MM6

170 10 0
                                    

ILANG MINUTO na rin siguro akong nakatitig sa harap ng laptop ko at mabuti na lang kinabig ni Snow, pusa ko ang aking paa. Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko ba ang link ng website na ipinasa ni Sean sa group chat o hindi. Iba kasi ang pakiramdam ko sa website link na ito. Napakabigat ng aking pakiramdam pero huli na nang mapindot ko bigla ang right side ng mouse na hawak ko at bumungad sa akin ang hindi rin naman nakakakilabot na website. Biglang sumagi sa isip ko ang mga nabasa ko sa facebook na mga opinyon ng mga bumisita sa website na ito.

Nakakakilabot ang kanilang mga sinasabi. Isa na roon ang sinasbai nilang namatay na raw ang kakilala nilang nag-sign in sa website, pero ang iba naman ay hindi naman daw totoo iyon dahil maganda raw naman kausap iyong babae roon. Para malaman ko kung alin ang totoo sa mga sinasabi nila ay sinubukan ko. Tumaas-baba ang aking balikat, nagpakawala ng buntonghininga.

WELCOME TO MEET ME

Do you want to meet a real friend that she will not leave you? She is the best among all your friends. She won’t leave you alone. Do you want to meet and talk to her?

Sign up for free.

Connect to Google
Connect to Tumblr
Connect to Facebook

Enter you name here
Password

SIGN IN or SIGN UP

Pinindot ko ang sign up dahil wala pa naman akong account at saka ayaw kong i-connect ang facebook account ko gamit dito. Pero mabilis ko ring ibinalik at piniling ikonektado na lang sa gamit kong roleplayer account na Cheryza. It’s my real name anyway, but the surname isn’t. Yes lang ako nang yes at sa messenger ko mismo raw siya makakausap. Tumaas na lang ang kilay ko at nagkibit-balikat habang pahapyaw lang na dinadaanan ng mga mata ko ang mga mahahabang sentence dahil sa dulo ay “accept” lang din ang nakita ko.

Pinakatitigan ko ang ‘loading’ na bilog doon at nang mag-load ay may lumitatw sa messenger chat head ko na message. Walang pangalan, blangko at sa tingin ko ito ‘yon.

Welcome Cheryza to Meet Me. Start a conversation with her!

Nangunot na lang ang noo ko habang nagtitipa ng mga sasabihin sa kaniya dahil tila peke nga ang mga sinasabi ng ilang facebook users na creepy ang bungad, e, wala naman akong napansing kakaiba sa bungad niya. Para lang daw kinakausap si simisimi na sisiw at upang malaman kung totoo rin ba iyon, aking susubukan. Walang makausap kaya papatulan ko para lang hindi ako ma-bore.

Cheryza

: Hi

: What’s your name?

Malilikot ang tatlong ellipsis sa ibaba. Senyales na nagtitipa siya ng kaniyang reply. Nagpalipas ako ng segundo hanggang sa umabot na ako ng kalahating oras at may gumagalaw pa rin ang tatlong ellipsis sa ibaba. Tumaas ang kilay ko’t nagpadala pa ng isang mensahe sa kaniya.

Cheryza

: Ang tagal mo naman mag-reply

: Kung marami kang kausap, sabihin mo lang

: Huwag mong pagsabay-sabayin

: Nakakawalang gana kausap iyong taong na-seen ka, nagty-type ng reply at paghihintayin ka sa wala

: Oh, ano? Tumigil ka na sa pagt-type dahil tama ako?

: Palagi na lang kasing ganoon ang ipinaparamdam sa akin.

: Balewala na nga ako sa personal, balewala pa ako sa chat.

: Isa-isa lang kasi ang kausap. Tandaan mo, isa ka lang pero pinagsasabay mo.

: Huwag ng magcha-chat kung ayaw rin kausap. Magcha-chat tapos hindi ise-seen. Paabutin ng dalawang araw bago i-seen.

: Dami kong issue. Sorry na.

: Epekto lang ng walang kausap no name.

: Matutulog na lang ulit ako. Ba-bye!

: Pero sana mag-reply ka pa rin kahit offline na ako.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now