MM53

94 8 1
                                    

Grace

: Cheee! Alam ko na ang message niya. “I am with you.” at “You’re not alone” ang ibig sabihin. Seems like she wants to be with you. Kilala mo ba siya or baka kaibigan mo siya dati sa mga iba mong accounts?

Cheryza

: Imposible. Wala akong matandaan.

Grace

: Nanggugulo pa rin ba siya sa ‘yo?

Cheryza

: Araw-araw

: Hindi na niya ako tinatantanan. 24 hours, Grace.

: Bawat pagtulog ko nasa tabi ko siya.

: Ano ba ang gusto niya?

Grace

: Palaisipan nga rin sa akin iyan.

: Nagtataka ako kung bakit napaka-agresibo niya.

: Baka nagalit natin siya?

: O baka may isa sa ating nakagawa nang masama sa kaniya at sinunod-sunod niya tayo?

: Alam mo bang inamin niya sa aking siya ang bumangungot kay Sean, Vinky at Alexandra?

: Death threats lang daw sinend niya kay Ralph

: At balak niya rin akong isunod at ikaw raw ang huli.

Cheryza

: What?!

: Loading sa utak ko ang lahat.

: Paano?

: Bakit?

: Ano ang rason niya?

Grace

: It’s me, no name.

: Sorry for interrupting but your conversation is too vulgar.

: Napakadaldal ng kaibigan mo.

: Sabi ko sekreto lang namin pero sinabi pa rin. Hindi makakapagkatiwalaan!

Cheryza

: Nasaan siya?

: Anong ginagawa mo diyan?

: Anong ginawa mo sa kaniyang demonyo ka?

No Name

: Easy. Isa-isa lang ang tanong.

: Iisa lang ang kalaban.

: Hawak ko mga account n’yo.

: Paano?

: Once you click the link, kontrolado ko na lahat at isa pa, remember Sean? Iyong kaibigan mo?

: May ipinasa iyon sa group chat n’yo at kahit hindi n’yo ‘yon pindutin, automatic na iyon.

: Teka, nakikita kong kunot na kunot ang noo mo sa at naguguluhan ka nang sobra.

: Hindi na ba kaya ng utak mo iproseso?

: Weird?

: Dear, huwag mo ng pasakitin ang ulo mo sa kakaisip.

: Wala na sila kaya huwag mo ng alalahanin.

: Matiwasay na silang namamahinga kaya huwag mo ng ungkatin pa kung bakit sila maagang pumanaw.

: Hindi ko naman sila pinatay sa hindi makatarungang paraan.

: Bumisita lang naman ako sa panaginip nila, at malay ko bang hindi na pala sila magigising.

: Gusto ko sana iyong madugong patayan pero mabait ako sa kanila at ikaw lang ang gusto kong kalaro.

: Maging masaya kang nakausap mo ako dahil minsan lang ito mangyari.

: At napakasuwerte mo dahil sa ‘yo ito nangyari. HAHAHAHA

: Oh, tama na sa kakaisip baka sumabog utak mo at mamatay ka pa diyan.

: Napakadaldal ko na ba?

: Gusto mo bang sagutin ko iyong tanong mo kung nasaan ngayon si Grace?

: Bumilog ang mata niya. Iyon talaga ang gustong malaman.

: Ayoko ngang sabihin. Naglalaro tayo kaya hulaan mo kung buhay pa siya o hindi na at kung mali ang sagot mo, alam mo na ang mangyayari.

Cheryza

: Kailan pa ako pumayag na maging kalaro ka?

: Hindi ka ba titigil na demonyo ka?

No Name

: I prefer being called no name than demon. Hindi bagay sa ipinangalan mo sa akin.

Cheryza

: Hayop ka!

No Name

: Multo ako, ‘di hayop.

Cheryza

: Demonyo ka!

No Name

: Anghel ka?

Cheryza

: Buset!

: Mawala ka na sa paningin ko!

No Name

: Bulagin kaya kita para mawala na ako sa paningin mo, gusto mo?

: Oh, ba’t natameme ka?

: Natatakot ka?

: Nandiyan ako sa tabi mo.

: Huwag ka ng lumingon baka ipahalik lang kita sa napakaruming sahig.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Where stories live. Discover now