MM11

148 6 0
                                    

Cheryza

: Gising ka pa ba, No name?

: Halata namang gising ka pa dahil online ka pa. Green na green iyong dot, e.

: 24 hours kang gising?

: Walang tulugan?

: Ikaw si Kuya Germs, teh?

: Hays. Hindi ka na naman sumasagot pero may gusto lang akong sabihin.

: Patay na raw kasi iyong kaibigan ko na nakilala ko lang sa rpw.

: Hindi ako makapaniwala kasi nase-seen pa niya message ko.

: May cellphone sa langit?

: May cellphone sa hell?

: Kailangan pag-cellphone-in pa bago manahimik ang kaluluwa?

: That's stupidity!

: Walang ganoon na nag-e-exist.

: Patay na nga mang-i-inform pang patay.

: Prank lang nila 'yon.

: Pero hindi naman sila mahilig mag-prank ng ganoon.

: At saka may part sa akin na naniniwala ako sa sinabi nila dahil baka nga wala na siya

: Pero hindi sana totoo 'yon. Bawiin nila sana iyong sinabi nila dahil ang hirap tanggapin, e.

: Putek! Wala ng mangse-seenzoned sa akin. Nabawasan na sila.

: Kaibigan ko siya. Kahit hindi ko pa siya nakikita in person—silang lahat sa group chat, napamahal na sila sa akin.

: I value my long distance friends. In short, I treat them as my real friends even we just met online.

: 'Di ba napa-english pa ako sa 'yo.

: Dapat mag-reply ka sa akin dahil nag-english ako.

: Teka, foreigner ka ba?

: Baka kasi hindi ka nag-re-reply dahil englisherism ka pala.

: Magsabi ka lang. I can speak englishing

: Pero balik tayo kay Sean...

: Hindi ko talaga tanggap kapag totoo 'yon.

: Nangako pa kaming anim sa gc  na 'yon na magkikita-kita pa kaming lahat bago mamatay pero nauna na siya.

: Buhayin mo nga, no name.

: Wala naglabas lang ako ng sama ng loob.

: Okay lang kahit seen ka lang diyan at least nabasa mo.

: Minsan okay rin ma-seen dahil ang mahalaga nabasa mo, pero mas maganda sana kapag hindi palaging seenzoned.

: Next time na iyong ibang rant ko. Bigla akong nahiya mag-rant ngayon lalo na't madaling araw na pala.

: Nag-enjoy lang ako mag-rant kahit puro ka seen.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now