MM58

123 7 2
                                    

No Name

: Gusto mong malaman ang kuwento ko?
: Makikinig ka ba?

: Silence means yes, right?

: Grade 10 student ako at mahilig akong gumawa ng account—at maging role-player. Ang gamit kong accout ay Marivella Marie Danchez. Marami akong nakilala at tuwang-tuwa ako dahil marami rin akong internet friends. Until he came…

: Nakilala ko siya sa isang group chat kung saan puro role-player ang nandoon at falling game ang pangalan ng group chat. Alam kong familiar ka diyan dahil halos lahat naman ng role-player dumaan diyan. Kaming dalawa ang nagka-match—naging fake relationship. Falling game nga within one week at ang mafa-fall, matatalo.

: Una nagduda pa ako kung lalaki ba talaga siya dahil sa paraan ng pagsasalita niya para siyang babae. Mas madaldal sa akin at iyon nga nag-send siya sa akin ng picture niya at sabi ko “lalaki nga”.

: Pero siyempre hindi ako basta-basta naniniwala dahil kahit napakatamis ng kaniyang mga banat, hindi pa rin ako kumbinsido na lalaki talaga siya kasi baka malay mo kinuha niya lang sa google o nagnakaw lang siya ng picture sa Instagram o facebook para lang may maipakita, ‘di ba? Kaya nag-demand ako ng video call.

: Pumayag naman siya at doon… lalaki nga siya. Hindi CRP.

: Natapos ang one week na falling game at na-fall nga ako. Akala ko ako lang ang ma-fa-fall, pero pati pa rin siya. Nang malaman nilang na-fall kami sa isa’t isa tinanggal na kami sa group chat dahil isa iyon sa rules, ang mafa-fall sa isa’t isa ay tanggal na sa family kuno.

: So, ayon nagtuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap namin at pinagdesisyunan naming totohanin na lang. Masyadong mabilis ang pangyayari. Dapat pinanligaw ko muna siya pero dahil mabait naman siya at nakitaan ko ng sincerity, pumayag na akong maging jowa siya.

: Masyadong mahaba ang story at ayaw ko ng ikuwento ang lahat kaya paiikliin ko na lang. Ang gamit niyang account ay Anthony Del Mariano at ang real name naman niyang sinabi sa akin ay Lance lang. And I am Nona Belle Guillermo, that’s my real name.

: Dalawang buwan ng kami noon nang mag-aya siyang mag-meet up kami. Siyempre ako naman, gustong-gusto talaga siyang makita dahil boyfriend ko nga, ‘di ba? Gustong-gusto ko siyang mahawakan, mayakap, at mabatukan ganoon—iyong makita siya harap-harapan.

: Nag-set kami ng date at kung saang lugar. I’m from Laguna and he’s from Makati City. May kalayuan kami sa isa’t isa at siya na lang ang nag-adjust. Sabi niya susunduin niya na lang ako sa Laguna at ipapasyal nila ako sa kanila. And I agreed.

: Dumating ang araw na iyon. Hinintay ko siya sa waiting shed noon matapos ang klase ko ng tanghali para eksaktong hapon o kahit magabihan ako nang kaunti, hindi ako mapapahalitan dahil may irarason akong may group project kami at tinapos iyon. Umaasa akong siya ang susundo sa akin pero ibang lalaki.

: Nasa mid-40’s na yata siya sa pagkakaalam ko dahil medyo bakas na ang katandaan niya. Malaki ang katawan niya at may katabaan. May balbas siya sa mukha, hindi naman masyadong balbas sarado pero patubo pa lang ang mga balbas niyang inahitan niya. May kalakihan ang mga mata niya. May hitsura naman siya kahit medyo matanda na. Hindi ko siya pinansin noon dahil akala ko maghihintay lang din hanggang sa in-approach niya ako. Nagulat ako dahil bakit kilala niya ako. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko n’on pero hanggang tango at sumasagot lang ako nang maikli sa kaniya.

: Hanggang sa sinabi niyang siya raw ang tito ni Lance at pinapasundo niya ako sa kaniya dahil nasa klase pa raw ang pamangkin niya. Noong una, nagduda ako dahil wala namang chat sa akin si Lance na ipapasundo niya ako sa tito niya. I even chatted him that time, but no response at all. Aayaw na sana ako pero may ipinakita sa akin iyong tito niya na message—usapan nilang dalawa ni Lance na kung saan sinasabi niyang “tito, sunduin mo naman si Veronica, o!” ganiyan kaya sumama ako’t naniwala.

: Maayos naman ang biyahe namin. Tahimik lang kami buong oras. Sa kotse niya pala kami sumakay n’on. Dinala niya ako sa isang bahay na kakaiba. Para kasing wala ng tumitira doon sa sobrang luma. Nagdadalawang-isip akong bumaba sa kotse niya dahil bigla akong kinutuban nang masama. Parang hindi talaga maganda n’ong nasa kotse niya pa ako.

: Abot-abot ang kaba ko nang pababain niya ako sa kotse niya. Ayaw ko talaga pero hawak-hawak niya ang balikat ko noon, iginigiya ako papasok. Nang makapasok ako sa bahay niya kung saan doon ko raw hintayin si Lance dahil pauwi na raw ito ay umupo ako sa sirang sofa. Maalikabok ang bahay. As in wala na talagang tumitira. Iniwan niya akong mag-isa sa sala at inilapag niya doon ang cellphone niya dahil maghahanda lang daw siya ng meryenda namin kapag dumating na ang boyfriend ko. Balisang-balisa ako at pinagpapawisan dahil iba talaga ang pakiramdam ko. Upang libangin ang sarili, nagbabad ako sa facebook ko at tinadtad ng message si Lance. Todo tanong ako kung nasaan na siya, nandito na ako sa bahay ng tito niya at sa bawat pag-sent ko ng message ay ang bawat pagtunog ng messenger ringtone sa cellphone ng tito niya.

: Alam kong bawal ang mangialam ng may gamit na hindi naman sa ‘yo, pero may nagtulak sa aking buksan ko at doon ko napagtantong na-trap ako.

: Si Lance at siya ay iisa. Para akong binuhusan nang malamig na tubig noong mga oras na malaman ko ‘yon. Nang marinig ko ang maamo niyang boses ay natataranta kong ibinalik ang cellphone niya sa ibabaw ng maliit na mesang nasa tapat ko. Mabilis ko rin namang ichinat si mama na tulungan niya ako. Bahala na kahit mapagalitan niya ako ang mahalaga matulungan ako ni mama at masundo agad. Sinubukan kong kumalman kahit naiiihi na ako sa matinding kaba.

: Iba na kasi ang tingin niya sa akin at parang alam niyang nalaman ko na ang sekreto niya, ‘tsaka parang sinadya niya rin iyon. Sinabi kong ‘hindi na yata pupunta si Lance, tito. Uuwi na lang po ako dahil baka hinahanap na rin ako sa amin.’ Palusot ko at ipinagdadasal kong hindi niya napansin ang panginginig ko sa kaba. Hinayaan niya akong tumayo noon at lumapit sa pinto. Akala ko hahayaan niya talaga akong makaalis, pero nagkakamali ako. Hinila niya ang buhok ko noon at marahas niya akong hinila patungo sa isang kuwarto sa ikalawang palapag. Walang ano-ano’y bigla niyang ipinasok ang kamay niya sa ilalim ng palda ko at alam mo na ang sunod na nangyari noon.

: Pinagsamantalahan niya ako nang paulit-ulit noong gabing iyon. May kung ano-ano pa siyang ipinasok sa ari ko at pati iyong matulis na kutsilyo ay ipinasok niya roon. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya sa akin habang hinang-hina naman na ako. Noong hindi na ako makakibo dahil sa sobrang pagod at punong-puno na ng sugat at pasa ang katawan ko dahil binubugbog niya rin ako kung hindi ko inuungol ang pangalan niya, ay umisang ulit pa siya at sinabi niyang hindi lang ako ang nabiktima niya kundi marami kami. Bago niya ako lagutan ng hininga ay ipinakita niya ang laman ng isang cabinet doon na punong-puno ng bangkay ng mga dalaga. Itinuro niya rin ang isang bakanteng cabinet at sabi niya doon niya ako ilalagay.

: May buhay pa ako nang ikulong niya ako sa cabinet ng hubo’t hubad. It’s been one month since that raped happened. Hanggang ngayon hinahanap pa rin ako ng mga magulang ko.

: Iyong cellphone ko, nandoon iyong address niya.

: Che, kailangan ko ang tulong mo.

: Gusto kong pagbayaran niya lahat ng kasalanan niya at habambuhay na mabulok sa kulungan.

: Natatakot akong baka marami pa siyang mabiktima.

: Aaminin ko, nakikita ko siya at alam ko ang ginagawa ng taong iyon.

: Isa si Grace sa binibiktima niya ngayon. Magkausap sila kaya sumulpot ako noong mga oras na magkausap kayo.

: Grace is safe. Wala akong ginawa sa kaniya

: At hindi ko talaga kagustuhang mapatay sa bangungot ang mga kaibigan mo. Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Ralph. Death threats? Oo, mayroon pero talagang positive raw siya sa COVID-19. Nandoon ako nang mamatay siya.

: Hindi ko rin naman intensyong manakot dahil gusto ko lang naman makuha ang atensyon ninyo at humingi ng tulong.

: Sorry kung sa pananakot at pananakit sa ‘yo ang naging paraan ko para makinig ka sa akin.

: Umaasa ako sa ‘yong matulungan mo ako, Che.

: Ikaw lang ang kauna-unahang nakinig sa akin.

: Pangako ko lulubayan na kita pagkatapos nito.

: Hindi na ako gagamit ng cellphone.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now