MM35

113 8 1
                                    

Cheryza

: Hi!

: Alam mo bang...

: Gusto rin kitang makita kahit napakadalang nating mag-usap nang maayos, isa ka na sa mga kaibigan ko.

: Hayssss.

: As usual, boring na naman.

: May tao sa bahay pero may sarili silang mundo at may sarili rin akong mundo sa kuwarto ko.

: Iyong pusa ko lang talaga ang kausap ko.

: Nababagot na ako.

: May pa-take home quiz sa amin at hindi ko pa nasasagutan lahat.

: Nakakatamad kasi.

: At nagbabakasyon na utak ko.

: Ikaw no name, anong year ka na?

No Name

: I'm not student.

Cheryza

: Sana all.

: Nakakapagod maging estudyante pero laban lang.

: Nami-miss ko na sila Grace.

: Gusto ko silang makausap.

No Name

: Nandito naman ako, naghahanap ka pa ng iba.

Cheryza

: Alam ko namang nandiyan ka pero kaibigan ko rin sila at gustong-gusto kong ibalik iyong dati na nagkakausap pa kami

No Name

: Sorry, I'm not like them.

Cheryza

: Halaaa! Hindi naman kita pinapatamaan.

: Gusto kitang kausap, boring ka nga lang.

: REALTALK 'yon, a.

: Honesty is the best policy, ika nga kaya sinabi ko lang.

: Kung nagtatampo ka, halika rito sa tabi ko. Yayakapin kita.

No Name

: Matagal na akong nasa tabi mo.

Cheryza

: Oh, ba't 'di mo sinabing nasa tabi na pala kita.

: *niyakap ka*

: Ganoon pala 'yon kapag kunwaring niyakap ka, ano?

: Nanlamig kasi ang batok ko bigla.

: HAHAHA. Humangin kasi kaya siguro nanlamig o baka guni-guni ko lang iyon.

: Offline na muna ako. Bye!

Meet Me (CHAT SERIES #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon