MM57

93 8 0
                                    

Cheryza

: Can you tell me your story?

Pumatak ang alas dose nang madaling araw. Buong gabi akong naghihintay sa reply niya pero wala akong natanggap. Hiniling ko rin na kahit i-seen niya ako para lang naman malaman kong nabasa niya message ko, pero wala. Hinihintay ko rin siyang magparamdam sa akin. Ugain ang kama. Magbukas-sara ang cabinet. Paglaruan ang laptop ko. Magtatakbo sa buong kuwarto ko at mag-iiwan ng mga bakat ng kamay sa dingding, pero lahat n'on ay wala. Katahimikan ang namutawi. Hindi siya nagparamdam na tila nakakapanibago sa akin.

Dapat ay maging masaya ako dahil wala na siya—nilubayan niya na ako pero parang hindi ko magawang magsaya. Nasa isip ko ang sinabi niya kagabi.

Habang nakahilata nang maayos  katawan sa kama ay tinitigan ko ang hawak kong cellphone. Isang simangot ang ipinaskil sa labi  bago ako mag-iba ng posisyon, tumagilid ng pagkakahiga. Isang buga ng hangin ang pinakawalan kasabay n'on ang pagpatay ko sa aking selpon at ipikit nang panatag ang mga mata. Makakatulog na ako nang maayos pero nalulungkot ako 'pagkat wala itong reply at tila mananahimik na nga buhay ko simula bukas.

“Ate, matulog na tayo,” ungot ni Loraine na ngayon ko lang namalayang magkatabi pala kami. Isang linggo na rin ang lumipas simula noong maging malapit kami sa isa’t isa ng kapatid ko. Medyo nakakabigla nga’t hindi kami ganito noon pero sobrang saya ng aking nadarama sapagkat mas napapalapit siya sa akin. Tuwing may sinasabi sila mama at papa sa akin, ipagmamalaki ang achievements niya’t hindi ako makakaimik dahilan para pumanhik ako sa aking silid-tulugan. Kakatok ito sa pinto at yayakapin niya ako nang mahigpit. Nakakapagtaka dahil ganoon nga ba kalakas ang epekto ng mga binitiwan kong salita sa kaniya nang maglabas ako ng sama ng loob o nang dahil kay no name. Kung ano man ang dahilan ni Loraine kung bakit pinapansin niya ako, wala na akong pakialam sapagkat ang mahalaga sa akin ay nagiging malapit kami sa isa’t isa.

Banayad kong pinakatitigan ang nakapikit na ang mga matang si Loraine sa aking tabi. Ambang hahaplusin ko ang pisngi niya subalit tila may kakaiba sa kaniya. Hindi ganito ang amoy ni Loraine, amoy dove na sabon ang gamit niya pero iba ang naamoy ko… nanunuot sa aking ilong ang masangsang na amoy ng isang bangkay. Mas grabe pa sa panis na pagkain ang nasisinghot ko sapagkat bumabaliktad ang aking sikmura. Nang magawa kong iangat ang kamay ko ay kinusot ang mga mata at tila naduduling ako. Makapal na buhaghag ang buhok, halatang hindi nagsusuklay. Mabagal kong ibinaba ang tingin at nangunot ang noo sa maputla niyang balat sa noo, may galis at sugat na wala namang ganito si Loraine. Bago ko pa makita ang mga mata niya’y ipinikit ko ang mga mata.

“N-no name…” nauutal kong bulong sa kabila ng aking pagkabigla. Agaran kong hinablot ang unang nasa kanan ko sabay takip sa mukha ko. She’s here!

Meet Me (CHAT SERIES #7)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora