MM44

110 8 1
                                    

HINDI AKO mapakali. Panay ang sulyap ko sa wall clock, pinagpapawisan ako nang malamig sa aking noo. Masyado akong nababahala. Gusto kong umihi muna pero hindi ko magawang iapak ang mga paa ko sa malamig na semento ng sahig sa kuwarto. Hindi ko alam kung totohanin ba niya ang sinabi niyang iyon o baka gusto lang niyang manakot. Humigpit ang pagkakayakap ko sa unan nang pumatak na ang alas-dose nang gabi. Nanginginig ang kamay at kinagat ang punda ng unan, banayad akong lumilinga-linga at pinakikiramdaman ang buong paligid. Gusto ko na ang umidlip ngunit hindi ko magawa. Gising na gising ang aking diwa. Handang-handa sa maaaring mangyari. Tumatak sa isip ko ang sinabi niya kanina at hindi ko siya magawang reply-an sa matinding takot na nararamdaman ko noong mga oras na iyon.

Agad akong itinago ang ulo ko sa unan na yakap-yakap ko nang marinig ko ang pagsara bigla ng aking bintana. Hindi ko pinansin kung malakas lang ba ang ihip ng hangin kaya nagsara o may nagsara. “Diyos ko, tulungan n’yo ako!” pabulong kong pagdadasal habang nakapikit nang mariin.

Nakiramdam ako sa tahimik na gabi. Wala akong marinig, nabibingi ako sa katahimikan at mas nakakakilabot ang ganitong pakiramdam. Mas dumiin ang pagkakapikit ko nang maramdaman kong lumubog ang kutson ng aking kama. Dios mio! May umupo. Siya ba ito o si snow? Pero kung iyong pusa ko ito, magme-meow iyon. Isinubsob ko ang mukha ko sa unang inilagay kong pantakip sa ulo ko. Natatakot akong igalaw ang kamay ko para hanapin ang aking kumot. Baka iba ang mahanap ko, isang kamay. Natatakot ako nang husto. Naiihi ako na hindi ko maipaliwanag.

Panaginip lang yata ito na dapat akong dumilat at magising, pero ayaw kong dumilat sa mga oras na ito dahil kapag didilat ako, makikita ko siya—mamatay ako sa takot. “Dios ko, tulungan n’yo ako.”  Paulit-ulit kong wika sa isipan ko.

Napadilat ako bigla sa madilim na paligid nang may maramdaman akong paghaplos ng kung sino sa aking buhok. Tila may katabi ako.

“Snow?” tawag ko habang nanatiling nakasubsob ang mukha sa unan. Ayaw kong tanggalin sa matinding takot.

“Snow, ikaw ba ‘yan?” muli kong tanong at hindi niya yata marinig ang boses ko, kaya hindi siya sumasagot. Ipiangsawalang-bahala ko na lamang at hindi na umulit pa ng salita bagkus nagpalamon ako sa dilim hanggang sa lamunin ako ng antok nang may takot sa puso.

Meet Me (CHAT SERIES #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon