MM54

101 8 0
                                    

No Name

: Nakakatuwa talaga akong makita kang natatakot.

: Hindi ka na nakasagot sa akin kahapon.

: Nakakatampo!

: Wala ka na bang masabi dahil natatameme ka na sa nangyari?

: Alam mo bang para tayong nasa horror movie at ang sarap kumain ng popcorn bigla, pero multitasking ako.

: Ako iyong bida at ikaw iyong kontrabida.

: Huwag ka ng lingon nang lingon baka mamaya mabali iyang leeg mo.

: Nakakabastos ka Cheryza.

: Hinahanap mo pa ako, e, nasa iisang upuan lang naman tayo.

: Focus ka lang sa laptop mo.

: Gawin mong music ang naririnig mong “tak-tak-tak” ng keyboard mo sa laptop.

: Ba’t nanlalaki iyang mga mata mo?

: Na-a-amaze ka ba na may kusang nagtitipa?

: Ako nagta-type sa harap ng laptop mo. Kandong-kandong mo ako.

: Pero naninibago ako sa katahimikan mo.

“Ano bang gusto mo, ha?!” galit kong sigaw sabay irap nang tatlong beses.

No Name

: Kalma. Huwag kang sumigaw.

: Baka mapagkamalan kang baliw at isugod sa mental hospital, e ‘di mas lalo kang kawawa niyan.

: Ano bang gusto mong malaman?

: Nag-aalala ka kay Grace?

: Huwag kang mag-alala dahil natutulog siya nang mahimbing.

: Ang boring mo.

: Huwag ka ng magbasa, mapapagod lang mata mo. Sa akin ka lang tumingin.

: Gusto ko ulit makipaglaro.

: Pudpudin natin iyang daliri mo.
: Gusto mo?

: Ayaw mo?

: Gusto ko, e.

: Ang clumsy mo naman. Isang tulak ko lang, tumba ka na.

: Shutdown ko muna itong laptop mo, ha?

: Laro muna tayo.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now