka awayin mo ako

: Pasensya kong tinatadtad kita. Wala lang talaga akong makausap promise.

: Alam mo bang nahihiya na akong kulitin ka dahil baka mamaya buryong-buryo ka na sa pangalan ko, pero wala akong makitang online bukod sa 'yo, e.

: Ikaw lang talaga ang nakikita kong online at hindi ko alam kung kailan susulpot sila Grace sa messenger account ko.

: Nabubuksan ko naman facebook ko, nakakapag-react pa pero itong messenger ko may problema.

: Ang weird lang talaga.

: Kaya ayon, para akong uhaw sa reply mo dahil wala akong makausap.

: Sige, offline na muna ako. Tinablan na ako ng hiya, e.

: Nood muna ako ng k-drama.

: Anong magandang k-drama ngayon?

: Baka sakaling mag-reply ka kapag nagtatanong ako ng may sense.

: At baka mamaya kdrama fan ka rin pala.

: Ay, seen. Sige, ba-bye na nga!

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now